SABADO at walang pasok si Albert. Nagyaya itong lumabas para mag-grocery. Isinabay na rin nila ang paggala. Pagkatapos mag-grocery ay dinala nila si Jileen sa isang play station. Nakita kasi nila na natuwa ito nang dumaan sila roon kanina. Hindi pa rin niya nadadala sa ganoon ang anak kaya naman magandang experience iyon. Dahil wala masyadong bata na naglalaro ay pinayagan silang dalawa ni Albert na mag-accompany kay Jileen sa loob. Kitang-kita ang saya at enjoyment sa anak, lalo na nang magpunta sila sa area na maraming maliliit na bola. Gumulong-gulong pa ito roon. Para tuloy bumalik si Jackie sa pagkabata dahil sa anak. Masayang-masaya rin siya, lalo na at nakikitaan rin naman niya na maayos si Albert. Nakangiti ito. It might not be as big as Jileen's smile, still it meant a lot. Bihi

