MASAMA ang pakiramdam ni Jackie. Pagkabangon niya pa lang ng kama ay nagsuka na kaagad siya. Pero sa halip na magpahinga ulit pagkatapos ay pinilit niyang gisingin na ang sarili niya. Ipinaghanda niya ng almusal si Albert. Takang-taka tuloy ito nang makita na may nakahandang almusal sa lamesa. "You don't have to do this. Magpahinga ka na," Hinawakan pa siya nito na parang aalalayan siya papuntan sa kuwarto. Umiling si Jackie. "Hindi puwede. Sasabayan na rin kitang mag-almusal," "Bakit? May lakad ka rin ba?" Tumango si Jackie. "May interview ako ngayon," Kumunot ang noo ni Albert. "Interview? Bakit?" "Gusto kong magtrabaho," "You are in a sensitive condition. Isa pa, hindi mo naman kailangang magtrabaho. I'll support you and the baby," "Matatapos na ang first semester. Matatapos na

