Enzo's P.O.V.
Habang kumakain kami sa kotse biglang kinatok ni Lian ang bintana ng kotse ko "hey, open this" halatang nagmamadali siya "what the f**k, is that your girlfriend?" bulong naman nitong si Gab "of course not, best friend ko 'yan" sagot ko at sabay na binuksan ang bintana "OMG" gulat na sigaw ni Lian na akala mo naman may ginagawa kami rito sa loob ng kotse "ano 'yon? sabihin mo na" iritang sagot ko "uhm, nandiyan na kasi si Daddy sa labas, meaning hindi na ako sasabay sayo—just to inform you" sagot naman niya sa'kin sabay alis "tingnan mo nga naman, bigla agad umalis" bulong ko sabay tingin kay Gab "btw, may sundo ka ba? it's already 2am" tanong ko sa kaniya "out of the country sila Mommy e" obvious naman sa sagot niya walang susundo sa kaniya "ihahatid na kita" sagot ko naman sa kaniya at agad na nagmaneho.
Habang nagmamaneho ako hindi ko napansin na nakatulog na pala siya agad, huminto ako saglit sa pagmamaneho at pinagmasdan ko siya habang natutulog "ang ganda mo" bulong ko at sinimulan ulit magmaneho. Medyo malayo ang bahay nila sa venue ng party namin "dapat kasi hindi mo na ako hinatid e" nagulat ako ng bigla siyang magsalit "narinig mo ba ang sinabi ko?" mas kinabahan ako na baka narinig niya ang sinabi ko kanina kesa sagutin ang sinabi niya "huh, anong sinabi mo?" naguguluhan na sagot niya sa'kin "sabi ko, kung hindi kita hinatid dito baka kung ano pa ang mangyari sayo" sagot ko naman sa kaniya.
Halos ilang minutong pagmamaneho pa at nakarating na rin kami sa bahay nila, malaki ang bahay nila—mukang mayaman din sila "itigil mo na lang diyan sa tabi, Enzo" bulong niya sa'kin, matapos ko siyang ihatid—umalis na rin agad ako dahil inaantok na rin ako.
Sa mga oras na 'to hindi ko alam kung bakit ko siya hinatid at bakit ko siya sinamahan mag-ikot sa mga booth's, hindi 'to normal para sa akin—dahil hindi naman ako ganito sa mga babae, except Lian—because she's my best friend. Ewan ko hindi naman kasi ako marunong manligaw, okay na ako sa buhay ko noon—na babae ang lumalapit sa'kin, hindi ako playboy, sadyang madaming nagkakagusto sa'kin, pero wala akong paki-alam sa kanila.
Nagising ako dahil sa ingay, nang tingnan ko kung sino ang dumating, it was Klayd—my stepbrother, mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon, sa Canada siya nag-aaral, umuwi siguro para magbakasyon. Hindi kami masyadong close ni Klayd, pero hindi naman siya galit sa'kin, hindi lang talaga kami gano'n ka-close dahil sa Canada siya lumaki "Gising ka na pala" bati sa'kin ni Mama habang nakatulala akong nakasilip sa pintuan ng kwarto ko "nagising lang po sa ingay" sagot ko naman at tuluyan nang lumabas ng kwarto "dumating nga pala si Klayd, kaya sa kabilang kwarto ka na muna matutulog" as always kailangan komportable ang panganay niyang anak.
Bago ako pumasok sa school, binuksan ko muna ang laptop ko para sana i-check kung merong chat sa group chat namin nila Elle, pero ang bumungad sa akin ay ang chat ni Gab "Good morning, Enzo. Pasensya na nga pala kanina, hindi ako nakapag-thankyou sayo. Tsaka strict kasi sila Mommy kaya 'di na rin kita pinapasok sa bahay, thankyou nga pala sa paghatid" ayan ang sinabi niya sa chat "strict? pero nagkaroon siya ng boyfriend, is that a joke?" bulong ko, but I don't care kung strict or what ang parents niya, wala naman akong balak manligaw dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.
Pagdating ko sa room tahimik silang lahat at agad naman hinanap ng mata ko si Phia, nakita ko kasi 'yung notes niya sa i********:, mukang may problema siya "hey, ayos ka lang ba?" tanong ko kay phia ng makita ko siyang nakatulala sa bintana ng classroom namin "yeah, don't worry about my notes, stress lang siguro" sagot niya sabay ngiti sa'kin, minsan kasi may mga kaibigan tayong kasama natin pero still hindi marunong magsabi ng pinagdaanan nila sa buhay.
Enzo's P.O.V.
