12 "Nakatulog ka ba nang maayos, Dwayne hijo?" Napatigil ako sa pagnguya nang tanungin ni Lolo si Dwayne. Lumingon naman ako sa aking tabi at agad nagtagpo ang mga mata namin ni Dwayne pero kinindatan niya lamang ako. I winced. "Maayos naman po akong nakatulog kagabi, Lolo," Dwayne answered. "Ikaw, Nellie apo?" "P-Po?" takang tanong ko. "Kumusta ang tulog mo, apo? Sabi ng asawa mo ay pagod ka raw kaya hinayaan ka na naming matulog at hindi na tinawagan pa para makapag-hapunan." I unconsciously looked at my right. Kunot-noo akong nakatingin kay Dwayne na diretso sa pag-kain. Talaga bang sinabi niya iyon kay Lolo? Is that just a part of his act too? Tipid akong ngumiti kay Lolo bago marahang tumango. "Maayos naman po ang naging pagtulog ko, 'Lo," sagot ko. "Mabuti naman kung gan

