Chapter 2

3459 Words
INIABOT ni Hannah ang pantulog na damit ni Marcos, habang nasa loob pa ito ng banyo. Hindi na siya pumasok kahit pinapapasok siya nito. Naliligo kasi ito. “Hannah! Are you there?” sigaw nito. Naroon lang siya sa labas ng pinto ng banyo at hinihintay itong matapos. “Yeah!” sagot niya. “Don’t leave me!” “Hindi ako aalis!” “Pero niyaya ka ni Kuya Zack na mag-usap kayo!” “Hindi.” Mamaya ay lumabas na si Marcos. Puting pajama pa lang ang naisusuot nito. Napangiwi siya nang makitang nasa labas ang brief nito. Inuna nitong isuot ang pajama bago ang brief. Hindi pa rin talaga ito natuto. Napakamot siya ng ulo. “Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hindi ikaw si Superman? Mauuna dapat ang brief bago ang pants!” nakapamaywang na sita niya rito. “I don’t care! Baka kasi iiwan mo ako,” anito. Bumuntong-hininga siya. “Hindi nga ako aalis. Matutulog na tayo.” “Sige. Dito na ako magbibihis.” Hinubad nito ulit ang brief nito at pajama. Tumalikod siya para makaiwas siya sa tukso. Humiga na siya sa kama para hindi na ito magduda. Dalawa ang kama, tig-iisa sila. Mamaya ay bigla itong humiga sa tabi niya, sa gawing kanan. Kumislot siya sabay balikwas nang upo. “Ano ba! Doon ka sa kabila!” inis na singhal niya. “Hindi ba puwedeng tabi tayo?” namimilog ang mga matang tanong nito. “H-Hindi puwede!” “Baka aalis ka…” “Hindi nga ako aalis, ang kulit mo!” “Eh ‘di dito ako para malaman ko kapag aalis ka.” Nagkumot na ito hanggang leeg. Bumuntong-hininga na naman siya. Wala siyang magawa kundi humiga sa tabi nito. Katulad ng nakasanayan nito, hinihipo niya ang ulo nito. Iyon ang pampatulog nito. Hindi ito nakakatulog hanggat hindi niya hinihipo ang ulo nito. Iyon ang naging problema ng mga magulang nito kaya hindi puwedeng hindi niya ito isama. Halos sinakop na ng malaking katawan nito ang kama. Nakatagilid na lang siya dahil konting usod lang ay mahuhulog na siya. Makalipas ang halos kalahating oras ay mahimbing na ang tulog ni Marcos. Dahan-dahan na siyang kumilos at tumayo. Lumabas siya ng kuwarto. Baka naiinip na si Zack sa kaaantay sa kanya sa bar. Nadatnan niya itong nag-iisang nakaupo sa stool chair sa tapat ng bar counter. Umupo siya sa tabi nito, sa gawing kaliwa. “Nakatulog na ba ang alaga mo?” kaswal na tanong nito. “Oo,” tipid niyang sagot. Inabutan naman siya ng waiter ng inumin na katulad sa iniinom ni Zack. Isang red wine na may halong dugo. “I think you have to leave Tito Marco’s family, Hannah. Masyado mo nang napapabayaan ang sarili mo,” mamaya ay wika ni Zack. Matiim na tiningnan niya ito. Nagtataka na siya. Magmula noong tumira siya sa bahay nila Marco ay panay na ang puna ni Zack sa kaniya. Dati-rati ay wala naman itong pakialam sa kanya. Madalas pa nga siya nitong inaasar. “Bakit mo ba sinasabi ‘yan? I’m happy with them,” aniya. “Paano mo nagawang magsaya samantalang sila ang dahilan kung bakit ka nasasaktan? You’re an idiot,” walang gatol na sabi nito. Bahagyang uminit ang ulo niya. But Zack has a point. “I admit. They are my family aside from Rivas family and the organization. Noong wala pa si Marcos, sinabi ko’ng puputulin ko na ang ugnayan ko kay Marco. Pero binago lahat iyon ni Marcos.” “Ang weird, Hannah. Don’t say you felt something special for Marcos.” “Kay Marcos? Nagpapatawa ka ba?” amuse na sabi niya. “That’s possible, Hannah. Yes, Marcos did not naturally grow up like us but he’s still a man, a big guy physically.” “Bakit mo ba iginigiit sa akin ‘yan? Danm! Parang kapatid ko na si Marcos!” Tumawa si Zack. “Ang bilis mong mapikon, kaya ang sarap mong asarin, eh. Ibig sabihin hindi ka pa rin nakapag-move on kay tito Marco,” anito. “Excuse me? It’s about Sir Marco anymore. I serve their family as part of my interest and nothing personal here. I just found myself enjoying the moment when I’m with them,” depensa niya. Since ikinasal na si Marco kay Leslie ay sinimulan na rin niyang mag-move on. Alam naman niya na kahit kailan ay hindi siya papatulan ni Marco. Tumawa lang si Zack. “Gusto mong matiyak na nakapag-move on ka na talaga?” mamaya ay untag nito. “Oh, what should I do?” “Let’s start a relationship.” Napatda siya. “What kind of relationship then?” “A non-serious, noncommittal relationship.” Natawa siya. Ibang klase rin itong trip ni Zack. Alam niya’ng isa ito sa batikang flirt na nakilala niya, pero ayaw niyang matulad sa mga babaeng nahikayat sa kalokohan nito. ‘Tapos sa huli ay mai-in love rito nang seryoso at mauuwi rin sa sakitan. “Ayaw kong bigyan ng sakit ang ulo ko, Zack,” pagmamatigas niya. Ngumisi ang binata. “Gusto lang kitang tulungan mag-move on.” “Pagkatapos na ma-in love ako sa iyo, iiwan mo ako?” usig niya. “Depende.” Umiling-iling siya. Pero sinisimulan na niyang pag-isipan ang suhesyon nito.  Anong malay niya, baka maging maligaya siya sa piling nito. Kalagitnaan ng pagkukuwentuhan nila ni Zack ay may lapastangang pumalo sa likod nila pareho ni Zack. Ang bigat ng kamay na iyon at malakas. Kamuntik pa siyang mapasubsob sa counter. “f**k!” bulalas ni Zack, na nasamid ata ng inumin nito. Mabuti wala na siyang iniinom. Pagpihit niya sa likuran nila ay namataan niya roon si Marcos na bitbit pa ang unan. “Ano giwa ninyong dalawa?” seryosong tanong nito. Bumalikwas nang tayo si Zack saka hinarap si Marcos. “Ikaw, bakit gising ka pa, ha? Istorbo ka!” nanggagalaiting sabi ni Zack sa inosenteng si Marcos. “Iniwan ako ni Hannah!” nakasigaw ring tugon nito. “I don’t care! You’re a big boy, kaya mo nang matulog mag-isa!” Kinakabahan si Hannah nang mapansing namumula na ang mga mata ni Marcos. Galit na ito. Bago pa magkasunog ay inawat na niya ito. Iniwan nila si Zack doon. Pagdating sa kuwarto ay pinaupo niya sa kama si Marcos at hinilut-hilot ang batok nito. Kapag ganoong namumula ang mga mata nito ay nagagalit ito. At kapag nagagalit ito at bigla na lang nasusunog ang mga flammable objects sa paligid nito. Napakalma rin niya ito. Humiga na ito. Napilitan siyang tabihan ito at kahit nangangalay na ang kamay niya’y hindi siya tumigil sa paghipo sa ulo nito. Mamaya ay nakatulog na ulit ito. Hindi na siya umalis sa tabi nito hanggang gupuin na rin siya ng antok. SA paglipas ng panahon, naging mabagal ang development ng isip ni Marcos dahil sa incomplete process na ginawa rito ng mag-amang Clynes. Epekto pa rin iyon ng maagang paglabas nito sa elevator. Lalong naging makulit si Marcos. Kahit saan siya magpunta ay nakabuntot ito. Kasama niya itong pumapasok sa academy pero wala itong natutunan dahil likod lang niya ang binabantayan. Kaya minsan ay tumatakas siya sa pamilya nito para lang mabigyan naman ng oras ang kanyang sarili. Ngunit lalong nahirapan ang mga magulang ni Marcos na kontrolin ang anak ng mga ito. Dalawang taon pa ang lumipas, ganoon pa rin si Marcos. Siya naman ay hindi ito matiis. Hindi ito nakakatulog na hindi siya katabi. Kinabukasan ng linggo pag-uwi ni Hannah mula academy ay naglinis kaagad siya ng kuwarto. Isang linggo rin kasi siyang nasa academy. Tambak na rin ang labahin niya, mga saliri niyang damit. Mabuti na lang hindi na pinapalabahan sa kanya ni Leslie ang mga damit ng mga ito. Pagluluto, paglilinis at pag-aasikaso na lang kay Marcos ang trabaho niya. Pagkatapos niyang naglaba ay naligo siya sa swimming pool na naroon sa likod ng bahay. Ternong itim na underwear lamang ang suot niya. Kasisisid lang niya nang kaagad siyang umahon. Naramdaman kasi niya’ng may humawak sa isang paa niya. “Whoa!” Kumislot siya. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay naroon si Marcos. Hubad-baro ito at naaninag niya na itim na brief lang ang suot nito pan-ibaba. Naibaba niya ang tingin sa mabuhok nitong dibidib. “Wow! Ang lusog!” nanlalaki ang mga matang sabi nito. Walang anu-ano’y bigla na lang nito hinawakan ang dalawang dibdib niya saka pinisil-pisil. Nag-init ang bunbunan niya. Nakalimutan niya’ng bata−este isip bata ang kaharap niya. Bigla niyang pinalipad ang palad sa pisngi nito. Binawi nito ang mga kamay sabay hipo sa nasaktang pisngi nito. “Aray ko! Bakit mo naman ako sinampal?!” nagtatagis ang bagang na sabi nito. Unti-unti ay namumula ang mga eyeballs nito. Inalipin siya ng kaba. Namataan niya si Leslie na humahakbang patungo sa kanina bitbit ang tray ng pagkain. “Ugh! Ang sakit!” sigaw nito. Ang mabagal na hakbang ni Leslie ay napabilis para lang makalapit kaagad sa kanila. Inilapag nito sa sementadong bench ang dala at lumapit sa gilid ng pool. “Bakit, anak?” nag-aalalang tanong nito sa anak nito. Hinarap naman ni Marcos ang ina. “Mommy, sinampal ako ni Hannah!” sumbong nito. Awtomatikong binato siya ni Leslie ng mahayap na tingin. Lalong kumabog ang dibdib niya. “Bakit?” walang puwang na tanong ni Leslie, sabay baling ng tingin kay Marcos. “Kasi, Mommy, hinawakan ko lang naman ang dede niya, ‘tapos sinampal niya ako bigla!” Mangiyak-ngiyak na sabi nito. Uminit ang mukha ni Hannah. Nahihiya siya kay Leslie. Tumayo nang tuwid si Leslie at nailagay sa baywang ang mga kamay. “Eh talagang sasampalin ka niya! Hindi mo dapat hinahawakan ang dede niya, Anak!” anito. “E bakit ikaw nakakahawak ako sa dede mo?” “Anak kita, eh. Kasi dalaga si Hannah. Hindi pa puwedeng hawakan ang dede niya ng lalaki.” Kumurap-kurap na tumingin sa kanya si Marcos. “Ah, ganun ba ‘yon? S-Sorry, Hannah,” namimilog ang mga matang paumanhin nito. Pagkuwan ay muling humarap sa ina nito. “Kailan ko ba puwedeng mahawakan ang dede niya, Mommy?” pagkuwa’y natanong nito ang ina. Humagalpak nang tawa si Leslie. Funny but she can’t laugh. Lalo lamang nag-init ang mukha niya. Mamaya ay umahon na si Marcos at kinain ang meryendang ginawa ng ina nito. Nagpatuloy naman siya sa paglalangoy. Kinahapunan, magkatuwang na nagluto ng hapunan sina Hannah at Leslie. Hindi siya nakaiwas nang buksan ni Leslie ang usapin tungkol sa nangyari sa swimming pool. Ilang beses nang humingi ng paumanhin sa kanya si Leslie. “Salamat sa patuloy na pag-unawa mo kay Marcos, Hannah. Alam ko hindi madali para sa iyo na intindihin ang kakulitan niya,” ani Leslie, habang naghihiwa ito ng karne ng baka. Siya naman ang nagbabalat sa carrots at patatas para sa lulutuin nilang beef caldereta. As usual, walang bawang. May mga alternative herbs lang silang ginagamit para mapasarap ang putahe. Good thing, Leslie learned to cook some basic recipes. Sometimes she voluntary cooks for her family. “Okay lang po ‘yon,” aniya. “Pero may naisip na kaming sulusyon ni Marco para hindi masanay sa iyo si Marcos.” Tiningnan niya si Leslie. Wala pa man ay may hindi mawaring lungkot na umahon sa kanyang puso. “Ano pong sulosyon?” “Mayroong exclusive school sa Germany para sa katulad ni Marcos. Advance ang pagtuturo roon at mas high-tech. Mas mabilis ang pag-mature ng isip ng mga batang lumaki sa advance technology na katulad ni Marcos. School for vampire rin iyon. Ang namamahala niyon ay mga bampira rin at naging bahagi na rin ng Sangre Organization. Naisip kasi namin, kung hindi namin ilalayo sa iyo si Marcos ay baka mahihirapan siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Hindi ko naman sinasabi na in-spoiled mo siya kaya ganoon. Epekto rin daw kasi iyon ng mabilisang proseso na ginawa nila Zyrus sa bata. Mainam na rin iyon para makapag-focus ka sa pag-aaral at mabigyan mo naman ng oras ang love life mo.” Hindi siya kaagad nakakibo. Inalipin siya ng lungkot. Nasanay na rin kasi siya na palaging kasama si Marcos, kahit minsan ay sumasakit ang ulo niya sa kakulitan nito. Natatakot siya na baka pagbalik ni Marcos ay hindi na siya nito makikilala. “Alam na po ba ito ni Marcos?” pagkuwa’y tanong niya. “Hindi pa nga, eh. Si Marco na ang magsasabi.” “Baka po mabigla siya,” nababahalang sabi niya. “Si Marco na ang bahala. Sasamahan naman siya ni Marco sa Germany hanggang sa masanay si Marcos. Doon ay wala siyang choice dahil machine ang magiging guidance niya. Hindi naman siya basta iiwan ni Marco, hanggat hindi siya nagiging komportable.” Hindi na lamang siya umimik. Kanina ay ganado siyang magluto. Pagkatapos na malaman niya ang plano ng mga-asawa ay bigla siyang tinamad. Hindi siya sumabay sa mag-anak na naghapunan. Sinasanay na niya ang kanyang sarili na hindi kasama si Marcos. Pagkapasok niya sa kuwarto ay nagla-lock kaagad siya ng pinto para hindi na magtangkang pumasok si Marcos. Kahit kinakatok siya nito ay hindi niya ito pinagbubuksan ng pinto. Lunes ng gabi pagpasok ni Hannah sa academy ay nagsisimula na ang klase nila sa unang asignatura. Nakatitig lamang siya sa nagsasalitang guro nila pero hindi niya iniintindi ang sinasabi nito. Kanina pag-alis niya sa bahay ng mga Navas ay tinaon niyang busy sa panonood ng movie sa computer si Marcos bago siya umalis. Hindi siya nagpaalam dito. Dahil sa kakaisip niya sa makulit niyang alaga ay wala siyang naisagot sa exam nila. Sa sumunod na subject ay hindi na siya pumasok. Wala rin namang silbi kung papasok siya dahil wala ring papasok sa kukoti niya. Nagtungo siya sa mansiyon sa pag-asang madadatnan niya roon si Devey. Natiyempuhan niya ito roon. Abala ito sa ekspiremento nito sa laboratory kasama si Zack. Hindi na sana siya papasok pero tinawag siya ni Zack. “May klase ka pa, ah?” bungad sa kanya ni Zack paglapit niya sa mga ito. “Wala ako sa mood mag-aral,” matamlay na sagot niya. “Wow! Ganyan ang mga genius!” komento ni Devey. “Bakit? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Zack. “I need some fresh air,” sabi lang niya sabay tinalikuran ang dalawa. Hindi niya inaasahan na susundan kaagad siya ni Zack hanggang sa labas ng mansiyon. “Dahil ba aalis na si Marcos?” sabi nito. Alam na rin pala nito ang tungkol doon. Huminto siya at hinarap ito. “I don’t know. I felt I’m losing someone important to me.” “You’re in trouble, Hannah. Sulosyonan mo ‘yan. Sinabi ko naman sa iyo na simulan natin ang non-serious relationship para maaliw ka. Iwanan mo ang mga Navas.” Hindi talaga siya nito tatantanan. “Gusto kong mag-unwind,” sabi niya. “Let’s go to my resort again. Mas masaya ngayon dahil walang istorbo.” Walang pag-aatubiling sumama siya rito. Baka sakaling makatulong ang suhesyon ni Zack sa problema niya. Hindi siya umuwi sa bahay ng mga Navas ng dalawang araw. Idinahilan niya na may importante siyang gagawin. Hindi naman mahigpit sa kanya ang mag-asawa. Mas gusto nga ng mga iyon na nagliliwaliw siya paminsan-minsan. PAG-UWI ni Hannah sa bahay ng mga Navas ay nagulat siya nang madatnang wala nang sala set sa salas. Maraming nawawalang kagamitan.  Kumislot siya nang may humilagpos na painting sa harapan niya. Pagtingin niya sa itaas ng hagdan ay nakaupo si Marcos sa unang baitang. “Where have you been, Hannah?” seryosong tanong nito. Tumayo ito at humakbang pababa. “M-May inasikaso lang ako.” “Without informing me?” Parang kaedad na niya ito kung magsalita. “I’m sorry but I need some space.” “Space for what?” Huminto ito isang dipa ang pagitan sa kanya. “Gusto kong sanayin ka na hindi ako kasama.” “That didn’t help! Ayaw kong mag-aral sa ibang bansa na hindi ka kasama! Ayo’ko, ayo’ko!” asik nito. Nagsisimula nang mamula ang eyeballs nito. Pero bago pa man ito maglikha ng apoy ay sumulpot na si Marco sa likuran nito at pinisil ang batok nito. Nasa batok nito ang kontrol sa emosyon nito. “Stop that nonsense, son! Sa ayaw mo’t sa gusto, mag-aaral ka sa Germany!” ani ni Marco. Iniwaksi nito ang kamay ni Marco. “Pero dapat kasama ko si Hannah, Dad!” protesta nito. “No!” “I need her!” “I said no!” galit nang sabi ni Marco. “Damn that Germany! I want to stay here!” nagwala na si Marcos. Nagliliyab na ang damit nito. “Nooo!” Sa inis ni Marco ay ginawa nitong yelo si Marcos. Tumahimik ang kabahayan. Tulalang nakatitig lang si Hannah sa nanigas na si Marcos. Pero kagyat lamang ay natunaw ang yelo sa katawan ni Marcos. Naglaho ang tensiyon sa katawan ni Marcos. Hindi na ito makulit, sa halip ay nanghihina. She can’t help but pain suddenly striking her whole being. Awang-awa siya kay Marcos. “Ako ang masusunod, Marcos,” mahinahon nang sabi ni Marco saka ito umalis. Parang pinipiga ang puso ni Hannah habang pinagmamasdan si Marcos na lumuluha. Sumalampak ito sa sahig at bumulahaw nang iyak. Akmang lalapitan niya ito ngunit bigla itong tumayo at nanakbo paakyat sa hagdan at nagkulong sa kuwarto nito. Napasandal siya sa haligi ng hagdan nang bigla siyang manlumo. Her warm tears ran from her eyes. Lalo lamang sumidhi ang kirot sa kanyang puso. Daig pa niya ang ina na nawalan ng anak, pero hindi iyon ang ibinubugso ng kanyang damdamin. She can’t lose him, she can’t afford to lose Marcos but she doesn’t have a choice. Kinabukasan ng umaga ay sinubukan ni Hannah na katukin sa kuwarto nito si Marcos. Hindi pa kasi ito lumalabas at kumakain. Ayaw nitong harapin ang mga magulang kaya siya na lamang ang nangulit dito. “Marcos? Open the door please!” aniya sabay katok sa pinto. “Go away, Hannah!” pasigaw na sagot nito mula sa loob. “Please, let’s talk!” “I hate you all!” Nagsisimula na namang manikip ang dibdib niya. Galit na rin ito sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinilit. Dalawang araw lang ang lumipas ay masigla na ulit si Marcos. Marahil ay tanggap na nito ang desisyon ng mga magulang. Inihahanda na niya ang mga gamit ni Marcos para dadalhin nito sa pag-alis. Nilinis na rin niya ang kuwarto nito. Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. Nakaluklok siya sa silya habang nakaharap sa kama kung saan niya tinutupi ang mga damit ni Marcos. “Thank you, Hannah.” Natigilan siya. Si Marcos iyon. Tamang-tama pagtayo niya ay naroon na ito sa tabi niya. Nagulat siya nang ikulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at walang abog na hinalikan siya sa bibig. She froze and a violent heart ran throughout her vein, hitting her heart. Awtomatikong sumikdo ang kanyang puso. What it does mean then?  Hindi siya nakagalaw hanggang sa pakawalan siya ni Marcos. Kumurap-kurap siya, hinagilap ang kanyang huwisyo. Ang weird, napaka-weird ng nararamdaman niya. “B-Bakit mo ako hinalikan sa labi?” manghang tanong niya. Nginitian siya nito. “That was a goodbye kiss. But I hope we will meet again after twelve years. Sana dalawin mo rin ako sa Germany, sinabi ko na ‘yon kay daddy. Kahit isang beses lang ay dalawin mo ako roon, Hannah,” nagsusumamong sabi nito. Nagpapaawa ang mukha nito. May kung anong pumipiga sa puso niya. Naisip pa lang niya kung gaano ito katagal mawawala ay para siyang bibitayin. Pinigil niya ang kanyang pagluha. Talagang napamahal na siya kay Marcos. Tumango na lamang siya. Pagkuwa’y ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Parang ayaw siya nitong bitawan sa higpit ng yakap nito. Pagsapit ng dilim ay nauna siyang umalis patungo sa academy. Ayaw na niyang masaksihan ang takdang oras na pag-alis ni Marcos. Pero mas mahirap pala ang pasya niyang iyon. Hindi niya inaasahan ang pagluha niya habang iniisip na pag-uwi niya kinabukasan ay hindi na niya makikita si Marcos. Sa halip na pumasok sa klase ay nagkulong siya sa palikuran at walang ginawa kundi umiyak. She’s missing him already, and it slowly tearing her heart.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD