Chapter 19

1328 Words
Chapter 19 Jealous sister and Un-bothered twin   Ilang minute rin naghintay si Rovie bago dumating si Chris para sunduin siya. Muntik na niya itong matext na icancel nalang ang date nila.   The audacity of this man. Asik ni Rovie sa kaniyang isipan.   Bumaba si Chris sa kaniyang kotse at mabilis na lumapit kay Rovie para magpaliwanag at humingi ng pasensya. Mukhang na rin kasi siyang iritado sa paghihintay. Mabilis na kinuha ni Chris ang kamay ni Rovie tyaka nagpaliwanag sa dalaga.   “I’m sorry if I’m late. Something came up and took most of my time.” Pagpapaliwanag ni Chris kay Rovie na seryoso lang ang mukha at parang napipilitan nalang.   “First date and you’re already late. Bawas point na iyan para sa akin,” seryosong saad ni Rovie.   “Will you reconsider it? Pwede bang palampasin mo muna pagiging late ko ngayon? Please?” may halong lambing at paawa na tanong ni Chris sa kaniya habang si Rovie naman ay napapangiwi at hindi maipinta ang mukha ng gawin iyon ng binate. Hindi kasi bagay sa kaniya dahil sobrang sagwa pakinggan.   Sumakay na sila sa kotse at tanging si Chris lang ang daldal ng daldal sa kanila. Tango at oo lang ang tanging sagot ni Rovie sa minsana’y tanong nito sa kaniya. Napansin ni Chris na taahimik at parang wala sa mood ang dalaga kaya pinabayaan nalang muna ito ni Chris.   Nakatanaw lang si Rovie sa labas ng bintana at nagpasalamat siya dahil tinigilan siya ng binata. Tanaw niya lang ang labas hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata ang kapatid sa ‘di kalayuan.   “Drive slowly,” she asked Chris to slow down from driving and her eyes was still outside looking and was fixed at her sister being with the same girl she had seen before in the coffee shop.   “Why?” nagugguluhan na tanong ni Chris.   “Basta! Drive slower,” sagot lang ni Rovie at binalik ang tingin sa labas. Nawe-weirdohan man si Chris kay Rovie ay hininaan niya ang pagpapatakbo ng kotse niya.   “What are you doing there, Lorie?” mahinang usal nito ngunit narinig naman ni Chris kaya tiningnan niya rin ang tinitingnan nito at nagulat siya ng makita ang kambal ni Rovie na si Lorie at ang anak ni Gustavo.   “Bakit sila magkasama ng anak ni Gustavo?” wala sa sariling saad naman ni Chris. Agad na napatingin si Rovie kay Chriss dahil sa sinabi nito.   “Kilala mo iyong babae na kasama ng kapatid ko?” gulat na tanong ni Rovie sa binate. Mabilis naman itong umiling sa tanong niya.   “Not personally. Kilala ko lang sila sa pangalan. Mga kilalang tao ang mga iyan dito sa Pilipinas.” Sagot ni Chris at bumalik na sa pagmamaneho ng malampasan nila ang kambal ni Rovie at anak ni Gustavo.   Napabuntong hinga naman si Rovie at sinandal ang likod niya sa upuan ng kotse. Bumalik na naman ang lungkot na nararamdaman niya kanina. Hindi siya mapakali o mapalagay kapag ganoon dahil iniisip niya ang pa rin ang kapatid lalo na at nail-link ito sa mga influential na mga tao.   “That’s deep. What’s wrong, Rovie?” pansin ni Chris na panay ang buntong hinga nito kaya tinanong na niya.   “I’m just worried for my sister. I don’t know what she’s up to and what she’s getting herself into.”   Halata ang pag-aalala sa boses nito kaya alam ni Chris na totoong nag-aalala ito sa kapatid. Ngunit isang malaking tanong ang nasa isipan ni Chris kung bakit magkasama ang dalawa. Kung magkakilala naman silang personal dapat alam at kilala ni Rovie ang anak ni Gustavo. Nahihiwagaan tuloy si Chris sa kung anong connection ni Lorie sa anak ni Gustavo. Pero atleast may bago na naman silang pagtutuonan ng pansin.   -----   Kumain lang silang dalawa sa isang fancy restaurant na hindi naman nagugustohan ni Rovie aang sini-serve nilang pagkain. Pagdating talaga sa pagkain ay pihikan siya at napakahirap niyang iplease.   “How do you like your food?” tanong ni Chris ng malapit na nilang matapos ang pagkain na kinakain.   Inilapag ni Rovie ang ginagamit na utensils at pinunasan ang bibig gamit ang table napkin. “It’s average. If you will ask me the rating? Two stars only and won’t recommend it to my friends.” Straight na sagot ni Rovie na animo’y isang food critic sa pinagsasabi nito.   Chris chuckled with what Rovie said and he starting to get amused by her. She’s so natural, simple and very honest. Hindi araw-araw na makakakilala si Chris ng babaeng katulad ni Rovie. Too bad he needs to accompany her for the sake of his mission.   “That’s a very harsh criticism.” Kumento nalang ni Chris at inubos ang pagkain niya. Ganoon din naman ang ginawa ni Rovie at maya-maya ay umalis na sila pagkatapos magbayad para manood naman ng sine.   Pagkatapos manood ng sine ay nagpahatid na pauwi si Rovie dahil nagbabakasakali siya na naroon na ang kapatid niya. Pagkarating sa subdivision nila ay hanggang sa gate lang nagpahatid si Rovie at maglalakad nalang siya papunta sa bahay nila. Nagpasalamat siya sa binate gayon din naman si Chris at may pahabol pa na magde-date pa sila sa susunod. Pumayag nalang din si Rovie at nagpaalam na sa binata.   Mabilis ang ginawang paglalakad ni Rovie at ng malapit na siya sa bahay nila ay napangiti siya ng makitang may ilaw na sa loob. Napapatakbong pumunta si Rovie sa bahay at mabilis na pumasok sa loob. Nadatnan niya ang kapatid niyang nakaupo sa sala at nanunood ng TV.   “You’re home! Kanina ka pa ba twinnie?” masaya at nakangiting tanong ni Rovie sa kapatis pagkatapos ay tumabi rito bagamat hindi siya tinapunan nito ng tingin.   “Kumain kana ba, sis? May sasabihin pala ako sayo. Papasok kana ba bukas?” sunod-sunod na tanong ni Rovie sa kambal ngunit hindi pa rin siya pinapansin nito. Lorie seems not to bother about her. Hinayaan nalang iyon ni Rovie at nagpatuloy sa pagsasalita.   “Kinausap pala ako ni manager kanina about sa pagiging absent mo, sis. Sinabi ko nalang na busy ka at may ginagawa. Humingi na rin ako ng pasensya in your behalf. Sinabi lang ni manager na kailangan niyang maging patas sa ating lahat mga empleyado.” Pahkukwento ni Rovie na inismiran ng kapatid.   “So? Edi tanggalin nila ako kung gusto nila.” Malamig na tugon ni Lorie sa kaniya. “And why are you talking to me? I thought you’re mad at me because I disrespected your friends the other day? What is this, change of heart?” sarkasmong tanong ni Lorie sa kambal na nagpalungkot kay Rovie.   Rovie admits her mistake and what she did. She knows she’s been really unfair to her twin and she regretted it. Hindi siya nakaimik dahil sa sumbat ng kapatid niya. Napayuko nalang si Rovie dahil doon. Naramdaman niya din na tumayo ang kapatid kaya nagsalita na siya.   “I’m sorry, Lorie. I know I’ve been unfair to you. You always think of me and I don’t know if I ever did the same for you,” Rovie said sadly and still her head hang low. Tears start to stream down her eyes too. Not because of what her twin sister said but because of what she saw earlier today. She’s jealous to be honest on what she saw about her sister. How she was laughing and happy with the girl she’s with earlier. Now she knows how un-bothered her sister was about her and everything that it’s hurting her.   “Wala akong panahon sa kadramahan mo, Rovie. Malaki kana naman at mukhang kaya mo na sarili mo.” Malamig pa rin ang boses ni Lorie ng sabihin niya iyon.   “Yea, I just want to say sorry for how I acted, that’s all.” Malungkot na saad ni Rovie at mas naunang nag walk-out sa kapatid. Lumabas siya ng bahay at doon nagpahangin para maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD