Assuming

1581 Words
Enzo's P.O.V. "Another hell week na naman" sigaw ko pagka-gising ko, agad akong bumangon at pumunta sa cr para umihi nang marinig ko ang pagtatalo na naman ni Mama at ng asawa niya "as always, wala na talagang pagbabago sa bahay na 'to" bulong ko habang umiihi. Pababa na sana ako para kumain ng agahan after ko maligo, dahil late na ako nang makita kong sasapakin ni Nikolas si Mama, agad akong tumakbo pababa para pigilan si Nikolas "tangina ka! 'wag mong ilalapat 'yang kamao mo sa Mama ko—dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka" sigaw ko sa asawa ni Mama habang hawak ko ang kamay niya para pigilan siya sa pagsapak kay Mama "huwag kang maki-alam dito, bastardo ka lang" pagtataas ng boses sabay sapak sa'kin "tangina nga naman" bulong ko sa isip ko sabay alis ng bahay. Paglabas ko ng bahay agad na bumungad sa'kin si Lian "gawa na naman ba 'yan ng stepfather mo?" alam niya ang tungkol sa pamilya ko, siya lang naman ang napag-sasabihan ko tungkol dito "tara na ba?" hindi ko pinansin ang sinabi niya. Wala naman sa'kin kung saktan ako ni Nikolas, ang akin lang 'wag niyang sasaktan si Mama, dahil ako talaga makakaharap niya. Nung una akala ko si Daddy ang legal na asawa ni Mama, pero hindi pala—bunga ako ng pagloloko ni Mama kay Nikolas, now I understand bakit gano'n ang trato niya sa'kin. Kahit sino siguro hindi matutuwa kapag nakikita ang bastardong anak. Pagpasok ko ng pinto ng room namin agad na bumungad sa'kin ang ibang students na nag-didiscuss about sa magaganap na welcome party para saming new students "Excited na ako, sana may pogi" bulong ni Elle kay Phia "lalaki na naman ang hanap mo" halatang naiinis na sa kaniya si Phia. For sure may bayad 'yang party na 'yan, katamad naman pumunta sa mga ganiyang event. But this time I think pupunta ako, gusto kong makita si Gab kung anong suot niya or maybe mas lalong gaganda siya if may makeup siya, but with or without makeup—she is beautiful "gago, bakit ko sinasabi 'to?" bulong ko sa isip ko. Gab's P.O.V. Ang weird nitong si Enzo simula nung first day niya pa ako madalas titigan "crush siguro ako nito" bulong ko habang pinapanood siya magsagot sa board, tinawag kasi siya ni sir Anthony nahuling natutulog e. Muka naman siyang matalino pero bakit siya natutulog sa subject na 'to, balik sa topic—madalas ko talaga siyang nahuhuli na nakatingin lang sa'kin. Pero nung araw na niligtas niya ako sa ex-boyfriend ko, ang bait niya sa part na 'yon—at lakas ng loob na maki-alam sa away ng iba, pero thankful ako sa kaniya, dahil ngayon hindi na ako ginugulo ni Migs—siya ang ex-boyfriend ko, naghiwalay kami dahil nahuli ko siyang may kasamang babae, nakipag-break agad ako dahil I hate cheater, kahit sino naman siguro ayaw sa manloloko. Pero nagtataka ako kay Enzo—madalas siyang pumapasok na may pasa sa muka na parang galing sa away "crush mo ba ako?" nagulat ako ng biglang magsalita si Enzo sa harap ko, sa unahan kasi ako naka-upo "huh? in your dreams" sagot ko sabay iwas ng tingin "okay, see you in my dreams" sagot niya na halatang nang-aasar, hindi ko na siya pinatulan dahil alam kong hahaba lang ang usapan namin. Enzo's P.O.V. Nagising ako dahil tumatawag si Lian sa phone, medyo inaantok pa ako—hindi ko na sana sasagutin nang makita kong naka-ilang missed calls na siya sa akin, kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot ang tawag niya. [finally! nagising ka rin, ano—sasama ka ba sa party mamaya?] [I don't know, wala pa akong susuotin e] [Ewan ko sayo, ang dami mo pang inarte diyan] [bahala na, mamaya pa naman 'yon] Agad kong binaba ang cellphone after ng pag-uusap namin ni Lian, kulit talaga no'n—gagawin niya lang naman ako bodyguard doon sa party. Ahh! it sucks to be her boy best friend, joke—I'm just kidding. Nang makalipas ang ilang oras agad na akong naligo ulit para magpalit dahil dadaanan ko pa si Lian sa bahay nila. Yeah, pupunta ako sa party, handa na ako mangalay kakasunod kay Lian. Kaya asarin kaming mag-jowa e. Pagkasundo ko kay Lian agad na kaming dumiretso sa venue ng party naming mga Nepaians, habang inaayos ko ang pag-park ko sa sa kotse nakita ko sa side mirror si Gab na naglalakad kasama si Margo "ang ganda" bulong ko "sino naman?" hindi ko alam na narinig pala ni Lian ang binulong ko "wala, chismosa ka talaga, bumaba ka na nga" irita kong sagot at agad naman siyang bumaba sa kotse at umalis na ng tuluyan. Ilang minuto na akong naglalakad dahil hindi ko na makita si Lian sa dami ng students dito. May mga Booth's dito 'yung iba pagkain ang binebenta—ang iba naman mga souvenir. Habang iniikot ko ang mga booth's nakita ko si Gab, mag-isa lang siya at umiikot din sa mga booth's "kailangan mo ng kasama?" pagtatanong ko na baka kailangan niya ng makakasama mukang malungkot siya "kung iinisin mo lang ako 'wag na" mukang malungkot nga siya "nasaan ba si Margo, bakit mag-isa ka lang?" seryosong tanong ko sa kaniya "as always, may kasama nang iba" malungkot na sagot niya sa tanong ko "edi, sasamahan na nga kita" hindi na siya sumagot pa at lumakad na ulit, nakasunod naman ako sa kaniya—tahimik kaming nag-iikot sa mga booth's. Matapos ang ilang minutong pag-iikot huminto siya sa wedding booth's "gusto mo?" bulong ko sa kaniya habang pinapanood namin ang mga students na kinakasal "baliw, ang cute nilang tingnan 'no?" sagot naman niya sa'kin "yeah, but I don't believe in marriage" seryosong sagot ko "huh, hindi naman totoo 'yan e, gawa-gawa lang ng mga students 'yan" sagot naman niya sa'kin "I know, but in reality I really don't believe in that, because for me—marriage is just a piece of paper" hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kaniya 'to, masyado akong naging seryoso bigla "dami mong sinasabi, samahan mo na lang ako kumain do'n" pagputol niya sa sinasabi ko. Nandito kami ngayon sa booth ng mga pagkain, hindi niya alam kung ano kakainin niya kaya nandito kami at nakatayo pa rin sa gilid "siomai rice, ayaw mo?" suggest ko dahil kanina pa kami nakatayo rito sa gilid "sige pwede na 'yan, nagugutom na ako e" sagot naman niya sa'kin at sabay kaming lumapit sa student na bantay sa booth na 'yon "dalawang siomai rice" sagot ko sa babaeng tinanong ang order namin, nakita kong akmang kukuha ng pera si Gab at agad kong pinigilan "huwag na, ako na magbabayad dahil pumayag ka na samahan kita ngayon" tama ba ang sinabi ko—halata ata na parang may gusto ako sa kaniya "sigurado ka?" sagot naman niya sa'kin Habang inaatay namin ang order namin, nakatayo ulit kami rito sa gilid dahil mga booth lang 'to kaya wala silang lamesa o upuan man lang, magkaharap kami ngayon pero nakatingin siya sa paligid namin, madami kasing students at may banda rin na tumutugtog ngayon, habang nakatingin siya sa magulong paligid namin ako naman ay nakatingin lang sa kaniya nang biglang tumugtog ang kantang "Tingin by Cup of Joe" sakto pa talaga, lakas din ng trip ng mga banda e. Luto na ang orde namim kaya humanap kami ng pwesto para makakain kami "gusto mo sa kotse na lang tayo? wala kasi tayong mauupuan dito e" bulong ko dahil kanina pa kami umiikot para makahanap ng uupuan. Papunta na sana kami sa kotse nang biglang tinawag sa mic ang pangalan ko "huh" gulat na bulong ko "bakit ka tinatawag do'n?" kahit siya nagulat din "I don't know, but—can we go first, it might be important?" sagot ko naman sa kaniya at kinuha ang dala niya para hindi na siya mahirapan. Habang lumalakad kami, iniisip ko kung bakit ako tinatawag sa mic "again, Lorenzo Venitez—come here sa stage" ulit ng isang student or teacher, agad naman naming binilisan ang paglalakad "Gab, can you hold this, while nasa stage ako?" sabay abot ko sa kaniya ng pagkain namin "okay" tipid na sagot niya sa'kin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa stage, bago ako umakyat sa stage tinanong ko ang isang student—kung bakit ako tinawag sa stage "kakanta raw po kayo, nagbayad po 'yung babae kanina sa booth namin" sagot naman niya sa tanong ko "no way, alam kong si Elle ang may gawa nito" humanda talaga siya sa'kin mamaya, marunong naman akong kumanta pero hindi ako handang kumanta rito sa harap ng maraming tao "anong kakantahin mo?" tanong sa'kin nung gitarista ng banda "Aphrodite by The Ridleys, pero kung hindi niyo alam, ako na ang mag-gigitara" agad naman inabot sa akin ang gitara, kinakabahan ako sa mga oras na 'to, pero gusto kong kantahin 'to para marinig ni Gab. Sinimulan kong kalabitin ang gitara para sabay ng tugtog ang pagkanta ko, habang kumakanta ako sumisigaw ang karamihan sa nanonood sa'kin habang kumakanta. "Oh no I never thought I'd get this close to someone so divine~ Oh I can't breathe~no I can't breathe at all~ Aphrodite could you~ could you please be~ mine oh~ Could you please be mine~ oh mine~" Matapos ang pagkanta ko agad akong umalis para puntahan si Gab "magaling ka naman pala" bungad ni Gab habang kinukuha ko ang mga hawak niyang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD