MABIGAT ang dibdib ni Jackie nang sa wakas ay mapatulog na niya si Jileen. Alas diyes na ng gabi. Hindi na normal ang oras ng tulog nito. Pero nahihirapan naman siyang patulugin ito dahil iyak ito nang iyak. Hinahanap nito sa kanya si Albert. Ilang gabi na silang ganoon. Nahihirapan si Jileen na hindi nitong kasamang matulog ang ama. Kahit ilang linggo pa lang naman simula nang maging malapit ito kay Albert ay malakas na ang naging impact nito sa anak. Pero paano na ngayon? Nag-iba na naman si Albert. Hindi na ito maagang umuwi. Hindi na ito nakikipaglaro kay Jileen o kahit ang makipagkita o makausap man lang. At ganoon rin sa kanya. Kasalanan lahat iyon ni Jackie. Kung hindi lang sana siya nakipaglapit kay Ate Ara, hindi sila magkakaganito. Hindi mararamdaman ni Albert na pinapakialama

