Chapter 3

3061 Words
Itinali ni Sharon ang kanyang buhok bago niya kinarga ang alagang persian cat na humihiga sa kanyang sofa. "Itigil mo na ang pagkakamot Ming, kasi napupuno na ng balahibo itong sofa ko. I swear, palalabasin na talaga kita simula ngayon." aniya pa sa pusa. Napahikab lang ang pusa malamang naririndi na ito sa paulit-ulit na sinabi niya araw-araw. Pero kahit paman palagi niya itong sinasabi sa pusa, hindi naman niya magawang palabasin ito. Mahal na mahal kasi niya ito na para niyang anak. Napapitlag na lamang siya nang may biglang kumatok sa pintuan niya. Huminga ka ng malalim, Shawie. Baka ang nasa kabilang unit na naman yan na yong Jamaican na hawig kay Bob Marley, wag kang paranoid, okay? Yong dayuhan na yon lang naman ang palaging nangungulit sa kanya. Kasi gustong-gusto raw nitong makipagkaibigan sa kanya. "Coming!" sigaw niya. As always, she peered out the peephole before she opened the door. Whoa! Milagro at hindi ang makulit na si Gustavos ang nasa labas. Pero naalarma naman siya kung sino ito, kaya di tuloy magkamayaw ang kaba niya. Sinilip niya ulit ang peephole. Diyos na mahabagin, mukhang hindi mapagkakatiwalan ang itsurang nakikita niya. Ang gusto lamang niyang mangyari sa mga oras na yon ay ang magtago at magkunwaring walang tao sa loob ng unit niya, kaso sinagot na niya kanina ang pagkatok nito. Naku! Lagot na. Kumatok ulit yong aso este tao. Alis ka na, tsupi, tsupi. She held her breath for a solid minute, waiting for him to give up and leave. Pero hindi pa rin ito umalis. At sa halip ay pasensyoso itong naghintay sa labas at mukhang pursigido talaga ito sa kung anuman ang sadya nito. Awoo..nakakatakot. Umalis ka na, please? Teka, sinabi nga pala niya na coming na siya. My gulay! Napasubo pa tuloy siya. Wala siyang choice kundi pagbuksan nalang ito, hindi naman siguro ito mamamatay tao. Nagsimula ng manginig ang kamay niya nang pinihit niya ang seradura. Pati yata ang mga tuhod niya ay nahawa rin sa panginginig. Pero kaya niyang harapin ito. Fighting! Huminga muna siya ng malalim bago niya tuloyang binuksan ang taong naghihintay sa labas. "Can I help you?" Naku! Malaking mama pa naman ito. Naka sunglasses ito at nakapatong pa sa ulo nito ang hood ng suot na jacket. Tas balbas sarado pa ito na nagpadagdag sa mapanganib na itsura nito. "Binibining Manalastas, Pwede ba kitang makausap sandali?" Nagsalita ito ng wikang tagalog, malamang pinoy ito at hindi isang dayuhan. "Anong kailangan mo?" mataray niyang sabi. "Pwede bang sa loob tayo mag-uusap?" Syempre dahil estranghero ito kaya mabilis siyang nakapagtanggi. "Hindi." Bumuntong-hininga ito saka binulongan siya. "Sa gobyerno po ako nagtatrabaho, Ma'am. Kailangan lang na pribado tayong mag-usap." My God. Sino kaya ang taong ito? "Pakiusap, Binibining Manalastas. Opisyal na trabaho po itong ginagawa ko. Madalian lang." Pinagloloko ba siya nito? Okay. Kailangan lang niya ng katibayan. "Gusto kong makita ang ID mo, Mister." "Walang problema." Hinugot nito ang wallet mula sa kanyang bulsa, binuksan ito, at pinakita sa kanya ang military ID nito. Totoo kayang military talaga ito? "Madali lang naman mang peke ng ID eh." aniya pa. "Gusto ko pa ng ibang katibayan bukod