Mabilis na lumabas si Lukass sa kwartong iyon dahil baka hindi siya makapagpigil at maangkin niyang muli ang babae. Kakatapos lang din maghapunan ang mga kasamahan nang maabotan niya ang mga ito. "Everything okay?" Agad na tanong sa kanya ni Ash. "No. But I've got it under control."Hindi siya nag-aalangan na sumagot. Napatingin si Ash sa kwarto tas pabalik sa kanya. "Kung gusto mo ng makausap, Marcado. Available lang ako." "I'll let you know, kung gusto nga kitang kausapin." "Magagawa mo kayang mag open up sakin, bro?" Ang mga babae talaga, nakaka distract sa pag-iisip. This was exactly why he never got involved with women. Kadalasan kasi sila ang maituturing na kahinaan ng mga lalaki. "Kumain ka muna at magpahinga, Marcado." turan pa ni Ash. "You've been working for a while, kam

