4

1691 Words
"UWI na tayo," Parang maiihi sa hiya na wika ni Jackie sa highschool best friend niyang si Maricel. Ngayong gabi ay naisama na rin siya nito sa paborito nitong tambayan---sa bar. Ilang taon na rin siyang niyayaya ng kaibigan na samahan ito para naman magkaroon ng spice ang buhay niya. Nang makatapos sila ng kolehiyo ay saka lang pinagbigyan ni Jackie si Maricel. Pagkatapos ng lahat, nasa legal age na siya. Maganda rin na ma-experience ang mga ganitong bagay. Kasalukuyan rin siyang nasa Maynila. Nakatira siya sa condominium unit ng kaibigan. Hindi niya kasama ang mga magulang niya para pagbawalan siya. Isa pa, sigurado siyang hindi naman siya ilalaglag ni Maricel. Ito nga ang may gusto na mag-walwal siya 'di ba? Nag-aral si Maricel sa Maynila kaya naman panatag ang magulang niya na walang mangyayaring masama sa kanya kung titira siya sa babae. Isa pa, kilala ng magulang niya ang pamilya nito. Konsehal ng bayan ang ama ni Maricel at may magandang reputasyon. Kilalang konserbatibo rin ang mga ito at ganoon rin ang pagkakilala ng magulang niya sa kaibigan. Hindi nito alam at ng pamilya nito na iba ang pamumuhay ni Maricel sa Maynila. Napa-barkada si Maricel nang mag-aral ito ng kolehiyo sa Maynila. Hindi naman masasabing nasira ang buhay nito dahil nanatiling maganda ang grades nito sa eskuwelahan at nakatapos rin naman on time na kagaya niya. Pero buhay nito tuwing Biyernes ang bar. Nakikipag-inuman ito kahit hindi nito kakilala. Recently, nalaman rin niyang natuto na rin itong manigarilyo. Ayaw i-judge ni Jackie ang high school best friend. After all, mukhang masaya naman si Maricel sa buhay nito. Actually, mukhang masayang-masaya. Ang lapad ng ngiti nito nang makapasok sila ng bar. Tinawanan lang rin siya nito sa sinabi niya. Kakapasok pa lang nila. "Come on. Pagbigyan mo naman ang sarili mo na mag-party. Graduate na tayo. Kung makakahanap ka man ng jowa sa bar na ito, hindi na naman magagalit sina Tita 'di ba?" Namula si Jackie. "Hindi pa ako ready sa pakikipagrelasyon," Inikutan siya ng mata ng kaibigan. "At kailan ka pa magiging ready? Kapag Lola na ako?" Pinamaywangan siya nito. "Gusto ko munang makapasa sa board exam," Ang board exam ang dahilan kaya baka nakatira siya ngayon sa condo ni Maricel. Nag-rereview siya para makapasa sa board exam niya para maging teacher. "At siyempre, ang makatulong na rin kayna Nanay. Alam mo naman na tumatanda na rin sila..." "Napaka-promdi mo talaga. Ganyan ang pag-iisip ng mga promdi," Inikutan na naman siya ng mata ng kaibigan. "But anyway, ano pa ba ang magagawa ko? Ganyan ka talaga. Magpapakasaya na lang ako ngayon na sa wakas, sumama ka rin na gumimik," Hinila na ni Maricel si Jackie. Hindi na nga siya nakapalag pa. Nakayuko na lang siyang nagpahila sa kaibigan. Hindi man nililibot ni Jackie ang tingin ay ramdam na niyang ibang iba talaga ang paligid sa mundong kinalakihan niya. Lumaki siya sa lugar na karamihan ay mga puno at hayop lang ang makikita. Tama si Maricel. Promdi talaga siya. Idagdag pa roon na konserbatibo rin ang mga magulang niya. Taong simbahan ang mga ito. At dahil nag-iisang anak siya, expected rin na maging kagaya siya ng mga ito. Madalas ay mahahabang palda at bestida ang suot niya. Ibang-iba ang buhay niya sa probinsya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kung sariwang hangin ang mayroon sa bahay nila, ngayon ay puro amoy usok ng sigarilyo. Kung mahahaba na tela na kasuotan sa probinsya, ngayon naman ay parang nakulangan. Spaghetti straps, tube at mini skirt and shorts ang suot ng mga babae. Pero ang pinaka na-culture shock si Jackie ay ang ugali ng kaibigan. Nagulat siya nang bigla na lang itong kumaway sa lalaking nag-iisa lang sa table nito. He is drinking. "Hi, Handsome! Puwede ba kaming maki-share ng table?" Napasinghap si Jackie. Siniko niya ang kaibigan. "Why?" Natatawang sita naman nito. Pinandilatan ni Jackie si Maricel. "Nababaliw ka na ba? Ang dami-daming bakanteng table. Bakit makiki-share pa tayo?" Kinindatan ni Maricel si Jackie. "Relax ka nga. This is a good way to create new friends. And look at the guy! Ang cute niya 'di ba? Bagay kayo!" Pinandilatan ulit ni Jackie ang kaibigan. Aba at may balak pa pala siyang i-matchmake ng kaibigan niya! Maling desisyon talaga siya na nagpapilit siya na sumama rito. But on the other hand, hindi naman niya napigilan ang sarili niya na matitigan ang lalaki. Mali naman si Maricel. Hindi cute ang lalaki. Hindi bagay rito ang adjective. Malaking lalaki kasi ito. Kahit nakaupo ay makikita na matangkad ito. Parang naglalaro sa 5'9 hanggang 6 feet ang tangkad nito. Malalaki ang katawan nito pero hindi naman iyong tipo na mukhang suki sa gym. Mukha itong magaling na business man, base na rin sa suot nitong gray na long sleeves at brown pants. His dark skin tone also matched his macho image. But what makes it all perfect are also his perfect face features---almond shaped brown eyes, matangos na ilong at may kakapalan at mapulang lalabi. Guwapo ang lalaki. He was like the one who was described on books as sinfully handsome. Ganoon kasi ang nararamdaman niya. Wala sa isip niya ang pakikipaglapit sa isang lalaki. But she was tempted because the guy is good looking. Parang ayaw niyang sayangin ang chance, lalo na nang magtama ang kanilang mga mata. For a while parang tumigil ang mundo niya. Nawala siya sa sarili niya. All she wanted to do is to look at those eyes... "You're staring. It means it's a yes," kinikilig na bulong sa kanya ni Maricel. Pumayag rin naman ang lalaki na maki-join sila sa table kaya wala na rin naggawa si Jackie. Nagpakilala si Maricel sa lalaki. Nakipagkamay ito. Ganoon rin nang ipakilala siya ni Maricel rito. Hindi nga lang naiwasang mapansin ni Jackie na mas matagal ang pakikipagkamay nito sa kanya. Pinisil rin nito ang kamay niya. Sandaling nagwala yata ang puso niya. Pulang-pula siya pagkatapos. But Maricel and the guy seems so cool with it. Ngumiti lang ito. "I'm Albert. Nice meeting you here," "Yeah. Mukhang bago ka rito, ah." Nagkamot ng ulo si Albert. "Yeah, it's my first time. I just want to pass time and unwind." Nagliwanag ang mga mata ni Maricel. Tumingin ito sa kanya at bumulong. "O 'yan! Puwede ka diyan. Mukhang mabait," Gusto ulit sikuhin ni Jackie ang kaibigan. Pero may point rin naman ang kaibigan niya kaya hindi rin niya naggawa. Napailing-iling na lang siya. Maricel made the situation at ease. Ito ang nag-open ng topic. Sa ilang sandali lang tuloy ay nakilala niya si Albert. Twenty eight years old na ito at tama nga siya nang inisip sa lalaki. Business man nga ang ito. Pero isang taon pa lang daw na operational ang steel business nito. Ito na mismo ang nagsabi na hindi pa iyon ganoon