Sinamantala BEATRICE PAGDATING NILA SA unit niya ay agad niyang binuksan ang pinto para maihiga na agad si Duke sa higaan. Pero kumunot ang noo niya dahil hindi naka-lock ang pinto. Kaya napatingin siya kay Dimitri na seryoso at tila nahulaan ang iniisip niya. “Stay here. Ako muna ang papasok,” sabi nito kaya tumango siya. Binigay nito sa kanya si Duke kaya agad niyang kinuha ito. Nilagay niya ang ulo ni Duke sa kanang balikat niya bago tumingin sa papasok na si Dimitri sa loob. Kinakabahan siya kapag naiisip niyang meron ngang magnanakaw sa loob ng unit niya. Pero malabong mangyari iyon dahil masyadong mahigpit ang siguridad ng condominium na tinitirahan niya. At syempre, nag-aalala rin siya kay Dimitri dahil baka mapahamak ito. Lumipas na ang ilang segundo ay hindi

