"YOU'RE so excited," wika ni Albert sa anak. Hindi pa man nagsisimula na mag-perform si Jackie ay panay na ang palakpak nito. Magkasama silang dalawa ni Jileen habang nag-aayos si Jackie para sa spoken poetry performance nito mamaya. Naimbitahan ngayong araw si Jackie para mag-perform ng mga tula nito sa isang café sa Quezon City. For support, sumama siya. Dahil wala rin naman sila na mapapaghabilinan sa anak ay isinama na rin nila ito. Sinigurado na lang niya si Jackie na siya na ang bahala sa anak. Pagkatapos ng lahat, magkasundo na naman sila. Tumango si Jileen. "Galing, Mommy!" Ginulo niya ang buhok ng anak. Bata pa man pero mukhang may ideya na si Jileen. Sabagay, ilang beses na rin kasi niyang nakita ang anak na pinapanood si Jackie habang nagpa-practice. "Yes, magaling talaga si

