MATIWASAY na naidaos ang kasal ni Lili at Remus. Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ni Samara nang makitang blooming ang kaibigan sa piling ng asawa nito. Humiling din naman siya sa Diyos ng isang happy ever after pero nang lingunin niya ang lalaki ay masaya itong nakikipag kuwentuhan sa ibang mga sexy at magagandang babae. Nagseselos siya. At nagsisisi na rin kasi kung pinahalagahan niya ang lalaki ay hindi niya mararamdaman ang ganitong klaseng sakit. Hapdi dulot nang walang kasiguraduhan kung mananalo ba siya sa pakikipaglaban upang masungkit ang pag-ibig ng lalaki. 'Sana mahal mo pa rin ako Nate,' isip niya habang tiningnan itong hinaplos ang buhok ng isang magandang babae. "Okay ka lang Miss?" tanong ng isang chubby na babae. Tumango siya. Tinapik nito ang braso niya. "Ika