Last subject na namin para sa araw na 'to, personal development ang subject namin ngayon, hindi naman boring ang subject na 'to kasi nakaka-enjoy na parang valid lahat dito ang nararamdaman mo, it discuss about your personal life or mga nangyayari sa buhay ng isang tao, basta malalim ang subject na 'to.
Habang nakikinig ako sa discussion ni ma'am Misha napansin ko si Chris na ngayon ay sa table na nila Gab naka-upo "close pala sila" bulong ko at parang naiinis dahil katabi niya 'yung president na 'yon, teka—bakit ko ba pinapansin 'to wala naman akong pake kung close sila o hindi "Pre, nasulat mo ba 'yung huling slide ng power point? pakopya nga" bulong nitong si Ken na katabi ko "hindi, makinig ka na lang kasi, para hindi mo na kailanganin na isulat pa" bulong ko at bumalik na sa pakikinig kay ma'am.
Patapos na ang discussion ni ma'am kaya ang iba naming kaklase ay nag-aayos na ng mga gamit ang mga babae naman todo paganda na "guys, kailangan niyo nga pala mag-provide ng isa pang notebook para sa journal niyo. Ilalagay niyo rito ang mga natutunan niyo sa buong isang linggo na topic natin, ayon lang, class dismissed" pahabol ni ma'am bago tuluyan kaming pauwiin.
Akala ko okay na kami ni Gab dahil nagka-usap na kami kagabi at halos kami na nga ang magkasama buong gabi inabot pa kami ng madaling-araw, tapos ngayon hindi na naman niya ako kinakausap "Enzo, may pdf ka ba nung sa PD natin?" tanong sa'kin ni Margo habang naglalakad kami palabas ng gate "meron, send ko na lang sa group-chat mamaya" sagot ko naman habang patuloy na naglalakad "ahh, tanong ko lang, bakit hindi kayo sabay ni Gab?" pahabol na tanong ko kay Margo "hindi naman kami sobrang close, I mean, dito ko lang din nakilala si Gab—may kasama pati siya ngayon kaya ako uuwi na kasi tatapusin ko pa 'yung letter for someone na kailangan na ipasa bukas" daming sinabi tinanong ko lang naman kung bakit hindi niya kasabay si Gab.
Naalala ko nung sinabi ni Margo, hindi ko pa nga pala nagagawa 'yung letter for someone, sino naman ang susulatan ko, nakakahiya babasahin pa naman sa unahan 'yon "sino kaya ang susulatan ni Gab, siguro 'yung ex-boyfriend niya" hays, bakit ba puro si Gab ang nasa isip ko, wala nga siyang pake sa'kin, hindi na niya ulit ako kinakausap.
Habang naglalakad ako papasok ng gate sa bahay, nakita ko si Lian sa labas ng bahay nila—umiiyak, kapit-bahay ko lang si Lian pero medyo malayo—tanaw ko lang ang bahay nila pero hindi as in kalapit ng bahay namin, agad ko naman siyang nilapitan "bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ko kay Lian na ikinagulat naman niya na bigla na lang akong nasa harap niya "si Kiro kasi" malungkot na sagot at patuloy pa rin na umiiyak "Kiro?" hindi ko kilala ang tinutukoy niyang lalaki "manliligaw ko" tingnan mo nga naman, best friend niya raw ako pero hindi naman sa'kin sinabi na may nanliligaw na sa kaniya "aba, gusto mo sapakin ko na 'yan. Hindi pa nga kayo pinapaiyak ka na" sagot ko naman at naupo na sa tabi niya "baliw, na-aksidente siya at ngayon nasa hospital siya, hindi ako makapunta kasi nasa ibang bansa siya" nagulat ako sa sagot ni Lian, malayo pala 'yung Kiro na 'yon "ldr pala kayo, tara Ice Cream na lang" pag-aaya ko para hindi na siya umiyak, simula nung naging kaibigan ko si Lian, ayokong nakikita siya na umiiyak, naging close kasi kami nung grade 10—nung makita ko siyang umiiyak sa garden ng school namin dahil namatay ang Lolo niya at ayokong makita ulit siyang umiiyak.
Pagpasok ko sa bahay agad na bumungad ang katulong namin sa bahay na si aling Cora sa'kin "umalis po sila ma'am Estella, sir Enzo" umalis sila Mama ibig-sabihin ako lang ako tao rito, umuuwi rin kasi si aling Cora at ang anak niyang si kuya Boyet kapag tapos na ang mga gawain nila rito sa bahay "gano'n po ba, nasaan po sila?" tanong ko naman kay aling Cora "nasa bakasyon po sila, kasama po si sir Klayd" kapag minamalas nga naman—buo na pamilya nila at ako na naman ang mag-isa.