Chapter 54

1016 Words
Chapter 54 Plans and Achievements ina-analyze nila Lorie, Rovie at Chris ang mga papel at impormasyon na nakalap nila kamakailan lang. Kasalukuyan silang gumagawa ng mga plano upang maisakatuparan ang kanilang balak. Pagkatapos malaman ni Chris noong isang araw ang kataksilan na ginagawa ng hepe nila ay tumahimik na muna siya at mangangalap pa ng mga impormasyon bilang patunay at mga ebidensiya na nagsasaad ng kataksilan nito. Mabuti nalang talaga at nakilala niya sila Lorie. Sila ang naging daan upang unti-unti ay masusugpo na nila ang sindikato. Pero nanatili na munang tahimik si Chris at nasa sa kanilang tatlo na muna ang mga impormasyonnat detalye na nalalaman. Sasabihin niya rin naman ito kay Alexis ngunit hanggang wala pa silang sapat at matibay na ebidensya ay mananatilinh tahimik at palihim muna silang gagalaw. "Mag miryenda na muna kayong dalawa. Kanina pa kayo nakababad diyan sa mga papel at laptop niyo." Biglang dumating si Rovie na may dala-dalang tray at malaman itong pagkain at juice. "Thank you, sweetheart." Malapad ang ngiti na saad ni Chris kay Rovie. Napapailing nalang si Lorie sa kasweetan at kalandian ni Chris sa kaniyang kapatid. Pero sa kalooban din naman niya ay natutuwa siya dahil may nagpapasaya sa kapatid niya bukod sa kaniya. Tumabi ng upo si Rovie kay Chris at nakatingin lang ito sa ginagawa ng binata. Mukhang lalanggamin na naman ito maya-maya at siya’y magsasawa na naman sa mga pinagsasabi ng mga ito. Ano pa nga ba ang bago at aasahan niya sa mga ito. Kung hindi ito maglalampugan eh ano pa ba ang iba nilang gagawin. Tumayo nalang muna si Lorie at lumabas ng bahay para tawagan si Aliyah. Gusto niyang gamitin ang babae at paikutin ito ngunit nakikita niya ang mga effort nito kung paano sila tutulungan. Gusto niya itong pagkatiwalaan ng lubusan at maging kaibigan pero may pumipigil pa rin sa kaniya. Gamit ang cellphone ni Rovie ay tinawagan ni Lorie si Aliyah upang kumustahin ito. Nasa ibang bansa kasi ito ngayon dahil sa isang transaksyon na iniutos ng ama nito. Nag-ring na sa kabilang linya ngunit wala pang sumasagot sa tawag. Mukhang abala nga ito sa transaksyon at walang oras makipagtelebabad sa kung sino. Tinawagan pa ito muli ni Lorie ngunit wala talagang sumasagot kaya hinayaan nalang ito ni Lorie at bumalik sa loob ng bahay. “Anong problema, Lorie?" Tanong kaagad ni Rovie sa kambal ng makapasok ito at nakita niyang dismayado ang mukha nito. “Nothing sis, I'll just go ahead and take a nap for a while.” Tanging sagot lang ni Lorie sa kambal at ngumiti ng unti dito tyaka siya nagtungo sa kwarto niya. Hinayaan nalang din ito ni Rovie at bumalik siya sa tabi ng boyfriend niya. "Tibo ba iyang kapatid mo, sweetheart?" nagulat si Rovie sa tanong ng nobyo kaya mabilis niya itong pinalo. "Anong pinagsasabi mo diyan! Mamaya marinig ka nun lagot ka talaga!" Ani Rovie at pinagpapalo ang nobyo dahil sa walang filter nitong bunganga. "Haha pasensya naman. Natanong ko lang naman dahil curious ako.” Natatawang saad ni Chris at sinasalag ang mga palo ng nobya sa kaniya. Nagkulitan lang silang dalawa ng nagkulitan hanggang sa umuwin na si Chris at nangakong babalik ito bukas para sunduin siya sa magiging date na naman daw nila. ----- "Wala pa rin na irereport sa akin si Alexis tungkol sayo sir. Mukhang hindi niya ginawa at wala siyang balak na imbestigahan ka lalo na kinausap ko rin ang matalik niyang kaibigan." Pagbibigay alam ng hepe nila Alexis sa amahin nitong si Count Jonas. Bumisita ang hepe nila sa bahay nila Alexis para makausap ang ama at sinakto nito na wala doon ang binata para hindi sila mahuli na nagkikita o nagkakasama ng ama niya. Kasalukuyang nag uusap ang dalawa sa mga bagay-bagay ng lumitaw ang mayordoma nila at inilapag ang kape sa maliit na lamesa na naroon. Tiningnan ng babae ang hepe at iniabot dito ang isang tasa ng kape. Nang abutin ito ng hepe ay marahan na binitawan ng mayordoma ang tasa at hinaplos ang kamay niya sa kamay ng hepe na animo’y nilalandi ang lalaki. Nakita iyon ni Jonas kaya mabilis niyang pinaalis ang mayordoma at sabay na binigyan ito ng pamatay na tingin. Nang-uuyam na ngumiti lang ang mayordoma at nilisan silang dalawa sa sala at hinayaan na. ”Mabuti dahil hanggang ngayon ay tapat pa rin sa akin ang aking ampon na anak. Tumatanaw pa rin ata ng utang na loob sa pagkupkop ko sa kaniya." Tugon ni Jonas sa sinabi ng hepe kanina at sumipsip ng kape. “Oo, sir. Pero huwag kayong mag-alala dahil gagawa ako ng paraan upang matanggal siya sa serbisyo at bumalik na sa inyo upang mamahala ng inyong mga negosyo." Tiningnan lang ni Jonas ang hepe dahil sap sinabi nito at alam niya kung bakit nito sinabi at inungkat ang tungkol sa usaping iyon. Pinangakuan kasi niya ito ng maraming salapi kapag naisagawa niya ang task na iyon. Alam niya na mabilis masilaw ang tao sa pera kaya hindi na bago kay Jonas iyon. Greedy son of a btch. Usal ni Jonas sa kaniyang isipan at tango lang ang ibinigay na sagot hepe. Sa mundong ginagalawan nila tanging pera lang ang nagpapaikot sa lahat ng bagay. Hindi ka magtatagumpay hanggat wala kang mailalabas na pera. Hindi ka magiging makapangyarihan kung wala kang pera. Everything revolves in money. It's just a piece of paper but valuable to everyone. Wala ng naging ibang imik si Jonas at hinayaan ang hepe na uminom ng kape at ito nalang ang nagsasalita. Maya-maya din ay umalis na ang hepe para bumalik sa trabaho. Iyon lang ata talaga ang sinadya nito kay Jonas. Nang makaalis ito ay agad na pinuntahan ni Jonas ang mayordoma sa kusina at hinila niya ito patungo sa kwarto niya dahil sa inis na nararamdaman niya kanina. Hindi alam ni Jonas kung ano ang nangyayari sa kaniya but one thing is for sure. He’s annoyed and he want to get laid and he will use her till he get satisfied. Wala namang makakaangal sa gusto niyang gawin sa loob ng pamamahay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD