NAGPASALAMAT si Albert nang maggising siya ay hindi na mabigat ang katawan niya. He hates being sick. Pero hindi naman nga siguro masama iyon, lalo na nang maggising siya ay nakita niya si Jackie sa tabi niya. Medyo madilim na. Ibig sabihin lang noon ay maggagabi na siguro at matagal rin siyang nakatulog kaya gumaan ang pakiramdam niya. May pag-aalalang tinignan siya ni Jackie nang makitang gising na siya. "How are you feeling now?" "I'm good," Tumingin siya sa tabo at bimpo na nasa beside table. "Thank you for taking care of me," "That's nothing," Mukhang nakahinga na ang babae nang maluwag. "Nag-aalala ako. Buti naman at okay ka na," Napangiti si Albert. "Okay na ako kasi magaling ang nag-aalaga sa akin," "Yeah. Inakala mo kasi na ako ang Mommy mo. Na-miss mo yata siya," Sandaling

