33

469 Words

MABILIS na napalitan ng pag-aalala ang gulat ni Jackie nang ala una pa lang ay umuwi na si Albert galing sa trabaho. Namumula ang mukha nito. Naalala kaagad ni Jackie ang nangyari kaninang umaga. Parang walang ganang kumain si Albert. Naisip na niya na baka may sakit ito. Pero kahit na ba sinabi niya rito na 'wag nang pumasok kanina dahil sa naobserbahan ay sumige pa rin ito. Sa halip tuloy na tanungin at batiin, hinawakan niya ang leeg ni Albert. Mainit nga ito. "May lagnat ka," Hindi naman nag-deny si Albert. Tumango ito. "Nag-half day na ako sa trabaho. I'll just rest," "Pero kumain ka na ba ng lunch? Did you take some medicine?" Tumango ito. "Don't worry. I'll be fine. Masama lang siguro ang naging gising ko kaya sumama ang pakiramdam ko," Hindi na pinigilan ni Jackie ang asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD