to cut the story short!!! After two months?
Hindi pa rin nag paramdam si Aiden sakin.buti nalang hindi ako na buntis.tuloy pa rin ang buhay kahit namimis ko na sya.
Naka pasok ako dito sa doctors hospital, kaibigan kasi ni Sir Allan yong doctor, pansamantala ako muna ang mag assist ng pasyente nya dito sa clinic, parang training ko na rin to. Masaya naman ako sa trabaho ko at doon pa rin ako umuuwi sa bahay ni madam,bukas wala akong pasok, nakapag padala na rin ako ng pera kay mama.simula ng nag trabaho na ako dito nakakaluwag na kami,balak kong ilipat sila mama sa bayan para naman May kuryente na at matawagan ko sila,sabi ni Sir may kilala daw sya na hulugan na pa bahay. Nag offer sya na baka gusto ko kumuha at hulugan ko nalang buwan buwan sa kanya kaya yon tinanggap ko na at para din naman kina mama. Nag start na daw sila mag tayo at pinakita pa sakin kung anong design ng bahay, noong ona parang ayaw ko pa kasi nga mukhang mahal.pero sabi ni Sir Allan mura lang daw at bigyan nya ako ng discount at regalo na daw nya sakin noong nag graduate ako, super bait nila sakin.
“Hi Melanie andyan ba si Dr.Roque?” Napa angat ako ng ulo mula sa computer.
“Hi , opo pero may pasyente pa sya sa loob.” Sagot ko, “ paano nyo po nalaman name ko?” Tanong ko pero ngumiti lang sya sakin.
“ ah yong name plate mo” sabi nya sabay turo sa May dibdib nya kaya napa tapik ako sa noo ko.
“Sorry,medyo hindi pa kasi nag si sink in sa utak ko na dito na ako nag ta trabaho” paumanhin ko sabi sa kanya.secretary sya ng kaibigan ni doc Roque.
“ napansin ko bago ka lang dito?” Tanong nya
“Opo,” tipid kong sagot sa kanya.
“Ano ka ba hwag ka na mag ‘po at opo’ halos magka edad lang tayo.ako nga pala si theresa” pakilala nya.
“Nice to meet you po- este theresa” sagot ko sa kanya na nakangiti.
“Paki abot nalang ito kay doc.paki sabi na galing kay doc alcantara.” Sabi nya sabay abot ng paper bag, amoy pa lang alam ko na pagkain yon,
“Sige walang problema.Salamat” sabi ko sa kanya.
“Saan ka pala kumakain ng lunch?” Tanong nya
“Umm sa dito lang sa may pantry ni doc.bakit?” Ani ko sa kanya.
“Nag babaon ka rin? Hehehhe ako din minsan pero sa canteen ako kumakain kasi may libreng sabaw” sabi na nakangiti,nakakahawa ang mga ngiti nya at mukhang mabait naman sya. “ sabay tayo mag lunch? Para naman may kasabay na ako.” Dagdag nya pang sabi kaya napa isip ako,
“Sige sabay ako sayo mamaya,” sagot ko
“Thank you!! Frenny na tayo ha?” Sabi nya na nakangit na naman,
“Frenny? Ano yon?” Biro ko sa kanya. At ang luka luka nanlaki ang mata,
“Jusko dai di mo alam yon? Saan ka ba galing?” Tanong nya kaya sinakyan ko sya.
“Sa bahay po ako galing,bakit?” Hahahhaha yong itsura nya nakakatawa.
“Ay kaluka ka dai. Sige na at babalik na ako sa clinic.babush” paalam nya kaya natawa ako.
“Ahahhahaha, ok sige na kita nalang tayo mamaya”sagot ko na tumatawa .tiningnan ko ang oras.mayaa maya pa lumabas na yong pasyente. Nag bigay ako ng instructions sa kanya kung paano ang pag take ng vitamins at bayad na rin. After 5 minutes narinig ko ang tawag ni doc.
“Melanie! May next pa ba?” Tanong nya
“Wala na po doc, yong next schedule nyo mamaya 2pm pa po kaya free po kayo 10:30 to 1pm” sabi ko sa kanya.
“Okay, Salamat Melanie.baka nagugutom ka na pwede ka mag merienda muna may mga foods dyan sa fridge and coffee,snacks sa pantry.hwag kang mahiya” sabi nya kaya naalala ko yong bigay na paper bag ni doc alcantara.
“Ay ito po pala doc pa bigay mo daw ni doc alcantara”sabi ko sabay kuha ng paper bag at inabot sa kanya. Nakita ko na napangiti si doc pagka banggit ko sa pangalan ni doc alcantara.
“Pakilagay nalang sa pantry at Salamat.”sabi nya at nag tungo na ako sa pantry.maya maya pa may kausap na sa phone si doc siguro yong nag bigay ng pagkain kasi ang sweet nila mag usap, nag templa ako ng kape ang pinatong ko sa table na doc ,she mouthed thank you at May thumbs up pa.bumalik na ako sa table ko dala ang kape.Bumalik ako sa ginagawa ko at nag ayos ng mga patients record.hindi namalayan ang oras.
