HINDI buo ang tiwala ni Albert kay Jackie. Pero hindi naman niya minasama iyon. Sa halip ay nag-isip siya ng positibo. May mga factor siguro na nakakaapekto kay Albert para hindi magtiwala nang buo sa kanya. At naiisip niyang dahil iyon sa pamilya nito. Alam ni Jackie na mali naman ang pilitin si Albert na magkuwento sa kanya. Pero naisip niyang kapag naging mas malapit siya rito ay kusang umamin na ito sa kanya. Magkakaroon na ito ng tiwala sa kanya. So Jackie is putting all her best efforts to be a good wife. Siya ang gumagawa ng lahat sa bahay at inaasikaso ang asawa. Sinisikap rin niya na maging masarap at espesyal ang mga niluluto niya para ma-impress at sumaya si Albert. So far, mukhang successful naman siya. Palaging maganda ang aura ni Albert. Tuwing break rin nito ay palagi siya

