NAGISING si Albert nang may marinig na parang may away. Malakas rin ang iyak ni Jileen. Napabangon siya kahit sobrang sakit ng ulo niya. Pero hindi rin siya kaagad nakalabas ng kuwarto nang ma-recognize ang malakas at galit na boses. It was Jackie's mother. "Pinaalis ka na ng asawa mo pagkatapos bumalik ka pa rin? Kailan ka ba matututo? Puro kademonyohan lang naman ang ginagawa niya sa 'yo! "Sa una pa lang, niloko ka na niya. Kung totoong mahal ka niya, nirespeto ka dapat niya. Sana ay hinintay ka man lang niyang makapasa sa board exam bago siya makipaglandian sa 'yo! Kung seryoso rin siya, dapat niligawan ka muna niya sa bahay. Hindi ka dapat niya pinakasalan nang basta-basta lang! Maraming karapat-dapat para sa 'yo, Jackie. At ayaw ko man magmura at ayaw ko man na sabihin sana sa 'yo