ka-successful dahil nagsisimula pa lang. Kinatuwa naman niya ang pagiging honest nito. Mukhang hindi ito mayabang. At mukhang pareho rin sila ng nararamdaman ng kaibigan. "You seems like a good guy. Puwede ko bang iwanan sandali muna sa 'yo ang kaibigan ko? Parang may nakita kasi akong kakilala. Pupuntahan ko muna," "Ha? Sasamahan na kita," Akmang tatayo na rin si Jackie nang pigilan siya ni Maricel. "Dito ka na. Baka mamaya makawala pa 'yan. Bibigyan lang kita ng time to shine," Humagikgik pa ito. "Maricel..." "Relax ka lang. I promise, I'll be back. Pababayaan ba naman kita?" Hinayaan na ni Jackie ang kaibigan. Nagtitiwala naman siya rito. Kahit nag-iba ang ugali nito nang mag-aral sa Maynila, alam niyang pinapahalagahan pa rin siya nito. In fact, nang ikuwento niya rito na sa Maynila siya magre-review para sa board exam ay ito mismo ang nag-suggest na sa unit siya nito tumira. Tuwing may okasyon rin ay palagi siyang may regalo rito. Mahal siya ng kaibigan. Hindi siya nito pababayaan. Siguro ay gusto lang nito na i-loose naman niya ang sarili for a while. "Do you want a drink?" tanong ni Albert sa kanya nang makaalis ang kaibigan. "Ha? Ah, oo. Sige," "Anong gusto mo?" Sandaling namawis si Jackie. Ano nga ba? Wala siyang maisip. Wala naman siyang alam sa mga alcoholic drinks na ang alam niya ay siya lang available sa bar. Hindi rin niya natignan ang menu kanina. Parang nakakahiya rin kung hihingi pa siya ngayon. "I-ikaw na ang bahala," Tinawag ni Albert ang waiter. Narinig niyang um-order ito ng dalawang Margarita. She thought it will be okay. After all, paborito niya ang Margarita na klase ng pizza. Pero kabaligtaran pala kung sa alak iyon. "Ang pait!" Hindi napigilan ni Jackie na magkomento nang matikman ang alak. "I'm sorry. Ito na kasi ang alam kong pinaka-light na drinks sa bar. After all, it's a cocktail. Gusto mo bang um-order pa ulit ako?" Napaisip si Jackie. Bata pa lang siya ay tinuruan na siya ng magulang na huwag mag-aksaya ng pagkain. Appreciate the grace, ika nga. Kaya naman this time, in-apply pa rin niya iyon. Umiling siya. "O-okay lang. Masasanay rin siguro ako. Pasensya ka na. First time ko kasi," "Are you sure?" May pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Yeah..." wika ni Jackie at uminom pa ulit. Tiniis niya ang lasa. Hanggang sa mukhang nasanay na nga siya roon. Sa una lang pala mapait. She just found herself asking for another glass. Kaya lang, bago pa dumating ang pangalawang baso ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo. Hinanap niya si Maricel. She is nowhere to be found. Nag-alala tuloy siya. Paano kung mas sumama pa ang pakiramdam niya mamaya? Babalikan ba talaga siya ng kaibigan? But then, may kasama naman siya. Mukhang mabait naman si Albert. They were together for half an hour now. At nanatili pa rin na may distansya ito sa kanya. It just means that he respects her---hindi kagaya ng nakikita niya sa mga katabi nilang table. Parang mga linta kung makakapit ang mga lalaki sa babae. Marami rin sa mga ito ang naghahalikan. Kinalma ni Jackie ang sarili. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. Pero kung sakali man, ano ba ang masama kung gumaya siya kay Maricel paminsan-minsan. Sikat na naman ang YOLO. It maybe won't hurt that much if she follows the trend...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD