Chapter 3

3374 Words
MASYADONG matagal ang twelve years para hintayin ni Hannah si Marcos. Ang dami nang nangyari sa loob ng labindalawang taon. Pero ni isang beses ay hindi niya dinalaw si Marcos sa Germany. Sinunod lang niya ang payo ni Marco. Dahil wala siyang mapagkaabalahang nakakaaliw, tinanggap niya ang non-serious relationship na inaalok sa kanya ni Zack. Dalawang taon na ang relasyon nila. Marami ding nagbago sa pagsasama nila, pero hindi niya hinayaang ma-in love siya sa binata. Suddenly, the world suffering from a zombie apocalypse because of the virus created by Dr. Dreel. Namatay nga si Dr. Dreel, nag-iwan naman ito ng pinsala sa mundo. Natuklasan ng mga ekperto na ang virus ay unang natagpuan sa Cebu At ang carrier ay ang aso na tinurukan ni Dr. Dreel ng virus na pinangalanang ‘rabia escota’. The infected dog bit the owner itself, the father of Katrina Santos, Jero’s girlfriend. Dahil sa nangyari ay naging abala silang lahat. Kaya umaasa siya na makakalimutan na niya si Marcos. Nakatulong din si Zack para aliwin siya. She’s thirty-year-old now, and yes, she’s getting old but it doesn’t matter for her. Mahaba naman ang buhay niya bilang hybrid vampire. Her father was a vampire, while her mother was a human. Naka-asign sa kusina si Hannah. Siya ang nagluluto ng pagkain ng lahat na nilalang sa academy. Hindi na siya muling nagsilbi sa mga Navas magmula noong umalis na si Marcos. Masyado na siyang busy dahil marami na ang nag-aaral sa academy. Marami na rin silang trabahador na pinapakain, mga bampira at mga tao. Kinupkop ng organisasyon nila ang mga taong tinalikuran na ang normal na mundo dahil sa lumalaganap na virus. Hindi lang iisang safe house ang pinagsisilbihan nila at nirarasyunan ng pagkain at gamot. Kalahating taon ding napa-destino sa Mactan si Hannah bago siya bumalik sa CDO. At sa kanyang pagbabalik sa academy ay nasorpresa siya nang masipat si Marcos sa laboratory kasama ni Alessandro. Sumilip lang siya sa bumukas na pinto dahil pumasok si Jero. Kumabog ang dibdib niya. Wala masyadong nagbago sa hitsura ni Marcos, maliban sa lumapad pa ang likod nito at nadagdagan ang kakisigan. Mas tumangkad pa ito. Aywan lang niya kung may nabago na ba sa ugali nito. She didn’t hear the news he already got home. She’s hoping that he forget her after twelve years without seeing her. She didn’t expect anything from him but just forgot her. Maaring nag-mature na nga ito. She promised to move on and forget about him but it seems nothing has changed with her feelings. Hindi niya maikakailang na-miss niya ito-sobra. Pagdating niya sa food center ay inasikaso kaagad niya ang mga pagkain ng mga estudyante. Malapit na kasi ang lunch break. Mamaya ay isa-isang nang nagsidating ang mga estudyante at pumila na para makakuha ng pagkain. Graduate na siya dahil hindi naman siya kumuha ng major subjects na para sa mga gustong magpakadalubhasa sa kalakaran ng organisasyon. Ang ibang may mga baon na pagkain ay pumuwesto na sa mga paboritong mesa ng mga ito. Habang nag-aabot siya ng nakaplatong pagkain sa mga estudyante ay napatingin siya sa pinto nang pumasok ang grupo nila Dereck, Jeddan, Nathan at kasama na si Marcos. Awtomatikong kumabog ang kanyang dibdib. She was surprised. She didn’t expect to feel nervous. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Hindi pa siya handang makaharap si Marcos matapos na hindi siya tumupad sa gusto nito na dadalawin niya ito sa Germany. Idinadalangin niya na huwag sana itong lumapit sa counter para kumuha ng pagkain. Ibinalik niya ang tingin sa mga binatilyong humihingi ng pagkain. She can’t help but felt anxious. Mamaya ay si Derek na ang humihingi ng pagkain. Iniabot kaagad niya ang plato ng pagkain nito. Nang umalis na ito ay ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang mamataan si Marcos na nakatayo sa harap ng counter. Walang ibang harang sa pagitan nila kundi ang sementadong counter na pa-litrang ‘C’. “Estudiyante lang at mga staff ng academy ang puwedeng kumuha ng pagkain,” sabi niya rito. “You need meal stub first.” She can’t gaze him direct into his eyes. “Hindi naman ako kukuha ng pagkain, Miss Hannah,” seryosong tugon nito, staring at her intently. She feels his stare without looking at him. His baritone voice pushed her to look at him. The tone of his voice has been changed. Lalaking-lalaki, buong-buo. Tinitigan niyang maigi ang mukha nito. May nagbago kay Marcos, hindi buong mukha pero may something sa mga mata nito na hindi niya napapansin noon. The way he stares was sending an unusual emotion to her heart. He’s drop-dead handsome, a matured one, and a manly s*x appeal. She wallowed hard just to clear something hard emotions stuck in her chest. Tinapangan niya ang kanyang anyo. Talagang hindi siya nakalimutan ni Marcos. Ang sobrang na-miss niya sa mukha nito ay ang cute nitong cleft chin. Bahagyang lumalim ang mga mata nito’ng may mattingkad na kayumanggi kaya mas naging manly, lalo ang muscles nito sa panga, na lalong nagpatingkad sa kaguwapuhan nito. Ganoon pa rin ang hairstyle nito, one inch long with wavy strands on the top. “So anong ginagawa mo riyan?” mataray niyang tanong sa binata. “Nakatayo,” sarkastikong sagot naman nito. Napalunok siya ulit. Bumaling ang tingin niya sa nahantad nitong dibidb dahil hindi nakabotenes ang suot nitong denim jacket na kulay abo. Dala-dalawa paa ng kuwintas nito, na ang isa ay pangil ng kung anong hayop ang pendant, at ang isa ay parisukat na pendant na may nakaukit na pangalan. Yumabong pa ang balahibo sa dibdib nito. “May nakapila pa sa likod mo. Puwede bang umalis ka muna riyan?” mahinahong utos niya rito. Sumunod naman ito. Hanggang sa maubos ang mga nakapila ay nakatayo pa rin si Marcos sa tapat ng counter. Nang wala nang lumapit na estudiyante ay itinukod nito ang mga braso sa counter habang nakamasid lang sa kanya. Nagpapakaabala na siya sa pagliligpit ng naiwang pagkain. “How are you, Hannah?” mamaya ay tanong nito. “I’m fine,” sagot niya pero hindi niya ito hinaharap. “Do have an idea how much I missed you?” Natigilan siya. Napilitan siyang harapin ito. Diretso ang tingin niya sa mga mata nito. “Akala ko hindi mo na ako maaalala,”  amuse na sabi niya. Tumayo ito nang tuwid at humalukipkip. “How can I forget you? Every hour, every day that may pass, I am thinking of you. You didn’t bother to visit me even once in a blue moon. Why Hannah?” he confessed in a tone full of pain.  Bumuntong-hininga siya. Ibang-iba na si Marcos ngayon. Hindi na ito ang isip-batang walang alam kundi mangulit. Nag-matured na ito. She didn’t show him how to hurt his words are, instead, she ignored him. Nagpakaabala siya sa kanyang ginagawa. “You don’t have an idea how I suffer in the pain of losing you. Without seeing you I one year has been slowly killing me. You didn’t care about me, Hannah,” gumaralgal na patuloy nito. Nagmatigas siya kahit halos sasabog na ang puso niya sa tindi ng emosyon. “I’m busy, I can’t talk to you right now,” she just said in a cold voice. May ilang sandaling tumahimik si Marcos. “May kapatid na ako, Hannah. Lumaki rin  siya sa incubator, pero as in baby pa siya ngayon. Gusto ko’ng tumira ka ulit sa bahay namin,” mamaya ay sabi nito sa masiglang tinig. Nawindang siya. Awtomatikong napawi ang pagdaramdam niya. Nag-anak pa pala ulit si Marco at Leslie? Masaya siya para sa dalawa. Pero hindi na puwedeng tumira ulit siya sa bahay ng mga ito. Masyado na siyang maraming trabaho. “Sorry pero hindi na puwede,” aniya pagkuwan, without facing him. “May utang ka sa akin. Hindi mo ako dinalaw sa Germany.” Tumigas na naman ang boses nito. Marahas niya itong hinarap. “So sinisingil mo ako?” aniya. “Tumira ka ulit sa bahay,” matatag na sabi nito, na binalewala ang pagprotesta niya. Hindi na siya umimik nang namataan niya si Zack na papalapit sa kanila. Kahit hindi seryoso ang relasyon nila ni Zack ay may usapan sila na gagampanan nila pareho ang pagiging nobyo at nobya. Paglapit nito’y inakbayan nito si Marcos. “Kumusta, boy? Welcome back!” bati nito kay Marcos. “Kuya Zack!” balik ni Marcos at tinapik ang balikat ni Zack. Hindi na batang kumilos si Marcos. Isa na itong binata. Pagkuwa’y binalingan siya ni Zack. “Let’s eat, baby!” yaya nito. Iniabot naman niya kay Zack ang pagkain nila. Lumabas na rin siya ng counter. Nakatingin lang sa kanila si Marcos, habang patungo sila ni Zack sa mesa sa tapat ng counter. Lumuklok ito sa nag-iisang mesa na naroon sa tapat nila. Nakaharap siya rito, habang si Zack ay nakatalikod dito. Kumislot siya nang iharang ni Zack ang palad nito sa tapat ng mukha niya. Awtomatikong ibinaling niya ang tingin dito. “He just a temptation, baby. Don’t say attracted ka na sa kanya dahil hindi na siya ang batang inaalagaan mo,” ani ni Zack. Mariing kumunot ang noo niya. “Ano ba? Siya pa rin si Marcos. Wala namang nagbago sa kanya,” aniya. “Pero kung wala ako at kayong dalawa lang ang narito, baka kanina mo pa siya niyakap. Alam ko na-miss mo siya nang sobra.” “Bakit hindi na lang ikaw ang gumanap na ako, tutal ikaw ang nasusunod kung ano ang dapat kong gawin,” inis na sabi niya. Ngumisi si Zack. “I hate the way you look at him, may laman, may sakit dahil guilty ka sa hindi pagdalaw sa kanya sa Germany.” Inirapan niya ito. “Tumigil ka nga, Zack. Walang pakialamanan ng feelings. Let’s eat,” aniya at hindi na siya nagsalita pa. INAAYOS ni Hannah ang mga gamit niya. Wala nang estudyante sa academy nang mga oras na iyon. Nangako siya kay Zack na doon siya matutulog sa resort nito. Sukbit niya ang kanyang malaking shoulder bag saka lumabas ng food center. Tahimik siyang naglalakad nang masalubong niya sa pasilyo si Marcos. May hawak itong baso ng blood juice. Akala niya lalagpasan siya nito pero bigla itong humarang sa daraanan niya. Huminto siya. “Hindi ka na busy, siguro puwede tayong magkuwentuhan,” nakangiting sabi nito. Kaswal ang pakikitungo nito pero alam niya’ng may hinanakit pa rin ito sa kanya. “It’s time to rest, Marcos. Maghapon akong busy at ganitong oras lang ang libre ko para magpahinga,” aniya. “I’m just curious, boyfriend mo ba si Zack?” anito na inalis na ang ‘kuya’ kay Zack. “Oo,” diretsang sagot niya. “Hindi kayo bagay,” walang kagatol-gatol na komento nito. “That’s not important.” “Masaya ka ba sa kanya?” “Oo naman.” “Hindi halata. Parang boring ang relasyon ninyo.” He chuckled, crossing his arms on his chest. “By the way, mom wants to talk to you. She’s at the staff’s office.” “Bakit?” kunot-noong tanong niya. “I don’t know.” Kumibit-balikat ito. “Okay, pupuntahan ko siya.” Iniwan na niya ito. Nadatnan ni Hannah si Leslie sa opisina kasama si Marco. May batang lalaki na karga si Marcos, siguro nasa apat na taong gulang. Umupo siya sa silyang katapat ng desk ni Marco pero si Leslie ang nakaupo roon. “After twelve years, nagkita ulit kayo ni Marcos, Hannah. May problema kami,” panimula ni Leslie. “Ano po ‘yon?” curious na tanong niya. “Hindi natugunan ng academy sa Germany ang gusto naming mangyari sa development ni Marcos. Oo, nag-matured siya, pero hindi nagbago ang ugali niya. Hindi na-adapt ng isip niya ang environment sa paligid niya, sa halip ay iba ang mga natutunan niya. He became wild and dangerous. Nagkamali kami ni Marco sa pagdesisyon na dalhin siya sa Germany. Mas makulit pa siya. Mahirap siyang paamuhin. Parang hindi naituro sa kanya ang tamang values education and good moral characters na dapat ay kasabay sa pag-unlad ng isip niya,” malungkot na pahayag ni Leslie. Nawindang siya. Nag-mature nga si Marcos pero may something sa behavior nito. “What do you mean po?” usisa niya. “He’s so hardheaded. Mabuti nasasaway siya ng daddy niya. Parang hindi siya naturuan kung paano gamitin ang puso niya nang tama. Bawal kasi kaming pumasok sa academy para sana mabisita namin siya. Nakakausap lang namin siya sa phone. Six years siya sa loob ng academy. Noong unang taon ay palagi namin siya nakakausap at ikaw ang hinahanap niya. After almost five years, biglang ayaw na niya kaming makausap. Ang sabi niya ay huwag na kaming pupunta roon na hindi ka kasama. Hinihintay ka niya. Noong kukunin na sana namin siya ay nagtatago siya, ayaw niyang umuwi kaya pinalipas namin ang panahon bago siya binalikan.” May kung anong kumurot sa puso niya. Tiningnan niya si Marco. Palakad-lakad ito habang pinapatulog ang anak na karga nito. “Ang sabi kasi ni Sir Marco ay huwag na akong magpapakita kay Marcos, baka ma-distract lang siya sa pag-aaral,” aniya. “I was wrong, Hannah. Akala ko makakatulong iyon. I’m sorry,” apela naman ni Marco. “Pero mukhang okay naman si Marcos. Kinakausap naman niya ako,” sabi niya. Naibaling niya kay Leslie ang tingin nang magsalita ito. “Peke ang ipinapakita niyang ugali. Kahit sa amin ay okay siyang makisama, pero ang totoo, nasa loob niya ang poot. Hindi siya naturuan kung paano magkontrol ng emosyon. Wala na siyang pakialam sa damdamin niya. Pisikal lang ang napapansin niya. Ang nakakainis, sobrang sexually liberated niya,” disappointed na pahayag ni Leslie. Napangiwi siya. Ang layo ng expectations niya sa sinabi ni Leslie. “Paano po nangyari ‘yon kung hindi naman sila lumalabas ng academy?” usisa niya. “I think because of his environment. Mainit sa mga mata niya ang babae. Pagdating niya rito noong isang araw ay halos kilala na niya lahat ng babae. Nakausap namin ang pamunuan ng academy sa Germany, may isang grupo raw ng mga estudyante na sinamahan si Marcos. Maaring sa mga iyon niya na-adapt ang mga activities na natutunan niya. Noong senior na siya ay malaya na silang gawin ang gusto nila dahil nakalabas na sila sa mga individual class room nila kung saan computerize lahat. Para silang ibon na nakawala sa hawla,” kuwento ni Leslie. “Baka may mali po sa kalakaran ng academy,” sabi niya. “I guessed but most newborn vampires in some country are sexually liberated. Kaya napagdesisyonan namin na i-enroll siya ulit rito sa academy para mabigyan siya ng special class, na wala siyang ibang kaklase. Pumayag siya pero binigyan niya kami ng kondisyon. Gusto niya bumalik ka sa bahay at ikaw ang maging tutor niya. We don’t have a choice kaya pinatawag kita. Hinihingi ko ang permiso mo, Hannah,” ani niLeslie, habang panay ang buntong-hininga. Kaya pala kinakabahan siya noong magdesisyon ang mga ito na papasukin si Marcos sa isang academy sa Germany. May hindi magandang maidudulot pala iyon kay Marcos. Pero wala na siyang magagawa roon, nangyari na. Pero hindi madali ang hinihiling ng mga ito. Maraming responsibilidad para bumalik siya sa pamilya ng mga ito. “Pag-iisipan ko po muna,” wika niya pagkuwan. “Salamat, Hannah. Sana mabigyan mo kami ng pagkakataong makasama ka ulit ng anak namin. Aalalay naman kami para mas maging komportable kayo ni Marcos sa isa’t-isa.” Nabanaag niya ang sigla sa mukha ni Leslie. Ngumiti lamang siya. Pagkuwan ay nagpaalam na siya sa mga ito. Paglabas niya ng opisina ay dumereto na siya sa resort ni Zack. Tahimik na ang resort dahil hindi na iyon open for public. Ipinasara iyon ni Zack dahil wala na ring nagnasang mag-beach gayung laganap na ang mga taong infected ng virus sa lugar. Pinag-iisipan pa rin niya ang sinabi ni Leslie. Iginigiit niya sa sarili na isa siya sa dahilan kung bakit nagkaganoon si Marcos. Wala siyang ideya kung ano ang naging karanasan ni Marcos pagpasok nito sa academy. Pagpasok niya sa rest house ni Zack, doon din sa resort nito ay sinalubong kaagad siya nito sa lobby. Nagulat siya sa mainit na pagsagupa nito sa kanya. Siniil nito ng halik ang bibig niya. Noon ay okay lang sa kaniya na halikan siya nito, pero bigla siyang nangilag dito. Itinulak niya ito. “What?” iritableng tanong nito. Ibinagsak niya ang kaniyang bag sa sofa saka lumklok sa tabi niyon. “We’re still in a non-serious, noncommittal relationship, Zack,” paalala niya rito. Tumawa nang pagak si Zack. “So, I don’t have the rights to kiss you? We almost have s*x last night, do you remember?” paalala rin nito. Tumayo siya. “The word ‘almost’ not happened. Kapag na-in-love ka sa akin, iiwan kita,” aniya. “I know. Pero tinatanggap mo ang halik ko before, bakit ngayon ay parang diring-diri ka sa akin?” “Pagod ako at gusto ko nang matulog. Dalawang araw na akong walang pahinga.” “Ayaw mo naman kasing makinig sa akin. Kahit walang pakialaman, puwede pa rin tayong maging concern sa isa’t-isa.” Hindi na siya umimik. Dinampot niya ulit ang kanyang bag saka pumanhik sa kuwartong inuukupa niya. Wala siyang sariling bahay kaya kung saan-saan lang siya nakikitulog. Nahihiya na siyang mag-stay sa mansiyon ni Dario sa CDO dahil naroon palagi ang asawa ng mga opisyales ng organisasyon. Pumupunta lang siya roon para ipagluto ang mga ito sa tuwing may malawakang pagpupulong. Malaking bagay rin na pinatulan niya ang kalokohan ni Zack. Nagkaroon siya ng permanenteng lokasyon sa tuwing gusto niyang magpahinga. Inaalagaan siya nito at dinadamayan sa tuwing sobrang stress na siya sa kanyang buhay. Kung hindi niya kilala si Zack nang personal ay baka nahulog na ang loob niya rito. Alam niya kung gaano ka-playful sa babae si Zack. Kahit may non-serious relationship sila ay may dini-date itong ibang babae. Minsan pa niya itong nahuli na may babeng katalik sa isang cottage doon sa resort nito. Well, he just a man, craving for s*x most of the time. Alam niya’ng normal lang iyon sa katulad nito at naiintindihan niya iyon. Malawak ang pag-unawa at pasensiya niya. Martir na nga ang tawag sa kanya ni Natassa. Bago sumikat ang araw ay nabuo na ang desisyon ni Hannah. Magsisilbi siya ulit sa pamilya ng mga Navas, to serve Marcos as her payment for not showing her ass on him for twelve years. Iyon lang ang paraang alam niya upang makabawi siya sa lahat na pagkukulang niya kay Marcos. “Baliw ka ba talaga, Hannah?” asik ni Zack nang abutan siya nito’ng nag-e-impake ng gamit sa kuwarto niya. Inamin niya rito na babalik siya sa bahay ng mga Navas. “Kailangan kong gawin ito, Zack,” giit niya. “For what sake, huh?” Hindi siya sumagot. Isinara na niya ang kanyang munting maleta na puno ng kanyang gamit. “Hindi ka babalik doon, Hannah! You will stay here!” pilit nito. Iniharang nito ang malaking katawan sa pinto. “Then I quit! Kung ayaw mo akong payagan, itigil na natin ang walang kuwentang relasyon na ito!” “f**k!” Binuksan naman nito ang pinto at hinayaan siyang lumabas. Diretso ang lakad niya hanggang makababa siya sa sala. “Huwag kang mag-alala, hindi ko na aabusuhin ang sarili ko,” sabi niya bago tuluyang umalis. Dumaan muna siya sa academy sa pag-asang makikita niya roon si Marco. Nawala sa isip niya na hindi pala lumalabas ng bahay si Marco kapag tirik ang araw, maliban na lang kung may emergency meeting. Dumiretso na siya sa bahay ng mga ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD