Chapter 53

1366 Words
Chapter 53 Traitor Chief Nagising si Lorie na bahagya pa ring sumasakit ang kaniyang tagiliran. Nang tingnan niya ito ay nabago na ang patch at walang bakas ng dugo ang bumakat sa plaster. Nakita ni Lorie ang kambal na nakatingin sa kaniya at nakatitig lang ito ng maigi sa kaniya. “How are you feeling, sis?” tanong ni Rovie sa kaniya. Napapangiwing bumangon si Lorie at hinawakan ang tagiliran niya. “I'm feeling better now, sis." May halong pagsisinungaling na sagot ni Lorie sa tanong ng kambal niya. "Hindi mo ba sasabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo?" seryosong tanong ng kapatid sa kaniya. Umiling si Lorie na kinakunot ng noo ni Rovie. "Ayaw mo talaga?" paninigurado ni Rovie. Umiling muli si Lorie kaya napabuga nalan ng hangin si Rovie. Kung ano ang kinatigasan ng ulo niya ganoon din naman sa kapatid niya. Mas matigas ang ulo nito kaysa sa kaniya at iyon ang totoo. “Hindi ba sinabi mo na mag-iingat ka? Anong nangyayari ngayon sayo? Paano kung mas grabe diyan ang natamo mo ha? Are you really considering my feelings here?" nafufrustrate na singhal ni Rovie sa kapatid na wala man lang konsidirasyon sa nararamdaman niya. "Maayos naman ako, Rovie. Hindi naman talaga maiiwasan ang hindi ka masaktan sa ganoong uri ng trabaho." Katuwiran at pagkumbinsi ni Lorie sa kapatid na alalang-alala talaga sa kaniya. "Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil hindi mo naman alam kung ano ang nararamdaman ko. As much how you want to protect me, I also want it for you. We've lost our parents already and I can't lose you too." Iyon kasi talaga ang nagpapabahala kay Rovie. Sa tuwing aalis kasi ang kapatid ay hindi niya mapigilang mag-alala rito. Minsan pa nga nakakaisip siya ng hindi magandang mangyayari sa kapatid niya. Sobrang negative ang naiisip niya at hindi niya gusto iyon. "Okay, I'm sorry. It won't happen again, Rovie. I'm so sorry. I won't get hurt again." Kahit masakit ang tagiliran ay nagawang yakapin ni Lorie ang kambal na ngayon ay umiiyak na. Mababaw lang talaga ang luha ni Rovie kaysa kay Lorie. Noong mga bata pa sila ay iyakin na talaga ito. Kapag pinapagalitan ito noon ng mga magulang nila ay iiyak ito agad. "Hush now, sis. I'll always be with you and I won't leave you. We will always have each other's back." Ani Lorie sa kapatid at tumango naman ito bilang pag sang-ayon. ----- Sa kabilang banda naman ay hindi mapigilan ni Jonas titigan ang litrato ng babaeng noon pa man ay minahal niya magpahanggang ngayon. Pinakatitigan niya ito ng maigi at namimiss niya ang ngiti nito. Ilang taon na nga ba ang lumipas ng huli niyang makita ito. Matagal-tagal na rin ngunit hindi niya pa rin ito makalimutan. “How are you doing now, Audrey? Are you really happy with him that you threw everything we had before?" parang baliw na tanong ni Jonas sa kaniyang sarili habang hinahaplos ang mukha ng babae na nasa larawan. "Kung hindi ka nagloko noon ikaw sana kasama niya ngayon." Saad ng boses babae sa likuran ni Jonas kaya agad niyang itinago ang larawan na hawak. Dumaan ang babae sa harapan niya at hinubad nito ang damit na suot at pumasok sa loob ng closet nilang dalawa. “Oh yea? And you’re much to blame with it just much as I do.” Tugon ni Jonas sa sinabi nito. “Oh please, Jonas. It’s not my fault that you’re a cheater and you fall for my charms back in the days. You cheated because you want to and not because I came to the picture." Mapang-asar na saad ng babae at lumabas ng closet na nakaroba na. Naiinis na si Jonas sa mga sinasabi nito sa kaniya at kaunti nalang ay mauubusan na siya ng pasensya. "No. I lost her because you seduced me!" singhal ni Jonas sa babae na tinawanan lang din naman nito. "Well, technically you’re correct, Jonas. I did seduced you and get what I wanted. At