13 "Hindi po ba talaga ako puwedeng sumama, Lolo? I promise, I won't cause any troubles." My grandfather lightly shook his head. "Walang magbabantay ng hacienda, Nellie apo. Ayaw ko namang maka-abala pa sa pagpapatakbo mo ng hacienda," saad niya. "Pero Lolo, mas mabuting ako ang kasama niyo kausa kay Mamang Ichi. Mas alam ko ang tungkol sa inyo kaysa sa kaniya," giit ko at napalabi bago tumingin sa gawi ni Mamang Ichi. "Kaya na naman ni Ichi na samahan ako, apo. At ano ba ang ipinag-aalala mo? Nandiyan naman si Dwayne para samahan ka." That! Iyan ang ipinag-aalala ko! Baka kung anong mangyari kapag kami lamang dalawa ang maiwan dito. I smiled awkwardly. "Nag-aalala lamang po kasi ako sa inyo, Lolo." "You don't need to worry about your Lolo, Nellie apo. Malakas pa ako, ano ka ba? Ma

