1 week na ngayon mula ng bumalik si Aiden sa america pero wala pa rin syang paramdam sa’kin.naka labas na rin sa hospital si tita madam.andito kami ngayon sa garden nagpapahangin, sarap dito mag tambay kasi madaming bulaklak.
“Ito na merienda ni madam, hinanda ko na.” Si nanay mila may dalang hiniwang mangga at nilagang saging.favorite ko to at naging favorite na rin ni madam kaya yon ang request nya kanina.
“Salamat po nanay, the best talaga kayo” sabi ko
“Ay naku nang bola pa ito.kumain ka na rin nyan at madami yan nilaga ko” sabi nya sakin kaya ang saya ko.
“Samahan nyo na kami rito Mila at tawagin mo ang iba.” Sabi ni madam kay nanay.
“Naku madama nakakahiya pero may mga ginagawa pa sila. Mamaya nalang po kami.” Sabi nya kaya hindi na napilit ni madam na sumalo sa merienda namin.
“Yuummm namis ko talaga to” wala sa sarili sabi ko habang kumakain ng saging saba.
“Hahhaha ikaw talaga bata ka.sige kumain ka lang” sabi ni madam na natatawa sakin.
“Kayo din po.Kumusta po pakiramdam nyo?” Tanong ko kasi baka kung ano na naman mangyari sa kanya,
“Ok lang ako iha.Kumusta pala ang board exam,wala pa bang resulta?” Tanong nya.
“Hindi ko pa po natingnan sa website.maya maya po e check ko po”sagot ko. Busog na busog ako dahil sa kinain ko paano ba naman May bagoong hipon na nilagay si nanay alam nya favorite ko ang nilagang saging na may bagoong.
8pm na kaya tapos na kami lahat kumain at nanunuod nalang ng tv si madam sa kwarto nya at ako naman dito sa kwarto ko.kinuha ko ang laptop ko at nag log in sa social media.haayy wala pa rin syang message sakin, paano kaya kung ako nalang mag message? Hmmmmm,
Ako : hi how are you? I hope you are doing okay, (send)”
Nag log out ako at nag punta sa emails ko, pag tingin ko meron akong 5 emails sa inbox , in open ko ang senend na pdf. Omg thank you Lord, nakapasa ako sa board exam!!! Isa na akong license nurse !!!!!! Woaaaah ,napasigaw ako sa tuwa. Knock ! Knock !
“Lani napano ka dyan ?” Tanong ni madam.
“Naka pasa po ako !!!!” Balita ko sa kanya na naiiyak na,
“Wow ,congratulations iha,alam ko na makapasa ka dahil magaling at masipag ka mag aral” sabi nya at dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko sya, naiyak ako kasi sa wakas natupad ko din pangarap ko.bukaw susulat ako kila mama,wla pa kasing signal doon o kuryente kaya walang telepono.
“Salamat po ng marami kung hindi po dahil sa inyo lahat di ako makatapos ng pag aaral.” Madamdamin kong sabi,
“Naku masaya kami na nakatulong kahit papaano sa iyo, itawag ko ito sa kapatid ko sa Canada” sabi nya. Yong kapatid nya na nasa Canada yon talaga ang nagpapaaral sakin.mabait silang lahat sakin .
“Malaki po ang utang na loob ko sa inyong lahat” sabi ko pa,tumulo na luha ko sa saya.
“Basta lagi mong tandaan na palaging bukas ang bahay na ito para sayo” sabi nya na nihaplos ang buhok ko,
“Salamat po,hwag po kayong mag alala.dalaw dalawin ko po kayo pag nag tatrabaho na ako,” sabi ko sa kanya pero sumama ang mukha nya,
“At bakit ? Iiwan mo na ako? Kahit mag trabaho ka na gusto ko dito ka parin uuwi,” sabi nya kaya namilog ang mata ko sa gulat,
“Po? Eh nakakahiya naman po,” ngiwi kong sabi
“Basta final na yon, hindi ka aalis! Dito ka lang sa bahay.Pwede ka mag apply ng trabaho dyan sa saint lukes o san jose doctors, maraming malapit na hospital dito.” Mahabang sabi nya kaya hindi nalang ako kumibo.ayaw ko sya bigyan ng sama ng loob baka mapano pa sya.
“Maraming salamat po sa lahat lahat,” sabi ko, niyakap ko sya ng mahigpit, napaka buti nila sakin at napaka buti ng Dios dahil hindi nya ako binigo.
“Walang anuman, sige na at matulog na ako dahil malalim na ang gabi” sabi nya kaya inalalayan ko syang tumayo papunta sa kama. Inayos ko ang higa nya at pinatay ang ilaw at sinindihan ko ang lampshade sa tabi ng pinto ng banyo,pinasadya yon para hindi madilim pag punta ng banyo.
“Goodnight po, sweet dreams” sabi ko at hinalikan ko sya sa noo. Ngayon close na kami, noong kararating ko lang dito ang sungit nya sakin,pero nahuli ko rin ang kiliti nya. Mabait naman pala sya.
“Goodnight at hwag ka na mag puyat.akala mo di ko alam na palagi kang nakatulala dyan sa laptop mo”nagulat ako sa sinabi nya, napa nguso ako.
“Ay grabi si madam, naku nahawa na po yata kayo kay marites” biro kung sabi,
“Sino naman si marites?” Tanong nya kaya natawa ako,
“Hehhehe wala po.sige po Goodnight” pumunta na ako sa room ko hindi ko sinarado yong pinto para marinig ko o makita si tita madam. 10pm na pero hindi parin ako dalawin ng antok, namimis ko na si Aiden. Nag log in ako ulit sa social media pero walang reply.Haist kainis naman oh, maya maya pa tumunog cellphone ko, si John lang pala.
John : hi Melanie are you still awake?” Bakit kaya nag text to, mag reply na sana ako pero may text sya ulit.
John : nakita mo na ba results ng board exam?ang galing mo talaga nasa top 5 ka, samantalang ako hahaha nasa dulo,”
Ako : hello John, opo nakita ko na resulta, thank you pero magaling ka din naman di mo lang siniseryuso kasi” reply ko sa kanya, at hanggang sa napag usapan namin kung saan mag apply. Nakatulog ako na hwak cellphone ko kung di pa ito nag alarm ng 6am malamang tulog pa rin ako, paano napuyat ako sa ka te text kay john kagabi, bumangon na ako at nag ayos ng sarili para makapag handa na ng breakfast ni tita madam.
“ good morning po nanay, mga ate ko” masigla kong bati sa kanila siempre masaya ako dahil nakapasa ako sa board.
“Good morning din sayo.” Sabay nilang bati.
“Mukhang maganda ang gising natin ah” puna ni ate Grace ,
“Siempre grace ikaw ba naman in love hindi gaganda araw mo?” Sagot naman ni ate Lucing. Pero nakangiti lang ako,
“ mga ate , nanay mila ? Isa na po akong ganap na NURSE !!!!” Sabi ko pero natulala sila ,
“Totoo?” Sabay pa nilang sabi kaya natawa ako.
“Opo mga ate ko, kaya ako masaya” nakangiting sabi ko sa kanila at tumayo sila at niyakap ako,
“ naku ineng proud na proud kami sayo!” Naiiyak na sabi ni ate lucing, heheheh mga nanayan ko dito.kahit di kami magka dugo pero mahal ko na sila at ganon din naman sila sakin dahil ramdam ko yon.
“Salamat po mga ate ko.at nanay” sabi ko
“Group hug tayo” sigaw ni ate grace . Kaya nag group hug kami,
“Anong kaguluhan ito? Dinig na dinig ko kayo hanggang garahe,” malakas na boses ni Sir Allan.palipat lipat ang tingin samin.
“ ah sir kasi itong si Melanie naka pasa sa board exam kaya masaya kaming lahat para sa kanya.” Sagot ni Ate Rita.
“Oo iho, kaya kami maingay pasensya ka na” paumanhin ni nanay mila.
“Ohhh wow talaga? Kung ganon mag se celebrate tayo, Mila mag order ka ng Pizza para sa lahat” tuwang tuwa sabi ni Sir Allan.
“Salamat po sir” naluluhang sabi ko ,
“Yes , may pa pizza si sir” masayang sabi ni ate grace kaya natawa kaming lahat,