NAIYAK si Jackie nang unang beses na mahawakan ang anak niya. She delivered her bouncing baby girl via caesarean section. Tulog siya habang ginagawa iyon kaya ngayon lang niya nakita at nahawakan ang anak nang dalhin iyon sa kanya ng nurse. "It's a girl. Kamukha mo po, Ma'am..." Naiiyak na tumango si Jackie. Nakuha ng anak niya ang halos lahat ng features niya, maliban na lang sa mata. It was shaped like Albert's. But it makes her baby more beautiful. Tumingin si Jackie kay Albert na nakatingin lang sa kanila. So far ay maayos naman ang lahat. Isang linggo bago siya manganak ay nag-leave na si Albert sa trabaho. Inalagaan siya nito. Alam rin niya ay nasa operating room rin ito habang inooperahan siya. "Anong ipapangalan natin sa kanya?" Nagkibit-balikat ang asawa. "You decide," "Hmmm

