Common, Make me
* * *
Love or pity?
When Arden and Iñigo was done dining in Lopez restaurant, the bid farewell to each other. But, nandoon pa rin sa mata ni Iñigo iyong pag-aalala para kay Arden noong naghiwalay na ang landas nila. Hindi lang talaga kasi siya makapaniwala na sa dinami-daming babae na kayang luhuran ito upang piliin lang, Arden choose someone who doesn't seem give a single care on him. And worst, mukhang wala pa ngang tiyansa ro'n ang kaibigan.
Ayan, ang hilig kasing magmahal sa taong walang nararamdaman sa'yo. I really don't get you bro why you settle for something that will surely hurt you. She's a standard, yes. But the thing is, she doesn't even like him. I don't know anymore, I guess love is really blind.
Iñigo shrugged those thoughts, though it was true but it's mean. Hindi na lang niya ni-voice out iyon kanina dahil baka masaktan niya lalo iyong feelings ni Arden. Ayaw pa naman niyang mas lalo itong malungkot.
Samantala, si Arden naman ay hindi talaga umuwi sa bahay niya pagkatapos no'n. He just told Iñigo na uuwi na siya para mapanatag ang loob nito pero hindi, hindi siya umuwi sa kadahilanang susundan niya iyong dalawa na ngayon ay papaalis na sa restaurant at papasakay ng kotse.
He grip tightly on his steering wheel while his jaw clenched. Pigil na pigil din niyang huwag tumulo iyong luha niya. Paanong hindi kung maka-asta iyong dalawa ay daig pa magkasintahan. He knows that Clark has a girlfriend, but what he didn't expect is ganoon pala ka-close iyong dalawa kapag sila lang.
Dinaig pa ang mag-jowa.
He inhale deeply. He tried to think straight even if his eyes are already misty and his mind is not in stable manner. Maraming pumapasok na hindi magandang scenario sa utak niya.
Nagsimula ng umandar iyong kotse kaya maigi niya itong sinundan. Halos hindi na nga siya kumukurap at tanging nasa isip niya lang ay ang malaman kung ano ang gagawin no'ng dalawa kapag naka-uwi na sila.
Yes, he was desperate to know if Via and Clark already did that too. Na nagkasiping na rin ba ang dalawa. Para kasi sa kaniya ay hindi iyon malabo lalo na at kung maka-asta nga sila sa public ay sobrang close na. Paano na lang kaya kapag silang dalawa na lang, hindi ba?
Halos ilang minuto rin niya itong sinundan at aaminin niya na kung mayroong gagawin si Clark kay Via ay baka makakapanakit siya. Hindi niya hahayaan na maging sabagal pa iyong boy bestfriend ng dalaga.
May girlfriend ka na, huwag ka namang epal sa amin ni Via.
Marahas niyang hinampas iyong manubela.
"f**k!" mura niya nang biglang nagred iyong light at bigla humarurot iyong kotse na kung saan nakasakay iyong dalawa. Nawala sa paningin niya nang tuluyan iyong dalawa at mas lalo siyang naging balisa, bahagya pang nanginig.
Napa tiim-bagang na lang siya sa pagpipigil ng galit. "I swear, if you will touch even a single strand of her hair, I will definitely kill you." Aniya pa habang nakakuyom iyong kamao. "Don't you ever dare to step out the line, Segovia. You will not like me if I am mad."
_
Kasalukuyan, nasa isang likod ng puno si Arden habang basang-basa sa ulan. Oo, inabot siya ng ulan kakasunod sa dalawa pero hindi naman iyon ang punagtuonan niya nang pansin.
Clark already went home after giving her a ride. Masyado lang palang paranoid si Arden at maging ang paghatid sa bahay ay nilagyan na niya nang malisya.
"You really think I didn't saw you, Arden? Pumasok ka nga rito sa loob, ayokong magkaroon nang alalahanin." Aniya ni Via na hindi manlang tumitingin sa gawi ni Arden kung saan ito nakatago. Nagulat naman ang binata sa naging aniya nito.
Nasa labas kasi si Via sa kaniyang bahay na nasa bandang likuran na kung saan malapit kay Arden, nagpapalamig siya ng ulo dahil mayroon na naman kasi siyang natanggap na threat mula sa isang kalaban sa negosyo.
"Y-You know I'm here," he asked her. Minataan lang siya nito, having those are-you-serious-look on her face.
Nailing pa nga ito.
"Hindi ako tanga, Arden. I know you're here about thirty minutes na." Inikutan na lang ng dalaga nang mata si Arden.
"Are you a spy—"
Mabilis namang sumagot iyong dalaga sa obvious na tanong ng binata. "Hindi. Sa laki mo ba naman impossibleng hindi kita makikita riyan." Pambabara pa nito habang pinagkrus iyong braso.
Hindi na lang nagsalita si Arden dahil totoo naman, kanina pa nga niya pilit na pinagsisiksik iyong sarili niya sa likod ng puno. Pero, sa kasamaang palad ay hindi ito umayon sa kaniya, hindi manlang nakisama.
Kung kanina ay hindi niya ito nasundan at kamuntikan niyang naubos iyong pagtitimpi niya, pero, agad naman na sumagi sa isip niya iyong gps sa cellphone ng dalaga . . . he traced her. He knows that stalking is a crime pero hindi talaga siya matahimik nang hindi niya nalalaman kung ano na nangyari sa dalawa.
Alanganin siyang pumasok sa loob at nahihiyang inigaya iyong paningin sa paligid. Na-basa kasi siya nang tuluyan sa ulan kakasunod at nakakahiya namang pumasok sa loob ng bahay na ganoon ang kaniyang ayos. He tried his best not to wet the floor, pero na-basa pa rin ito.
Napahinto naman si Via nang mapansin iyon at bumuntong hininga na lang.
"Wait me here," saad nito at iniwan siya sa malaking sala. Hindi na lang sumagot si Arden dahil nasa iba naman naka-pukos iyong atensiyon niya, sa lamig na nararamdaman niya.
She leave him there and get something from her closet — a towel. Agad na bumalik si Via sa baba na bitbit iyong tuwalya.
"Here," saad niya pero mukha namang walang narinig si Arden. Busy kasi ito sa kung ano man ang tinititigan nito. Well, he's really busy admiring those expensive furniture and other things she have.
Instead of giving him a cold shoulder like she always do, she slowly grab the hem of his shirt to catch his attention. Gulat namang humarap si Arden sa kaniya. But, she just continue what she's doing, ni hindi niya ito pinagsalitaan nang kung ano.
Nilagay niya sa ulo ni Arden iyong tuwalya habang pinapatuyo niya ito, he was just staring at her with wide eyes. Gulat ito sa biglaang pagiging mabait niya. Well, she's feeling guilty for throwing those gifts of him that's why. Mas lalo lang iyon lumaki nang makita niya itong nanginginig na sa lamig doon sa labas.
"Via..." She shut him off using a glare.
"Please, just don't talk. Baka bigla magbago iyong isip ko at pagmumurahin kita sa katangahan mo." Tumango naman si Arden nang dahan-dahan sa kaniya na parang bata na pinagsasabihan ng nanay.
Nagpatuloy lang siya hanggang sa medyo tumuyo na iyong buhok nito. Sunod naman na napadpad iyong tingin niya sa puting damit nito na basang-basa. Bakat na bakat tuloy iyong magandang hubog ng katawan nito.
And, oh God . . . those biceps.
"I'll just get clothes so you can change. Nandoon ang bathroom," iwas niya ng tingin at sabay turo niya pa sa bathroom. "Huwag kang susunod sa akin, baka masapak kita." Napangiti na lang si Arden do'n. Ina-assume na mayroong naisip na kapilyohan iyong dalaga.
"Opo, love." Arden teased then, chuckled.
Inismiran naman siya ni Via. "Tsk."
Halos tumagal muna nang tatlong minuto bago nakabalik si Via, she was holding a grey sweatpants and a white oversized shirt. Iyon lang ang dala niya dahil wala naman siyang boxer shorts na pwedeng pamalit nito. Alangan naman at pagsosootin niya ito nang panty, 'di ba? That's all she could offer though. Wala naman talaga siyang ibang spare clothes for men kasi mag-isa lang siyang naninirahan sa bahay niya.
Hindi rin naman siya bumibili ng mga ganoon dahil wala namang magsosoot. Maagang pumanaw iyong ama ni Via habang wala naman siyang kapatid o pinsan na lalaki dahil nag-iisang anak lang siya.
"Oh, magbihis ka na. Para ka ng sisiw na basa," saad nito habang busangot iyong mukha at magkasalubong iyong kilay. Agad namang tinanggap iyon ni Arden, at gaya kanina ay nakangiti pa rin ito sa kaniya.
Ngiting umaasa. . .
Sinamaan naman siya nang tingin ni Via. "Stop grinning like a dog! Geez." Natawa na lang ito nang malakas at iniwan na nga siya sa sala.
Hindi tuloy maiwasan ni Via na sundan ng tingin iyong lalaki. Aaminin man niya o hindi pero ang tangkad talaga nito, na-a-attract siya. Matangkad naman siya pero pakiramdam niya ay sobrang liit pa rin niya kapag nagkakatabi silang dalawa. She's really into tall guys, but, pihikan din siya at hindi basta-basta lang ang pinipili.
Damn that height.
Iniwaksi na lang niya iyong ideyang iyon at tumayo papuntang kitchen counter. Kanina pa kasi niya gustong mag-inom, but since ay malamig iyong panahon ay kaunti lang iinomin niya. She just wants to relieve those stress she feels.
Sa sobrang dami kasi nang iniisip niya ay pakiramdam niya tumatanda siya. She can see those wrinkles on her forehead already. She can see those signs and she's kinda anxious about it.
Gosh.
But among all of those things running in her mind, iisa lang iyong pinaka-mabigat at pinaka-importante sa lahat. Ang isang rason na dala-dala niya at naging dahilan nang lahat. One reason that she can't let Arden know . . . and the one reason that can change everything even Arden's life. Something that we didn't want to know.
***
Stop pursuing false love. Let love find you according to it's will. Learn to wait.
-Dawndistinctmind