HATI ang nararamdaman ni Jackie habang karga-karga niya ang anak. Nang hindi siya ulit makauwi sa Pangasinan nang sumunod na linggo ay tinotoo na ng Nanay niya ang banta nito. Dinala nga nito si Jileen sa apartment niya sa Maynila. Hindi nakauwi si Jackie sa Pangasinan dahil may biglaang meeting sila sa school kahapon. Ginabi na iyon kaya naman nakiusap siya sa ina sa susunod na linggo na lang makakauwi. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam niya dahil naulanan siya. She knew she's going to be sick. At ganoon nga ang nangyari noong linggo ng umaga. Nilalagnat siya. Pero kahit may sakit, hindi noon natunaw ang puso ng kanyang ina. Pagkatapos nitong madala ang anak ay mabilis na umalis na rin ito. Masaya si Jackie na mayakap at makasama ulit ang kanyang anak. Pero hindi sa lagay niya ngayo

