NAPABALIKWAS nang bangon si Jackie nang maramdaman niyang mamasa-masa ang pisngi niya. It felt like someone had licked them. Nang tignan niya ang paligid ay muntik na siyang mapatalon sa gulat na may aso sa harapan niya.
Paanong may aso si Maricel? Allergic ito sa balahibo.
Nagtataka si Jackie. Pero mas nagtaka pa siya nang mapansin na hindi pink ang kuwarto. Mukhang panglalaki rin iyon. Teka, iisa lang naman ang kuwarto sa bahay ni Maricel. Bakit---?
Napahawak si Jackie nang maramdamang sumakit ang kanyang ulo. Kinagat ba siya ng aso? Huwag naman sana. Pero nang ma-realize niya ang lugar kung nasaan siya ay dinaig niya pa ang kinagat ng ahas.
Kasunod ng aso ay nakita ni Jackie ang pamilyar na mukha---si Albert. Inuwi ba siya nito sa bahay nito?
"Stop drooling, Simba!" saway nito sa aso na masayang nakatitig lang sa kanya. Pero hindi nakinig ang aso. Sa halip, dinilaan na naman siya nito.
"S-stop, please..." mahinang wika niya.
Tumigil naman ang aso. Bumaba na ito ng kama. Nilapitan nito si Albert. The man patted the dog's head. "Good boy. Now go to the kitchen,"
Itinuro ni Albert ang pinto. Sumunod naman ang aso. Napalunok siya. Mukhang chow-chow ang aso. Mukha rin itong matalino. At somehow, nakonsensya tuloy siya.
Mabuti pa ang aso, marunong sumunod sa amo nito. Samantalang siya ay naririto ngayon sa bahay ng lalaking hindi naman niya gaanong kakilala. Anong sasabihin sa kanya ng magulang niya? Nakakahiya siya!
"Good morning," bati sa kanya ni Albert. Umupo ito sa kama. "Pasensya ka na kay Simba, ha. Masyado lang talagang malambing iyon kahit hindi niya pa kakilala,"
"O-okay lang naman. Ang cute niya," Nakagat ni Jackie ang labi. Tama bang purihin niya pa ang aso sa kahiya-hiya niyang sitwasyon ngayon?
"Yeah. Everybody says so," Mas lumapit si Albert. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?" Tumingin ito sa beside table. "Medyo malamig na yata 'yung kape na tinimpla ko sa 'yo. Ang tagal mo kasing naggising,"
Lalong nahiya si Jackie. "H-hindi ako umiinom ng kape,"
"Ako rin. But it happens that someone gifted me kaya may stock ako. I thought it will be good for your headache. After all, mukha kang may hangover,"
Na-conscious bigla si Jackie. Nilibot niya ang mata. Nakahanap siya ng comfort room sa kuwarto. Tumayo kaagad siya at tinuro iyon. "Can I use?"
Nang tumango si Albert ay halos takbuhin ni Jackie ang sarili. Naghanap kaagad siya ng salamin. Mas sumakit ang ulo niya nang makita ang itsura---sabog sabog ang buhok niya at may muta pa siya sa mata.
Ilang nakakahiyang moments pa ba ang mararanasan ni Jackie? Gusto na niyang lumubog sa lupa. Pero nang ma-realize na mas may nakakahiya pa kaysa sa mukha niya ay napasigaw siya. Iba ang damit niya sa suot niya kagabi. She was wearing an oversized shirt. Panty lang rin ang pang-ibaba niya! Pero hindi naman iyon kita dahil mahaba rin ang T-shirt.
Kaagad na kinuha ni Jackie ang tuwalya sa banyo. Nahihiya pa rin siya. Itinali niya iyon sa kanyang baywang. Pagkatapos ay pulang-pula na lumabas siya ng banyo. Hindi na niya pinahalagahan ang itsura ng mukha niya. Kailangan niya ng sagot.
"Ginalaw mo ba ako?"
Natawa si Albert. "What do you mean "ginalaw"?"
"Pinagsamantalahan?" Tumingin siya sa kabuuan niya.
Umiling si Albert. "But yeah, I changed your shirt and pants. Sumuka ka kasi pauwi,"
"Bakit mo ako inuwi?" Ang huling naalala lang ni Jackie ay nang makalagok siya sa pangalawang baso niya ng margarita at nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Maybe she passed out. O nawala na talaga siya sa sarili.
"I can't find your friend. Ang sabi ng mga staff, lumipat raw siya ng bar,"
Gustong mapapadyak ni Jackie. Bakit siya iniwan ng kaibigan? At bakit kasi siya naglasing?
"I-I'm sorry,"
"It's okay. What's important is you're fine. So how was your head again?"
"Masakit. Pero siguro dahil nga sa alak. Dapat talaga naniwala ako na traydor ang alak,"
"Tama nga ako. It's your first time. Anyway, there will always be a first time for everything," wika ni Albert at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Namula na naman si Jackie. Parang may kakaiba kasi siyang nai-interpret sa sinabi nito base sa naging tingin nito sa kanya. "Sigurado kang wala kang kinuha sa akin?"
Nagkibit-balikat si Albert pagkatapos ay ngumisi. "You will know later,"
Nanlaki ang mata ni Jackie. Pero bago pa man siya makapagtanong ay tinalikuran na siya ng lalaki.