diyan." Nakita niyang napataas ang isang kilay nito. Ngunit napatango naman ito at may hinugot muli sa kanyang bulsa. Isa itong passport at binuksan ito ng lalaki para ipakita sa kanya. Kinuha naman niya ito at sinuri kung hindi ba ito peke. Lukass Marcado ang nakasulat na pangalan sa passport. Thirty-three years old. Photogenic naman pala ito sa larawan. Infairness, hindi mukhang terorista. Wala rin kasi itong balbas sa larawan at napakalinis nitong tingnan. Pero iba naman ang nakikita niya ngayon sa kaharap. Totoo kaya na sa kanya ang passport na ito? Parang hindi ito nag match sa kanyang passport picture. Tuloy napapaatras siya ng konti papasok. Saka nag angat siya ng tingin para matitigan niya ng mabuti ang kaharap na tao. Gosh! Napangiti ito sa kanya. "Duda pa rin ba kayo sakin, Ma'am?" OMG! Something about that smile galvanized her. It looked him more...dangerous. Para kasing hindi ito nakangiti palagi. Tila ba nag effort pa ito upang ngumiti. Halata kasi sa aura nito eh. Pilit itong ngumiti sa kanya para hindi ito magmukhang mapanganib. Dahil sa totoo lang, parang wala talaga siyang kalaban-laban nito pag may gagawin itong mapangahas sa kanya. Napakunot-noo siya. Ayaw na niyang mag-isip pa ng masama. Hindi naman sa dahil kahina-hinala ang itsura nito ngayon ay masamang tao na ito. Maayos naman itong nakiusap sa kanya o baka na paranoid lang talaga siya. As usual. Binigyang daan na niya ang lalaki upang makapasok ito. Bahala na, dahil kung may gagawin man itong masama sa kanya, may walis tingting naman siyang ipamukpok sa lalaki o di kaya sisigaw siya ng r**e, di ba? kahit papano brilliant naman ang ideya niya. At isa pa may rescuer naman siyang nagngangalang Gustavus. Tiyak pupunta agad sa unit niya yon once marinig siya nitong sumigaw. Pumasok na ang lalaking may dalang itim na duffel bag sa loob ng unit niya. Pagkalagay nito sa malaking bag sa sahig agad naman itong humarap sa kanya. "Ma'am, magtiwala po kayong hindi kita sasaktan." Sino ba namang magnanakaw na umamin na magnanakaw siya? Gaya rin ito sa salitang binitawan ng lalaki. Pero tama nga ito, wala pa naman itong ginagawang masama sa kanya ah. "Ang mga babaeng katulad ko ay nag-iingat lang." Napatango-tango lang ang lalaki sa kanya. "Gusto mong maupo muna?" Ang tangkad kasi nito kaya mas maiging nakaupo ito. Nag-aalinlangan namang umupo ang lalaki dahil baka madaganan pa nito ang natutulog na pusa. "Ang laki-laki naman ng pusang ito." komento ng lalaki. "Mag-ingat ka sa kanya. Ayaw niya sa mga estranghero at talagang nangangalmot siya." Dahan-dahan namang umupo ang lalaki sa tabi ni Mingkay at maingat ang galaw nito upang hindi magising ang pusa. Ngunit nagulat nalang siya sa susunod na ginawa ng lalaki. Kinarga kasi nito ang pusa na walang katakot-takot sa banta niya. "Wag kang mag-alala, mahilig din akong mag-alaga ng mga hayop." sabi nito. "Anong pangalan ng pusa mo?" Umupo na rin siya sa harapan ng lalaki. "Mingkay ang pangalan niya. She's a persian cat. Bali, twenty pounds siya." "Kung ganon wala ka palang problema sa mga daga rito." komento nito. "Oo, dahil mga tuta nga ay hinahabol niya, at pati na rin ang mga taong estranghero." Tipid itong napangiti sa kanya. "Bakit ka nga pala naparito, Mr. Marcado?" "Dahil dito sa apartment mo, Ma'am." "My apartment?" Inilibot niya ang paningin sa buong paligid ng kanyang apartment na namumulaklak sa dekorasyon. Mahilig kasi siyang mag decorate dahil ito ang pampalipas oras niya kung walang pasok. "Interesado kasi ako partikular sa bintana mo. Lalo na sa makikita kong view nito." seryoso nitong sabi. "I beg your pardon, Mister?" "Nakita mo ba mula sa bintana mo ang tapat na compound nitong gusali niyo? Interesado kasi ang employer ko na bilhin ang lupang iyon." Napakunot-noo siya. "Hindi ko kasi kabisado ang paligid nitong gusali namin. Kaya kung anong gustong detalye ang malaman mo, talagang wala akong alam." "Alam ko po, Ma'am. Kaya nga ako nalang ang gagawa non sa sarili ko." "Mula sa bintana ko?" "Yes, Ma'am. If you don't mind." "Uhh..okay." nauutal niyang sabi. Nagsimula ng sumilip ang lalaki mula sa bintana niya pero nasa likod lang naman ito ng kurtina. "Ano ba yang ginagawa mo?" Mausisa niyang tanong. Sinagot siya nito na hindi man lang siya nito tinaponan ng tingin dahil nakatutok ang atensyon nito sa pinapanood sa labas. "May tsini-check lang ako sa labas." "Ano?" "Isang target zone." Target? OMG! Parang hindi yata niya nagustohan ang narinig. Napatayo tuloy siya sa kanyang kinaupoan ng wala sa oras. Napalingon naman sa kanya ang lalaki at hindi niya masabi kung matalim ba itong nakatitig sa kanya dahil nakasuot pa rin ito ng sunglasses. Napaatras na lamang siya ng konti at medyo nabuwal pa siya sa pagkakaatras. Mapanganib ang lalaking ito, kinailangan niyang makalayo mula rito. "Binibining Manalastas, Sinabi ko na sayo. Hinding-hindi kita sasaktan." "Then Get out. Lumabas ka na dito. Now na!" singhal niya sa lalaki. "Binibining Manalastas, huminahon k--" "Alis! Dahil kung hindi ka pa aalis ngayon. Sisigaw talaga ako ng saklolo hanggang sa marinig ng mga kapitbahay ko ang pagsigaw ko. Binabantaan kita, Mister. Marunong din ako mag karate at kaya kong depensahan ang sarili ko. Subukan mo lang lumapit sakin at makakatikim ka ng sakit sa katawan." Matapang niyang pahayag sa lalaki. Inangat naman nito ang dalawang kamay sa ere. "I swear. Hindi talaga kita sasaktan. You have my word of honor on it." "Action speaks louder than words, Mister." Matapang pa rin niyang pahayag kahit nanginginig na siya. Oh God, she started panicking. Napabuntong-hininga ang lalaki. "How about, babalik nalang ako diyan sa kinaupoan ko? Maging kumportable ka na ba ulit sakin?" She nodded, too close to hyperventilating to speak. Umupo nga ulit ito sa sofa. Habang siya ay nanatiling nakatayo. Subukan lang talaga nitong saktan siya. Hinay-hinay naman niyang kinapa ang kanyang cellphone sa katabing mesa. "Nakita mo na ba ang gusto mong makita, Mr. Marcado? Maari ka na bang umalis?" "Tawagin mo lang akong, Lukass. But here's the thing, Miss Manalastas. Para masagot ko yang mga katanungan mo, may ibubunyag muna akong sensitibong impormasyon sayo. It's highly classified, in fact. At kung ipagsasabi mo ito sa iba, hindi lang ang buhay mo ang manganganib. Gayunpaman, may itatanong muna ako sayo." Mataman niyang tinitigan ang lalaki. Hindi ba nahihibang ang lalaking ito at sa kanya ipagkatiwala ang classified information daw? "Bakit ka ba umalis sa bayan ninyo at pinili mo dito sa malayong lugar?" He met her gaze steadily, studying her intently. Mukhang seryoso talaga ang damuhong ito. Walang pakundangan namang sinagot niya ang lalaki. "Anong masama don, single ako at kahit saan ko gustong tumira ay pwede." mataray niyang tugon. "I beg your pardon, Ma'am?" "Okay. Ang totoo, nagtatago talaga ako." "Are you in danger, Ma'am? May nagbanta ba sa buhay mo?" Kung hindi siya nagkakamali, nakita niya sa reaksyon ng mukha ng lalaki ang pagkaalarma. "Sa tingin mo ba, aalis pa kaya ako sa bayan namin kung hindi nanganganib ang buhay ko?" "Sino ba ang pinagtataguan mo?" "Mahabang storya, Mister...uhm, Lukass." Magkatabi ulit si Lukass at ang pusa niyang si Mingkay. Hinaplos naman ng lalaki ang balahibo ng pusa. Parang gusto pa yata nitong magtagal sa bahay niya at ikwento ang nangyari sa kanya. Pero nungkang sasabihin niya ito sa estranghero. "Ngayon, ako naman ang magtatanong sayo. Sino ba ang minamatyagan mo sa labas?" Medyo matagal itong hindi nakasagot. "Isang notoryos na kriminal ang minamatyagan ko. Akala kasi namin patay na siya, pero nalaman nalang namin na buhay pa siya at sa lugar na to siya nagtatago. Kaya nga nandito ako para kumpirmahin kung buhay ba talaga siya." "Pero bakit sa bintana ko napili mong magmatyag? Wala ba kayong satellite man lang o di kaya drone?" "Meron naman. Pero wala pa ring katulad kung makikita mo ito mismo sa iyong mga mata. Kilalang-kilala ko ang taong ito. Kabisado ko na rin ang mannerisms at gestures niya. At hinding-hindi kaya ng camera na magkilatis ng kilos ng tao." "At sa tingin mo makikita mo siya ng ganon-ganon nalang?" The faintest wrinkle of a frown flash across his brow and disappeared. "Hindi ko alam. Basta hindi ako titigil sa pagmamatyag hangga't hindi ko siya nakikita." She shot him a frown of her own. "Gaano naman kaya katagal yang pagmamatyag mo?" Napakibit-balikat ito. "Wala akong ideya." "Okay, madali naman akong kausap eh. Bigyan mo nalang ako ng kopya sa written order mo. Teka, gaano ba katagal ang pagmamanman mo sa isang araw?" Lumiwanag ang mukha nito. "So, ibig sabihin pinapayagan mo na ako?" "Pano kung hindi?" "Sige na. Ilang araw lang naman eh. Di kaya aabot lang ng isang linggo." What? pwedeng aabot ng isang linggo? Laglag ang panga niya. "You mean, you stand in my living room and look out my window for a week?" "If that's what it takes." sagot pa ng mokong. "Nagbibiro ka ba, huh?" she burst out. "Hindi po, Ma'am." "Pwes, hindi ako papayag. Ayokong may lalaking nakaaligid sa loob mismo ng bahay ko sa isang linggo. Lalo na sa lalaking katulad mo." Walang kagatol-gatol niyang wika. Nakita niyang nalaglag ang mga balikat nito. "Dahil ba sa mukha akong bandido?" "Oo, dahil hindi ko alam kung anong kaya mong gawin." bulalas niya. "At isa pa, hindi kita kilala." "Hindi naman kita gagambalain, Ma'am. Nasa tabi lang po ako at tahimik na magmatyag sa labas." Huh? sa tingin ba nito na ganon-ganon nalang siya magtitiwala sa isang lalaki? at papasukin pa niya ng isang linggo dito sa pamamahay niya? Hinding-hindi iyon mangyayari. "Ma'am, makinig po kayo. This is a matter of national security. Bibigyan ko po kayo sa