bc

Be With You

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
independent
doctor
billionairess
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Enzo and Gab, a two high school students who will develop their feelings for each other because of Gab's ex-boyfriend and family, and soon will challenge their life, chasing their dream will be someone's sacrifice

chap-preview
Free preview
First Day of School
CHAPTER 1 Enzo's P.O.V. "Finally" salitang lumabas sa bibig ko, first day of school namin ngayon as senior high school students at medyo kabado ako—hindi ko alam pero grabe 'yung kaba na nararamdaman ko ngayon, siguro dahil new adjustment na naman sa mga magiging kaklase namin ngayong school year.First day ng klase namin ngayon at ang iba ay hindi ko pa kilala—pero kaklase ko rin ngayon ang mga kaklase ko noong junior high pa lang–ang mga kaibigan ko sila Elle, since elementary kaibigan ko na sila. Lima silang kaibigan ko ang kaklase ko ngayon dito sa NEPA (Noble Elite Prestige Academy) sikat ang paaralan na 'to rito sa Quezon. Nung una sabi namin nila Elle—hindi na kami bubuo ng ibang circle of friends, pero first day pa lang may iba na siyang kausap–nagtatampo na tuloy si Phia sa kaniya. Pero ma-iba, meron kasi kaming classmate na pumukaw ng attention ko "grabe, ang ganda niya" sabi ko sa isip ko.The whole time ng first day of school namin sa kaniya lang ata naka-focus attention ko, after mag-discuss ni ma'am Rica 'yung biology teacher namin at last teacher namin sa araw na 'to "hey, Enzo—can you do me a favor? tanong sa akin ni ma'am Rica habang akmang lalabas na sa classroom namin "yes po, ma'am?" sagot ko naman sa kaniya at iniisip kung anong favor 'yon "gumawa ka ng group-chat niyo para sa semester na 'to, kunin mo ang mga f*******: account nila isa-isa" sagot naman ni ma'am sa akin at agad kong kinuha ang mga account nila.Halos 'yung iba sa kanila walang profile, sabi ni ma'am thirty kami rito sa classroom pero twenty-eight pa lang ang nandito sa group-chat na ginagawa ko—biglang lumapit sa'kin ang dalawang babae at sa likod nito nakahawak sa kaniya 'yung babaeng sinasabi ko kanina "Enzo, right?" tanong sa akin nung babaeng nasa unahan "yeah, kayo ata 'yung hindi ko pa naisasali sa group-chat" sagot ko naman sa kaniya "oo, ang pangalan ko sa sss ay Margoux Ortega at ang kaibigan ko naman Gabriella Selverio" sagot sa'kin nung babae "okay, nasa group-chat na kayo" tipid kong sagot.After ko gumawa ng group-chat pinalabas na rin kami nung janitor dito sa school. Hindi agad kami umuwi dumiretso kami sa Jollibee nila Elle—hanga rin ako rito kay Elle e, ngayon may kasama na agad kaming lalaki na ang pangalan daw ay "Jake Garcia" eto 'yung kausap niya kanina sa classroom, eto namang si Phia nakasimangot halatang ayaw niya rito sa Jake na 'to.Habang inaantay ang order namin nakatingin ako sa pinto habang isa-isa nagsisipasukan ang mga customers dito sa Jollibee—after a few minutes niluwa ng pintong 'yon si Gab–ang babaeng pumukaw ng attention ko kanina sa classroom, bigla akong napangiti at napansin 'yon ni Ken ang isa naming kaibigan "Grabe ngiti ni Enzo—abot na hanggang tenga niya ohh" pang-aasar sa'kin ni Ken at agad namang tiningnan ni Phia kung sino ang sinisilip ko sa pinto "gusto mo si Gab?" bulong ni Phia sakto para marinig nila Elle "baliw, hindi ahh" hindi ko naman talaga siya gusto—maganda lang siya pero hindi ko siya gustoOkay na raw 'yung order namin after a few minutes at kaniya-kaniyang kuha kami sa mga order namin. Nung ako na ang kukuha ng order ko agad ako tumayo para pumunta sa counter para kuhain ang order ko—but I didn't expect na kukuha rin pala ng order si Gab—so accidentally I bumped her "ouch" nahulog siya "sorry" sabay abot ng makatayo na siya "ayos lang—hindi rin kasi kita napansin" sagot naman niya at agad na umalis para kuhain ang order niya.Enzo's P.O.V.Halos two weeks na ang nakalipas simula nung unang araw ng pasok namin at ngayon medyo close ko na ang iba naming kaklase, sabi nung isang teacher namin ngayon daw namin makikilala ang adviser namin "Good afternoon, ako nga pala ang magiging adviser niyo—siguro naman kilala niyo na ang bawat isa" bungad sa amin ni ma'am Ella "yes po'ma'am" sagot naman ng mga kaklase ko "okay, simulan na natin ang botohan—para sa class officers" medyo kinakabahan ako rito, dahil ako lagi