11 "Bloody hell, I really need an alcohol right now!" bulyaw ko nang makapasok sa aking kuwarto. "Alcohol? Isaac, ikuha mo nga ng alcohol si Nellie. Nadumihan yata ang kamay—" "Alcohol to drink! Liquor!" Naiinis na pagtatama ko. Bakit ko naman kailangan ng alcohol na pang-sanitize? "Nellie, hindi ka puwedeng uminom ng alak dahil nandito ang Lolo mo," paalala ni Mamang Ichi na siyang ikinairap ng aking mga mata. Umupo ako sa kama samantalang nakatayo silang tatlo sa aking harap. Masama kong tiningnan ang lalaki na nakakrus ang dalawang braso habang malokong nakatingin sa akin. "Bakit ka naman kasi pumayag na manatili rito, ha?!" sigaw ko. Dwayne gave me a half shrug. "Why not? I want to try something new so I agreed to stay here," saad niya. Inirapan ko siya at bumaling ng tingin ka

