NAKONSENSYA si Jackie nang mawala sa isip niya ang tungkol kay Simba. Simula nang bumalik siya sa bahay ni Albert ay hindi niya nakita ito. Hindi rin niya naalala ang magtanong kay Albert kung nasaan ang alaga nitong chow-chow. Iyon pala ay nasa veterinary clinic daw ang aso. Dalawang linggo itong naka-confine roon. Saka niya lang iyon nalaman nang magpaalam sa kanya si Albert na pupuntahan ang aso. Tumawag daw ang veterinarian nito at puwede ng i-discharge. "Sasama kami," wika ni Jackie. Nasabik siyang makita ulit si Simba. Ayaw sana siyang payagan ni Albert pero naging makulit siya. Kasama nila si Jileen pumunta sa clinic na may kalayuan rin sa bahay. Niyakap kaagad ni Jackie si Simba nang makita. Dinilaan naman siya nito. Mukhang nakikilala pa rin siya ng aso. Nang lumapit rin dito si

