"OH Branko, anyare?" tanong niya nang makita ang binata na parang dahan-dahang naglapag ng mga plato sa mesa. Kababalik lang nilang dalawa galing sa appointment nila at nagtataka sila kung bakit tila iba ang aura ng bahay pagdating nila. Tumingin pa ito sa direksyon ng mga kuwarto bago ito nagsalita nang napakahina na tila ba bumubulong na, "Si Kuya Nate galit na galit." Nagtinginan silang dalawa ni Lili. Unusual kasi na nagagalit si Nathanil. In fact, noong nagsasama silang dalawa ay mabibilang lang sa isang daliri niya ang mga pagkakataong nagalit ito. "Anong dahilan?" Nagkibit-balikat ang binata. "Pagdating ko rito narinig kong galit na sumigaw si Kuya. Pagkatapos, nakita kong tumatakbong umiiyak si Lizzie palabas ng bahay." Namilog ang mga mata nilang dalawa ni Lili. "Tsismis 't