ang ginagawang president "may suggestion ba kayo para sa president—para mabilis tayo" at this point kabado na talaga ako "si Chris po, ma'am" sagot ng isa sa mga kaklase namin. Matapos ang botohan—I feel bad, dahil hindi ako ang naging president, natapakan ang ego ko.Matapos ang klase namin lumabas agad ako ng classroom namin at dumiretso sa malapit na café rito sa school namin, habang inaantay ang order ko, naiisip ko pa rin 'yung botohan kanina—habang nakadungaw ako sa labas, bigla kong nakita si Gab papunta rito sa café kung nasan ako."Enzo?" nakakagulat pero binati niya ako"hey, Gab—right?" bati ko naman sa kaniya na kunwari nagulat sa pagdating niya"yeah, madalas ka ba rito?" tanong niga sa'kin"no, ngayon lang" tipid na sagot ko"I see, iniisip mo pa rin 'yung botohan kanina?" nagulat ako nung marinig kong sinabi niya 'yon"hindi, gusto ko lang i-try 'yung coffee nila rito" pagsisinungaling ko"nako, kunwari ka pa e—kita ko kaya 'yung muka mo kanina. Your face looks like you're really disappointed" siya ba talaga ’to parang hindi e, she's not the Gab I see in class "mag-order ka na lang, dami mo pang sinasabi e" inis na sagot ko sa kaniya "sungit mo naman" ewan, pero naiinis kasi ako e Hindi ko napansin ang pag-alis ni Gab, nainis siguro siya dahil sinungitan ko siya kanina. I feel so stupid na sinungitan ko ang babaeng katulad niya, after a few minutes umalis na rin ako sa café para umuwi na. Nang makauwi ako agad na bumungad sa'kin ang pagtatalo ni Mama at ng stepfather ko, sanay na ako sa ganitong senaryo sa bahay. "Ano bang problema mo sa anak kong si Enzo?" sigaw ni mama sa asawa niya, paakyat ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni mama "Bakit kasi kailangan na rito pa tumira ang bastardo mong anak?" pagtataas ng boses ni Nikolas kay mama Ang sakit lang dahil ako lagi 'yung nakikita ng asawa ni Mama—ang mas masakit ay 'yung hindi ako kayang ipagtanggol ni mama sa asawa niya kapag ako 'yung pinag-iinitan. Naiintindihan ko naman siya natatakot lang siya na baka iwanan siya ni Nikolas "pagod na school, pagod pa rito sa bahay" bulong ko bago tuluyang umakyat sa kwarto. Since maghiwalay si Mama at Daddy ganito na ang naging buhay ko, ang pag-initan ng bagong asawa ni Mama. Hindi lang masasakit na salita ang nakukuha ko sa bagong asawa ni Mama, minsan sinasaktan niya rin ako kapag lasing siya at nakikita ako. Huling pasok na para sa linggo na 'to, bigla kong naalala si Gab, I mean, 'yung nangyari kahapon samin. Bigla kong naalala dadaanan ko nga pala 'yung best friend kong si Lian, sa NEPA rin siya nag-aaral pero iba ang strand niya Humanities and Social Science ang alam ko more on sa mga politics or something na connected sa politics like mga nangyayari rito sa mundo, ang alam mga karaniwang kinukuhang course after nila ro'n ay pag-aabogado dahil sa mga specialized subjects nila. Noong junior kami nagkaroon ako ng gusto kay Lian sa best friend ko, umamin ako pero walang nangyari, hindi niya ako gusto—kaya nag-moveon na lang ako. Pero close pa rin kami at mas naging close kami after nung confession ko sa kaniya, mas naging clingy nga siya sa'kin e. "hey, kanina ka pa? sorry natagalan—inutusan pa kasi ako ni Mommy e" bungas sa akin ni Lian, hindi ko namalayan na dumating na pala siya rito sa tabi kung saan ko siya iniintay "ayos lang, maaga pa naman" maaga pa kahit late na talaga ako, hays. Hirap kasi kapag si Lian na ang nagtampo e, pati parents namin affected kapag nag-aaway kami, kaya hanggat maaari, iniiwasan ko ang makipagtalo kay Lian. Nasa byahe na kami ngayon papunta sa school "sushi, pinapabigay ni Mommy—suhol ko na rin kasi nag-intay ka ng matagal sa akin" abot ni Lian habang nasa jeep kami "wow ha, salamat kay Tita, hindi sayo" bungad ko naman na pang-aasar sa kaniya. Nandito na kami ngayon sa school at humiwalay na rin siya sa'kin nang makita niya ang mga kaklase niya. Papunta na sana ako sa room namin nang makita ko si Gab at isang lalaki na hindi ko kilala, hawak niya ang kamay ni Gab "is he Gab's boyfriend?" bulong ko, bakit ko ba iniisip ko kung boyfriend siya ni Gab or hindi. Pumasok ako sa room na sumandal sa upuan, wala raw kasi 'yung first subjects teacher namin kaya natulog na muna ako. Enzo's P.O.V. Grabe, parang hindi ko naramdaman 'yung sabado at linggo, nandito na naman ako sa school at nakikinig sa pre-cal namin. Kung