“Melanie mag lunch ka na” si doc. 11:30 na pala.
“Sige po doc Salamat.” Sagot ko at kinuha ko na lunch bag ko,Salamat kay nanay mila lagi akong may baon.nag punta akong canteen pagpasok ko marami na rin kumakain.
“Melanie dito” si theresa kumakaway sakin at may kasama sya sa table na isang babae at lalaki.naka scrubs uniform sila. Lumapit ako sa table nila.
“Hello po,” bati ko sa kanila at ngumiti,
“Guys! Sya si Melanie bagong assistant ni doc roque.ito naman si kathy at ang boyfriend nyang si lucas.” Pakilala nya samin.
“Hi,hello” sabay nilang bati sakin, “ upo ka na Melanie. Hwag kang mahiya ha dahil walang silang hiya dito” sabi naman ni Kathy.
“Ikaw lang yon hwag mo kong idamay” sagot ni theresa kaya natawa kaming lahat, masaya silang kausap.
“Guys mauna na ako sa inyo at may tatapusin pa ako” paalam ni lucas at tumayo na ito. “Babe kita nalang tayo mamaya sa lobby.” Baling nito sa nobya, grabi ang sweet nila, naisip ko tuloy si Aiden, haaay Lani ano ka ba ni hindi na nga nagpa ramdam yon sayo ilang buwan na.baka may iba na yon.kaya tuloy ang buhay!
“Sige babe, maki chika muna ako sa kanila” sagot naman ni kathy. Noong kami nalang sa mesa ang dami naming napag usapan ng kung ano ano lang. hanggang sa matanong nila ako kung May boyfriend na, medyo nailang ako.
“May bf ka na ba Melanie?” Tanong ni kathy,
“Oo nga girl,”dagdag naman ni theresa.
“Ummm meron pero hindi pa nagpa ramdam” sabi ko sabay ngiti pero yong dalawa parang nakalunok ng buto ng santol nakatingin lang sakin.
“Ha? Ano yon?” Si kathy.kaya natawa ako sa reaction nila .
“Hindi nya alam na boyfriend ko sya hahahhahahha” sagot ko kaya natawa na rin sila.
“Hindi pero seryuso, meron o wala?” Tanong naman ni theresa kaya nasamid tuloy ako sa iniinum ko,
“Ano ka ba nakakasamid naman yang mga tanong nyo” sabi ko sabay kuha ng tissue sa table.
“Hmmm so meron nga, anong nangyari?” Si kathy ,
“Hindi nya nga alam na boyfriend ko sya akala ko meron, ayon di na nagpa ramdam” sagot ko.
“Daks ba ? Gwapo? Naku pag daks at gwapo malamang may naka bingwit na non” sabi ni theresa.
“Ano ducks? Yong lumilipad ba yan o yong nasa tubig?” Confused kung tanong pero ang dalawang bruha grabi ang tawa.
“Hahahhaaha pag daks siempre maraming klase yon.” Sabi naman kathy at tumawa na naman sila.
“Kasi nga yong ducks samin meron sa tubig at meron din sa lupa.”sagot ko kaya ayon natawa na naman sila, feeling ko tuloy pinag titripan nila ako kaya nainis ako. “Naku iwan ko sa inyo. Sige ona na ako” sabay tayo at dampot ng lunch bag ko.
“Oi teka lang, binibiro ka lang namin.lapit ka may ibulong ako sayo,” at lumapit naman ako.
“Yong daks na sinasabi ko yon yong nakakatirik ng mata dahil sa sarap,mapapasigaw ka ng harder!!! More!!! Ohhh aaahhh” sabi nya kaya namula ako dahil alam ko na ang ibig nyang sabihin.
“Oh bakit namumula ka?” Tanong ni theresa,
“Wala , nakakahiya” sagot ko,
“Naku nurse tayo siempre alams na” sagot naman ni kathy. Natawa kami pareho dahil mga luka luka pala sila. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko na nakatagpo ako ng bagong kaibigan.
“Melanie pwede ka na umuwi at uuwi ako hg maaga today,” sabi ni doc, kaya nag ligpit na rin ako ng gamit ko,
“Salamat po doc,” sagot ko.
“See you Monday? Have a good weekend!” Sabi pa nya kaya nagpasalamat ako. Sumakay ako ng bus at nag tribike papasok hangga sa gate ng village.
“Good evening po ma’am” bati ng guard pag pasok ko sa gate,
“Good evening din po kuaya,” bati ko din sa kanya at nag lakad na papunta sa loob.mga 20 minutes din nilakad ko mula sa gate ng village hanggang bahay.thank you lord at ligtas akong nakauwi,