"HOY!" Pagulat ang pagkakabulalas ni Yana nang magising siya at makitang almost 9 AM na! Kaagad niyang hinanap ang tsinelas niya at patakbong tinungo ang banyo. Kung may dapat siyang ipagpasalamat, 'yon ay ang pagkakaroon ng sariling banyo ng kuwartong inilaan sa kaniya ro'n na daig niya pa ang nagbuhay ng solo na matagal na niyang pangarap-- solo with AC-- suwerte niya na talaga sa bagong trabahong napasukan! Suwerte niya kay Mamsh Claire, legit. Kung ang pamangkin ang pag-uusapan, change topic. At nabanggit na rin lang niya, hindi na siya maaaring mag- rejuv ngayon dahil nagmamadali na siya! Badtrip naman. Unang araw ng trabaho pa siya hindi nagising sa alarm ng cellphone niya! At dahil late na siya nagising, ang shampoo na ginamit niya sa kaniyang buhok na rin ang ginamit niyang pi