alam niyo 'yung feeling na walang wifi gano'n ang feeling ko sa tuwing ito ang subject namin—ang boring tapos 2 hours ako magtitiis dito. Habang nakikinig sa discuss ni sir Anthony, napansin ko 'tong si Elle sinusulatan niya 'yung kamay ni Phia "lakas talaga ng saltik nitong dalawa" bulong ko na ako lang makakarinig. Natapos ang discussion ni sir Anthony ng maaga kaya pinag-recess niya muna kami. Papunta akong cr nang makita ko na naman si Gab at 'yung lalaking nakahawak sa kamay niya last week, but this time parang umiiyak 'yung lalaki "is he begging to Gab?" bulong ko ulit sa isip ko, bago 'to para sa akin na ang lalaki ang naghahabol sa babae. Maganda at Matalino si Gab kaya worth it mag-beg. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako para mag-cr. Last subject na namin para sa araw na 'to, kaso mukang wala si ma'am Rica, thirty minutes na siyang late. Tumingin ako sa paligid halos lahat may kaniya-kaniyang circle of friends, pero itong si Gab sa phone niya lang naka-focus, sinubukan ko siyang lapitan at tingnan kung anong ginagawa niya "nagbabasa ka?" bulong ko "hindi ba obvious!" ang sungit naman nito, oo nga pala sinungitan ko rin siya last week. Lumayo na agad ako baka bugahan pa ako ng apoy e. Ilang minuto natahimik ang classroom namin nang biglang magsalita si Chris ang president "guys, nag-chat si ma'am Rica. May emergency raw sa bahay nila, pero may ipapagawa raw siya" sayang, akala ko uwian na "ngayon na rin ba ipapasa?" tanong ng isa naming kaklase na nasa unahan "hindi ko alam, siguro—gawin niyo na lang agad may oras naman e" sagot niya at agad na bumalik sa pagkaka-upo niya Ang boring nitong araw na 'to halos puro gawain—walang nagturo masyado. Habang ginagawa namin 'yung gawain na sinend ni ma'am Rica sa group-chat nakita ko si Chris na sumisilip sa ginagawa ni Margo, president tapos na-kopya lang, hindi naman sa pagiging bitter, but he's the president he should be good influence in this classroom. After namin gawin 'yung pinagawa ni ma'am inutusan ako ni Chris na ako ang maghatid nung mga papel namin sa faculty "kapal ng muka na utusan ako" papunta na sana ako sa faculty ng makita ko na naman 'yung lalaking pinipilit si Gab na sumama sa kaniya, syempre bilang lalaki rin nilapitan ko sila at inalis ko ang kamay nung lalaki sa pagkakahawak niya kay Gab "hindi mo ba nakikita, nasasaktan si Gab" pagtataas ko ng boses sa lalaki "sino ka ba? para maki-alam sa problema namin ni Gab" sagot nung lalaki sa'kin "Enzo, kaya ko na 'to, pwede ka nang umalis" bulong ni Gab na parang paiyak na "No, I won't leave" pagmamatigas ko "ouch" bigla akong natumba ng sapakin ako nung lalaki, agad ako tumayo at binigyan din siya ng isang malakas na sapak, dumugo ang bibig nito—agad ko namang hinatak si Gab palayo sa lalaki. Ngayon hawak ko ang kamay ni Gab habang naglalakad kami papunta sa café "boyfriend mo ba 'yon?" tanong ko kay Gab na kanina pa tahimik "he's my ex-boyfriend, gusto niyang makipag-balikan sa'kin" bulong ni Gab habang papasok kami sa café, nag-order ako ng milk tea para samin ni Gab, lumapit ako kay Gab para umupo "may pasa ka" bulong ni Gab habang nakatingin sa'kin at tinuro kung nasan ang pasa ko "sandali, magtatanong ako if may gamot sila" akmang tatayo sana soya nang pigilan ko siya "hindi na, pasa lang 'to" sagot ko sa kaniya "hindi ka na kasi dapat naki-alam kanina e" oo nga dapat hindi na ako naki-alam, pero hindi ko naman kayang panoorin ang isang babae na nasasaktan. Matapos ang araw na 'yon akala ko magiging close na kami ni Gab, pero hindi pala—iniwasan niya ako at palaging sinusungitan, hindi nga siya nag-thankyou sa'kinnung araw na tinulungan ko siya sa ex-boyfriend niya. Hindi ko na rin siya kinausap o kinulit, pero minsan nahuhuli ko siya tumitingin sa'kin. Uwian na namin ngayon, medyo maaga kami umuwi ngayon "Hoy, Lorenzo" sigaw ng isang babae sa likod ko, sabi ko na nga ba si Lian "ohh, uwian niyo na rin ba?" pagsusungit ko "sungit naman nito" nahalata niya "ano nga, sasabay ka ba o hindi?" pagtatanong ko sa kaniya "oo, sabay na tayo" agad naman kaming lumakad sa parking kung saan nakaparada ang dala kong kotse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
800.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
374.8K
bc

Not just, the Beta

read
357.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook