ALAS KUWATRO pa lang ng hapon ay nagluluto na ng hapunan si Jackie. Nagtext kasi sa kanya si Albert na makakauwi raw ito bago mag-alas sais. Gusto niya sanang pagdating nito ay nakahanda na ang lahat. Sinusubukan niyang maging isang typical housewife. May mga grocery sa kusina kaya naman naging madali para kay Jackie ang magluto. Ang menu niya ngayon ay chicken adobo at potato salad. Tulog pa si Jileen kaya naman walang umiistorbo sa kanya sa pagluto. Lagpas alas singko na nang matapos si Jackie. Nang maghahanda na sana siya ng table ay nagulat siya nang may magsalita sa likod niya. "Hello, Mommy..." It was Jileen. Gising na pala ito at ikinagulat niya na nakababa ito ng kama na mag-isa. Kadalasan kasi ay tinatawag siya nito kapag nagigising ito. Pero mas ikinagulat niya nang may makit