number ng headquarters namin at email address. Pwede mo silang tawagan ngayon na, para makumpirma mo. You can also verify my identity with them." Napapailing lang siya. "Binibining Manalastas, ako lang po ang lubos na nakakilala sa taong ito. Kaya ako mismo ang gumawa nito. Kung hindi ka papayag, ang isang opsyon ko ay don ako sa roof top ng gusaling ito magmamanman pero mas mahahalata ako ron. At ang resulta, pwede akong mapatay at hindi magtatagumpay ang misyon ko. Kaya nakikiusap ako sayo na dito ko gawin sa loob ng apartment mo ang pagmamanman." Mukha yatang mas concerned pa ito sa misyon nito kaysa buhay nito. Naalala niya tuloy ang mga panahong nawawalan na siya ng ganang mabuhay. Buti nalang talaga at hindi natuloy ang tangka niyang magpatiwakal, hayan burado na siya dito ngayon sa mundo. Pero sa mga panahon ding iyon ang pinakamadilim na parte sa buhay niya. "Tell you what," aniya nang magbalik siya sa presensya. "Sige, pumapayag na akong gamitin mo itong apartment ko sa pagmamatyag mo sa sinasabi mong kriminal. Makikitira lang muna ako sa kaibigan ko pansamantala habang ginagawa mo ang misyon mo." Napapailing naman si Lukass. "Hindi gagana yang naisipan mo. Alam mo bang minamatyagan rin ng mga kalaban ang gusaling ito kung sino-sinu ang mga nakatira. Kailangang mamuhay ka rito ng normal, at wag na wag kang magpapahalata sa mga kilos mo." "Kung ganon, pano ka nakaabot sa palapag na ito na hindi ka napapansin ng mga kalaban mo? Tas may malaking bag ka pang dala-dala." Napakunot-noo ito. "Sa service elevator ako dumaan. Mapanganib nga ang ginawa ko kung namataan pa ako ng mga kalaban. Hindi rin naman mahahalata nila ang itsura ko, dahil ang itsura ko ngayon ay katulad rin sa aking mga kalaban." "Ganon ba? So, kaya pala hindi ka man lang nakapag-ahit." "I need you to act as my cover, Ma'am." "At sa tingin mo ba, ganon-ganon mo nalang panghimasukan ang buhay ko. Na bigla ka nalang sumulpot at sabihing perfect spot itong apartment ko sa misyon mo. At ang matindi pa, kinailangan ko pang magbuwis buhay para matulongan ka sa misyon mo. Mukhang ang dami mo na yatang pabor, Mister." He met her gaze head-on. "Pasensya na ma'am, nagkataon lang po talaga." "Ganyan lang ba ang masasabi mo?" angil niya rito. "Sana nga eh, hindi sa ganitong paraan." sagot naman nito. For a moment, just a moment, muntik na siyang madala sa pakiusap nito. Kung hindi lang talaga maangas ang hilatsa ng pagmumukha nito ngayon, pwede pa. Naku Shawie, tandaan mo, looks can be deceiving. Ang importante na magalang ito, at walang ginawa sayo na masama. Pero baka sa una lang naman ito ganyan? Kaya hindi siya pwedeng magtiwala agad nito. Especially the idea of going to sleep with a strange man in her house. Oh no! That's a big No! No! "Ano bang kinakatakutan mo sakin, Ma'am? Na may gagawin nga akong masama sayo?" Takot sa kanya? Oo. Pilit naman niyang magtiwala rito pero hindi ganon ka lubos. "If I know, may dala kang baril diyan sa bag mo. At hinihintay mo lang na makatulog ako bago mo ako titigokin." "Ahhh...all this time, yan pala ang iniisip mo sakin." He gave her a considering look. "Well, kung yan nga ang inaalala mo, sige hahayaan kitang mag-isip ng ganyan." At sa isang iglap lang, hawak na ng lalaki ang mga kamay niya. Hindi man lang siya makapumiglas sa higpit ng pagkakahawak nito. Nag papanic na tuloy siya sa maaring gawin sa kanya ng lalaki. Panandalian rin kasing nanigas ang buong katawan niya. Nang makabawi siya sa kanyang lakas at makawala sa pagkakahawak nito, pinagkakalmot naman niya ang braso ng lalaki. Ngunit hindi na siya nakahuma pa sa kanyang self-defense move at ginaya na lamang niya ang galaw ng pusang may katunggali. Pilit naman siyang inawat ng lalaki. "Kayo talagang mga sibilyan. Hindi niyo maintindihan kung pano lumaban hanggang kamatayan. You're not willing to take the collateral damage to win. That's why people like me always defeat people like you." Kakalmutin niya sana ulit ito nang mabilis na itong nakailag. Bagkus niyakap siya ng damuho na kay higpit. Pwersahan namang itinulak niya ito sa dibdib pero tila nagtutulak siya ng pader. Ilang beses niyang pilit itulak ang lalaki, but she was helpless again. Sa kakaatras niya, tuloy sa kwarto niya sila bumagsak. Ang matindi pa ay itinali siya ng walang hiya sa kama niya. Tama nga ang hinala niya tungkol sa lalaking ito, worst, baka isa itong r****t at sadista. Tinanggal na nito ang kanyang sunglasses, black eyes captured her unfocused gaze. Pero sa halip na pagnanasa ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki, kakaibang lungkot ang nababakas niya. Pero hindi pa rin ibig sabihin na abswelto na sa kanya ang lalaking ito. Kailangan niyang lumaban hanggang sa huling hininga niya. Nagsimula na siyang maghisterikal at pilit naman siyang pinapakalma ng lalaki. Hanggang sa bigla nalang siyang nanghina at kay bigat na ng mga talukap niya. Kung hihimatayin man siya, sigurado siyang magtatagumpay talaga ang lalaki sa masamang balak nito sa kanya. Ano pa ba ang magagawa niya? But before she could actually pass out, naramdaman nalang niyang binuhat siya nito at inilipat siya sa sofa. "Ayaw naman kitang saktan eh." he growled. Huh? Eh ano tong ginagawa mong tarantado ka? "Tapos ka na ba sa paghihisterikal mo?" Hindi siya umimik. Dahil hangga't may malay pa siya, may tsansa pa siyang lumaban. "Hayan na ang napala mo. Sarili mo lang naman ang pinapahirapan eh, I'm going to let you go. At pinapangako kong hindi ko na ulit gagawin sayo yon." kalmadong saad nito. Tinanggal na nga nito ang pagkakatali niya. She was free now. Tumayo agad siya at akmang aataki ulit siya sa lalaki. Ngunit natigilan siya at napatitig sa hawak ng lalaki. Nakatutok kasi sa kanya ang hawak na baril nito. Game Over. Talo na siya. Nanigas na lamang siya sa kanyang kinatayuan. Hinihintay nalang niya ang pagkabit sa gatilyo nito. Wala na naman siyang kawala pa. Nakita niyang humakbang papalapit sa kanya ang lalaki. "Hindi ako makapaniwalang gagawin ko to." he growled. "Pero sa tingin ko, ito lang ang paraan para magawa ko ng matiwasay ang misyon ko rito." Kunot-noo niyang tinitigan ang lalaki hanggang sa tuloyan itong makalapit sa kanya. Pero ang ikinabigla niya ay ang susunod na ginawa nito. Nakatuon ngayon ang atensyon niya sa kamay nitong may hawak ng baril. Dahil ang hindi niya inasahan ay ang pagbigay nito sa kanya ng baril.  *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD