bc

Tough Hunks Series 6 : Lukass The Badass

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.3K
READ
revenge
dark
opposites attract
friends to lovers
drama
bxg
mystery
secrets
Writing Academy
teacher
like
intro-logo
Blurb

Si Lukass "Luke" Marcado ay tinaguriang smooth operator. Ngunit naatasan siya sa isang misyon na kinailangan niya ang tulong ng isang Binibini para matagumgay niyang maisagawa ang kanyang mapanganib na misyon.

Maangas at bato man kung tawagin itong military sniper na ito, pero pagdating kay Binibining Manalastas, bakit bigla yatang lumambot ang katigasan nito?

Si Sharon Manalastas ay isang pampublikong guro. Tinakbuhan ang mapait na nakaraan at nagpa assign sa isang lugar kung saan malayo sa bayang kinalakihan. Suplada at masungit, pero malambing at maalalahanin.

Luke at Shawie. Pinagkrus ang landas dahil sa isang misyon, o sadyang pinagkrus talaga sila ng tadhana? kahit pa kinaayawan nila ang pagkakataon.

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Welcome back to the NBI, Major Marcado." a familiar voice said nearby. Nilingon ni Luke ang nagsasalita. Ashton Fontana. A hell of a surfer. Hell of a man. Agad naman silang nakipagkamay sa isa't isa. "Kumusta, Marcado?" Malugod na pangumusta ni Ash. Luke let a rare hint of a smile for his former comrade-in-arms. "I'm good. You're looking...tan." "Nag enjoy lang masyado sa dagat kasama si misis kaya heto." Buti pa ang mga dati niyang kasamahan nakapag-asawa na, sa isip ni Luke. Gusto rin naman niyang maranasang magka girlfriend ulit. He'd love to meet a woman and pursue a real relationship. Pero sa mga panahong ito parang imposible na sa kanya. "It's good to see you haven't changed a bit, Marcado." nakangiting wika ni Ash. Luke was used to being accused of having no sense of horror este humor. Hell, they even accused him of having no personality. Dahil bato raw siya at maangas. Tahimik lang talaga siya na tao at seryoso sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Besides, his work required him to exercise reserves of discipline that most people couldn't even fathom. Kailangan niyang maging mabagsik at maangas para maging matatag siya sa emosyonal at pisikal na aspeto. Yeah, his life was bland, boring and lonely. Pero ganito lang talaga ang nakasanayan niyang buhay, ang importante na mapuksa niya ang kasamaan ng ibang tao. Ashton Fontana led him into a room. Tila isa itong control room. Huminto naman si Ash at ipinakilala niya ang taong nakatutok lang sa flat-screen monitor. "Luke, this is Bryant or pwede mo siyang tawaging Kobe. Bryant, this is Lukass Marcado, yong military sniper na sinasabi ko sayo." Napatango lang ang nagngangalang Bryant sa kanya at binuksan nito ang kanyang drawer, tas inilabas nito ang pulang folder. "Bryant is a special agent himself." pagpatuloy pa ni Ash. "He spotted what we're about to show you." Napakunot-noo lang siya. Then Ash picked up a red folder. "Tingnan mo to." Binuksan ni Luke ang pulang folder at kinuha mula roon ang isang larawan. It was a grainy close-up of a man. A man he knew all too well. Pero bakit kinailangan pa nilang ipakita ang larawan ng taong nasa hukay na? He glanced up at Ash, frowning. "Si Edgardo Jaguar to di ba? Ito yong drug lord na sinubaybayan namin ng kagrupo ko noon at napatay namin sa engkwentro tatlong taon na ang nakalipas. Saan mo nakuha ang larawang ito? I don't remember these shots." Ash and Bryant exchanged significant looks with each other. Mukhang nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng mga ito. "What's going on?" Luke bit out, dropping the red folder onto Bryant's desk. "Mas mabuti pang magsimula ako sa una." pahayag ni Ash. Iminuwestra siya nitong maupo sa katabing silya. He stretched out his legs to ease a sharp pain in his bum knee and crossed his arms. Nang makumportable siya sa kanyang posisyon, napatuwid naman siya ng upo na parang statuwa. Nakita niyang inilibot ni Ash ang paningin sa buong silid. "This facility was built to allow us to do high-grade surveillance and monitoring. Wala pa ang pasilidad na ito nong kapanahonan mo pa sa NBI." Bryant grinned and corrected, "Grabe ka naman sir Ash, hindi pa naman mukhang veteran itong si sir Luke." Tinaponan lang niya ng walang kangiti-ngiti na tingin ang bagong kakilala na agent. Nagpatuloy sa pagsasalita si Ash. "May napili na pala si Bryant na magandang spot para sa misyon mo. Sa lugar ding iyon nagkalat ang drug addicts at pushers." Napatango lang si Luke. Kung ang misyon niya ay sugpuin ang mga kalahi ni Jaguar na halang din ang kaluluwa. Why not? "Two months ago, nag surveillance ang grupo ni Bryant sa lugar na yon. Bryant, happens to have developed some of the top face recognition software in the business. Hanggang sa may ma detect siya na isang lalaki. When the face-recognition program popped up the system, alam namin na may mali." Nang huminto si Ash sa pagsasalita at nang wala ng senyales na magsalita pa ulit ito, siya naman ang humirit. "At pano mo naman nalaman na may mali?" "Dahil pinalabas nila na patay na ang lalaking nasa larawan na yan." Imposible. Nang ma engkwentro nila at mapatay si Jaguar. Nakumpirma nila na patay na nga ito. Luke leaned forward. "Are you telling me you think Jaguar is still alive?" "Bakit hindi mo nalang tingnan ang iba pang larawan diyan? Kuha ng mga kasamahan ko yan, two weeks ago lang." It took every ounce of his self-discipline not to leap up out of his chair. Hindi maaaring buhay pa si Edgardo Jaguar. "Since you were the team's sniper and most likely to have studied the photos in the greatest detail, kaya nga sayo namin pinapakita ang mga larawan na yan." Kinuhang muli ni Ash ang folder at ibinigay kay Luke. "Tingnan mo ulit ng maigi yan. Sabihin mo kung si Edgardo Jaguar ba talaga ang nasa larawan na yan." Frowning, Luke took the folder. Binuksan niya ulit ito. Pinag-aralan naman niya ang isa pang larawan na kanyang nakikita. It showed a white stucco portico with a black Mercedes park in front of the house. May malaking mama ang nakatayo sa gilid ng sasakyan. Sa likod ng sasakyan ay may isa pang lalaki na tulad din ng pangangatawan sa isa. Sa harap naman ay naroon ang tatlo pang lalaki. At parang namumukhaan niya ang isa sa kanila. A face he knew as well as his own. A face he'd studied for hundreds of hours, both in pictures and through the sights of his sniper rifle. Napahugot siya ng malalim na hininga. "Putang--" "Anong masasabi mo diyan sa larawan?" Ashton Fontana asked dryly. Luke looked up, grim. "Yeah. Si Edgardo Jaguar nga ang nasa larawang ito. Pero--" putol niya sa sasabihin. Talagang nabigla siya sa natuklasan kaya hindi na siya nakapagsalita. Si Ash naman ang nagpatuloy sa sasabihin pa sana niya. "--pero patay na talaga si Jaguar tatlong taon na ang nakalipas." May malaking operasyon sila noon sa Mindanao kasama ang kanyang mga katropa sa NBI, at don nga nila na engkwento ang pinakanotoryos na drug lord na si Jaguar. Muntik na nga rin silang mapatay sa engkwentro na yon dahil sa dami rin ng tauhan nito at iilan lang sila na sumabak sa naturang operasyon. "Tadtad pa nga ng bala ang bahay na pinagkokotahan ng mga ito. s**t! Nakita sa dalawang mga mata ko ang pagbagsak sa lupa ng gagong iyon na walang malay at duguan. Pati bangkay nga nito ay kami pa ang naghatid sa punerarya. Deniklara na kasi ito sa hospital na Dead on Arrival. Alam kong patay na talaga si Edgardo Jaguar." "Kung ganon, sino ang lalaking na sa picture na yan?" mahinang saad ni Ash. Tinitigan ulit ni Luke ang lalaki sa larawan. Si Jaguar talaga ang nakikita niya kung hindi lang siya nagkakamali. "May iba pa ba kayong nakuhang larawan sa kanya bukod nito?" Napakunot-noo si Ash. "Bakit?" "Ang palatandaan ko sa kanya ay palagi niyang sinusuot ang kanyang pinkie ring. Unusual yon na kite-shaped diamond. May malaking brilyanteng bato rin ito. Maliban nalang sa..." "Maliban sa ano?" untag ni Ash. "Sa sinuot niyang singsing nong namatay siya. Our forensic experts matched it to the insurance spectographs of the stone. Kinuha kasi namin yon sa kanya bilang ebidensya nga siya nga yong napatay namin." "Tingnan niyo to." May ipinakita naman sa kanila si Bryant na ibang kuha ng larawan ni Jaguar. "Mas malinaw dito ang pagkakakuha ng kanang kamay ni Jaguar. Pwede ko itong ma enhance digitally para makita natin ang sinuot niyang singsing." Luke watched as Bryant turned to his computer. He highlighted a small section of the photo that included a fuzzy image of Jaguar's look-alike hands. Nakita niyang isinuot naman ni Bryant ang kanyang communicator sa tenga nito. "Sino sa inyo ang nakagamit na kay Big Bertha?" "Big Bertha?" pag-ulit pa ni Luke. "Yan ang tawag namin sa isang enhancement apps." bulong ni Ash. "Ah okay." Luke muttered. Napangisi lang si Ash. Nagtitipa ulit si Bryant sa kanyang keyboard. Tas bigla nalang dumilim ang buong computer screen nito habang may nakikita siyang maliit na hour glass. Hindi naman niya maiwasang hindi magtanong. "Matagal pa ba yan?" Impatient niyang saad. Tas napabuntong-hininga siya. Sumagot si Bryant. "Minuto lang ang itatagal nito." Ang tagal. Mas madali pa yata ang pag assemble niya sa sniper riffle. Hi-tech na ngayon pero parang lag pa rin ang sistema nila. Hindi ba sila nagpakabit ng fiber? Mas high-tech pa nga rin ang rifle niya. He routinely made positive targets in just a range of two miles, and killed them with impunity from well over a mile. Pero ang mga computer ng ahensyang ito, frankly it's mind-boggling. Katulad nalang sa picture na kay tagal mag zoom-in. Gusto na talaga niyang makita ang suot na singsing nito. Kung magkatugma ba ito sa singsing ni Jaguar. "Heto na." anunsyo ni Bryant. Pixels started to fill the screen rapidly. Na zoom-in na nga ang kanang kamay ng lalaki na pinaghinalaan nilang si Jaguar. Luke leaned forward. Kitang-kita na niya ngayon ang singsing na suot ng lalaki. Pero hindi ito ang singsing na inaasahan niya. Simpleng bilog na dyamante lang ito. Hindi iyon ang singsing ni Jaguar. But when the image finished loading, don palang nila malinaw na natitigan ang singsing. At base sa nakikita niya, pinkie ring ito, hindi nga lang ito ang inaasahan niyang hugis ng dyamante. "Looks like we've got us a match, guys." Komento pa ni Ash mula sa likuran niya. Napakunot-noo si Luke. "May paraan ba upang malaman natin kung saan naka custody ngayon ang singsing na nakuha namin noon kay Jaguar?" "I can run that down...but you know, jewelry can be duplicated." sabi pa ni Bryant. Napakunot-noo ulit si Luke. "Tama ka. Pati nga mukha eh pwede ring maduplicate. Kung ipagpalagay lang natin, why would someone assume the identity of man that is wanted?" Napakibit-balikat lang si Ash. Tas tinanong niya si Luke. "Eh ikaw ano bang gut mo sa lalaking iyan? Sa palagay mo, si Jaguar talaga iyan?" Humugot ng malalim na hininga si Luke. "Hindi yan imposible. Hindi ko alam kung papano nangyari, pero sa totoo lang, nararamdaman ko na siya nga yan." "How sure are you?" Tinitigan ni Luke si Ash sa mga mata nito. "Dead sure." sagot niya. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.5K
bc

Dangerous Spy

read
299.2K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook