Three Years Ago... NAGKAROON lang ulit nang pagkakataon si Jackie na mapag-isa at makapunta ng Maynila nang araw ng board exam niya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makausap ulit si Albert. Simula kasi nang malaman ng magulang niya na nakikipagkita siya sa lalaki ay inuwi siya ng mga ito sa Pangasinan. Nag-self review na lang siya. Wala rin siyang cell phone para ma-contact man lang ang lalaki. Masuwerte si Jackie dahil nagustuhan niya ang performance niya sa exam. Marami siyang nasagot na tanong at sigurado siyang karamihan sa mga iyon ay tama. Pero ang pinaka-gusto niya ay ang hindi raw siya masusundo ng Tatay niya pagkatapos ng exam. Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho nito kaya napauwi agad ng Pangasinan. Hindi na siya nito nahintay. Kinuha ni Jackie ang pagkakataon par