least, one of us got what we desired.” Nang-aasar pa rin na saad ng babae kaya hindi na nakapagtimpi pa si Jonas at hinila ang babae at piniid ito sa kama tyaka niya ito sinakal. Nagdidilim ang paningin ni Jonas sa mga kras na iyon bagamat natauhan din siya ng hindi man lang gumalaw o nagreact o nagpumiglad ang babae sa ginawa niya. He released his hand in her throat and stepped away from her. Habol ng babae ang kaniyang hininga ngunit may nakapaskil pa rin na nanunuyang ngiti sa mga labi nito. ”You know, I like it every time when you choke me and rock my world." The woman continuously mocking him and he was losing it, he can feel it. Jonas came to her and was about to punch her but she just smirked and told him off. "Go on, Jonas. Hurt me like how you used to do before. Kill me if you can too but let me remind you, you owe your life to me. You owe everything you have right now to me. You will be nothing if I didn’t take you to my father and became his successor. You can hurt me anytime you like, Jonas but I'm not a fainted heart anymore. Whatever happens to me, you'll be done and all your secrets will be revealed. I wonder what will your son think of you if he knew you disregard him and abandoned him. Our son that you denied." May halong pagbabanta sa boses ng babae kaya wala ng ibang nagawa si Jonas kundi ang umalis at lisanin ang silid na iyon. Lahat kasi ng mga sinabi mg babae ay totoo. Matagal ng nawala ang lahat sa kaniya. Kung hindi nga dahil sa babae at sa pamilya nito ay malamang sa malamang nasa kulungan pa rin siya ngayon. ----- Abala sa paglilinis sina Lorie sa mga lamesa sa coffee shop. Bumalik na kasi sila sa trabaho ng gumaling na si Lorie. Pinaalam na rin nila sa manager at sa ibang kasamahan na sila ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan at huwag silang pakitunguhan ng iba. "Rovie, boyfriend mo nandito oh." Kinikilig na anunsyo ng isa sa kasamahan nila kaya napalingon silang dalawa ng kambal sa entrance ng coffee shop at pumasok nga doon si Chris ngunit may kasama itong may edad ng lalaki. Sumingkit ang mga mata ni Lorie ng mamukhaan ang lalaki at naging pamilyar na ito sa kaniya. Lumapit si Chris kay Rovie at ang kasama naman nito ay umupo sa bakanteng upuan at tumingin agad sa menu na meron sila. Tinitigan maigi ni Lorie ang lalaki at doon lang niya naalala kung saan niya ito nakita. Naalala niya ito ang dumalo sa meeting nila noong nakaraan at pinakilala sa iba nilang kasamahan. Hindi niya alam kung ano ang relasyon nito kay Chris pero tatanungin niya mamaya ang binata kapag dumalaw ito sa bahay nila ng kambal niya. Patuloy lang sa pagpunas si Lorie ng lapitan siya ni Chris. "Oh? Kailangan mo?" tanong ni Lorie sa binata. "Kasama ko hepe namin ngayon. Sasabihin ko sana sa kaniya na ikaw nalang ang gawing intel sa loob ng sindikato at tungkol sa mga plano natin." Ani nito. Mabilis na tinigil ni Lorie ang pagpupunas sa lamesa at hinarap ang binata. "Sumunod ka sakin." Untag ni Lorie at naunang pumunta sa opisina ng manager ng coffee shop. "Ano bang problema, Lorie?" curious na tanong ni Chris sa kaniya. "You said that man with you is your chief of police?" balik tanong ni Lorie sa binata. "Yea, why?" naguguluhan na si Chris kay Lorie kung ano ba ang ibig sabihin nito. "We can’t trust him," maikling sagot ni Lorie. "Huh? Why? He’s our chief, Lorie. Why we can’t trust him?” curious na tanong ni Chris sa kaniya. "Would you believe me if I tell you that he’s also part of the organization and he’s the one tipping the org for your every operations. He’s double crossing you all.” Sagot ni Lorie na hindi inaasahan ni Chris. Hindi niya alam kung ano ang irereact niya sa sinabi ni Lorie. "He's a traitor, Chris, so we can't trust him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD