bc

Prince Gregory Boys (Charles Andrew Felix)

book_age0+
9
FOLLOW
1K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
manipulative
powerful
boss
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

This is a series of Novel entitled Prince Gregory Boys. They are a group of rich and successful men who lived in Prince Gregory Subdivision when they were in their teenage years. They met and formed a life-long friendship. They never took girls seriously. Their world will change the moment they meet their destiny...

chap-preview
Free preview
Part 1
Maiingay na tugtugan, sigawan at tawanan na lang ang tanging naririnig ni Keith sa bar na kanyang pinasukan. Napag-usapan kasi nilang magba-barkada na magkikita sila ng gabing iyon para makibalita sa isa’t isa. “Kung bakit ba naman kasi dito pa nila napiling pumunta, eh!” reklamo niyang bulong sa sarili. Panay ang sipat niya sa kanyang wristwatch habang palinga-linga sa paligid. Kailangan niya rin kasing umuwi agad dahil first day niya sa trabaho bukas. Isa na siyang Resident Doctor sa  Felix-Dizon Medical Center—the most famous and the highest grossing hospital in the country. Matagal na niyang pangarap ang makapagtrabaho sa FDMC at gagawin niya ang lahat para maging regular siya doon. She felt her phone vibrating from her pocket so she took it out and place it on her left ear. “What the hell, guys. Nasan na kayo?!” “Keith, sorry! Nandito kami sa bandang stage sa may mga couch.” Aawayin pa sana niya ang mga kaibigan niya pagkalapit niya sa mga ito kung hindi lang niya napansing tila wala sa mood ang mga ito. “Napano kayo?” “Bad news.” “Huh?” She followed her friends’ gaze. Her chinky eyes widened as soon as she saw what they were looking at. Not far from their sit is her good-for-nothing boyfriend who was busy exchanging saliva with another girl. She closed her fist in anger. “Pangatlo na niya yan.” Bulong sa kanya ni Ynah nang makalapit ito sa kanya. “Kaya namin dito napiling pumunta kasi nakita na namin siya nung nasa Starbuck’s Café pa lang kami. Sinundan namin siya nung sinabi mong male-late ka.” Dagdag naman ni Trisha. Galit na galit siya sa kanyang nakikita at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nagpaalam sa kanya si Marco na mag-oovertime ito sa trabaho dahil marami itong kailangang tapusing reports kaya hindi ito makakasama sa get together nilang magbabarkada. “What are you going to do, Keith?” kinakabahang tanong sa kanya ni Ynah. Hindi niya sinagot si Ynah. Walang sabi-sabing naglakad siya palapit sa kinaroroonan ni Marco at ng kaulayaw nito. Hinahawi niya lahat ng taong nadadaanan niya. Nang makalapit siya sa mga ito ay itinulak niya ang babaeng parang sawang nakapulot sa boyfriend niya. Kinuyom niya ang kanyang palad at sinapak sa kaliwang pisngi si Marco. “Gago.” Sabi niya kay Marco. Hindi na niya hinintay ang paliwanag nito. Nagmamadali siyang lumabas ng bar. Nakasunod lang sa kanya ang kanyang mga kaibigan. “Keith saan ka pupunta?” “Lilipat tayo ng bar. Maglalasing tayo.” Sagot niya. Tahimik na sumunod sa kanya ang kanyang mga kaibigan nang sumakay siya sa taxi.      Halos hindi na makatayo si Keith sa kalasingan. Sigaw siya ng sigaw habang tumatawa. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, iisipin ng mga itong isa siyang baliw. Nararamdaman na niya noon na parang may mali sa relasyon nila ni Marco pero dineadma niya lang ang hinala niya. Inisip niya na baka sa sobrang busy nilang dalawa kaya sila naging gano'n. Nagkakasama lang sila sa tuwing meron silang icecelebrate na okasyon. Tulad ngayon, ipagdidiwang sana nila ang job offer sa kanya ng FDMC pero nag-cancel ito sa lakad nila dahil nga 'busy' raw ito. Four years na silang magkasintahan ni Marco. Naging kaklase nya ito noong first year college palang siya sa FDU (Felix-Dizon University). Matagal siyang niligawan nito bago niya ito sinagot. Hindi tinuloy ni Marco ang pag-aaral ng medicine dahil lagi itong bumabagsak sa kurso nilang nursing. Kaya pumasok na lang ito bilang isang call center agent at hindi nagtagal ay naging isang team leader na rin ito. Ramdam naman niyang mahal na mahal siya nito noon. Hindi niya lubos maisip na magagawa nitong lokohin siya ng ganun ganun na lang. Napakarami na nilang plano para sa kanilang dalawa. Ang dami niyang pangarap na kasama ito. Paano na ngayon? "Keith, tama na. First day mo sa work bukas!" awat sa kanya ng kaibigan niya. "Ayoko na..." naihilamos niya ang kamay nya sa mukha nya. Napahagulhol na siya sa kalasingan. Hindi na alam ng mga kaibigan niya kung paano siya icocomfort ng mga ito. Inangat niya ang kanyang mukha. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
46.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook