Chapter 20

1027 Words
Chapter 20 Separate ways and Separate lives Maagang nagising si Rovie kay Lorie kinaumagahan. Nag-order lang siya ng agahan para kay Lorie at umalis na ng bahay nila. Doon nalang kakain si Rovie sa coffee shop. Ayaw niya man iwasan ang kapatid ngunit kailangan dahil may sarili na itong buhay. Hindi na rin siya mangingialam sa mga plano nito sa buhay. Habang nagmumuni-muni kasi siya kagabi ay napagtanto niya na wala ng pakialam ang kapatid. It was clear for Rovie last night that her sister doesn't care about her anymore. It was clear as a crystal that she wants a life of her own and it's fine for Rovie, because maybe it's the start that they will have separate ways and separate lives. As long as they are staying at a same house. Kahit magkaiba na sila ng kwarto simula kagabi. Magiging panatag ang loob ni Rovie hanggat kasama niya pa rin ang kapatid sa iisang bubong. Iyon lang ang mahalaga at importante para kay Rovie. Pagkaalis ni Rovie sa apartment nila ay siya namang pag-gising ni Lorie. Narinig niya kasi ang tunog ng pagbukas ng gate kaya siya nagising. Dumungaw si Lorie sa bintana ng kaniyang kwarto at nakita niya ang kapatid na nakayukong naglalakad paalis. Napailing nalang si Lorie at nagbihis para pumasok na rin sa trabaho. Pagkatapos magbihis ay bumaba na si Lorie at nakita niya ang pagkain na nakahanda sa lamesa. Nilapitan nita ito at nakitang hindi pa nababawasan ang pagkain. Nakita rin ni Lorie na ang pagkain ay mula sa isa sa paborito niyang restaurant. Napabunting hinga nalang si Lorie at umupo sa hapag at sinimulang kainin ang pagkain. Mabilis lang ang ginawang pagkain ni Lorie dahil malelate na siya sa trabaho. Sinigurado muna ni Lorie na nakasarado ng maigi ang bahay tyaka siya umalis papuntang trabaho. Gagamitin sana niya ang motor niya ngunit naisipan ni Lorie na magco-commute nalang muna siya. Akala ni Lorie na madadatnan niya pa ang kapatid sa sakayan o babaan ng sasakyan ngunit wala na ito doon. Mukhang nakasakay na ito o 'di kaya nagtaxi ito papuntang trabaho. Pinara ni Lorie ang jeep na dumaan sa harapan niya at doon siya sumakay. Umupo lang siya sa pinakadulo para mabilis siyang makababa maya-maya. Tumingin si Lorie sa bintana at pinakiramdaman ang hangin. Naipikit niya pa ang mga mata niya dahil doon. Inaantok pa rin kasi siya pero kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil baka nga matanggal na siya. Hindi pa naman siya nagpapaalam at basta-basta nalang siyang nag-absent. Idinilat na ni Lorie ang kaniyang mga mata dahil nakabawi na siya sa pagkaantok. Nahagip ng kaniyang mga mata ang isang babaeng mahina na naglalakad sa gilid. Kumunot ang noo niya at pinasingkit ang mga mata para maaninag kung sino ang naglalakad. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa mapagtanto niya na ang kapatid niya ito. Nakita niya ang lungkot sa mukha nito habang naglalakad hanggang sa malampasan ito ng jeep. Nagi-guilty na napabuga nalang si Lorie ng hangin. Bagamat isinan tabi niya ang isipin na iyon at nagkunwari na wala siyang nakita kahit sa kalooban niya alam niyang nag-aalala siya para sa kapatid niya. ----- Maagang pumasok si Chris sa opisina nila at nagpunta siya kaagad sa mismong opisina rin ni Alexis para ipagbigay alam ang nakita niya noong isang araw tungkol sa kambal ni Rovie. Tiyak kasi ni Chris na magiging interesado ang kaibigan at alam niyang gagawa ito kaagad ng hakbang kapag sinabi niya ang tungkol sa bagay na iyon. Pasipol-sipol at nakapamulsang naglalakad si Chris patungo sa opisina ni Alexis ngunit nakita niya ang hepe nila kaya mabilis siyang umiwas patungo sa ibang direksyon bagamat nakita na siya nito. Nakagat niya nalang ang kaniyang labi ng tawagin siya ng kanilang hepe. "Agent Chris, I'm glad you are here. Follow me in my office," ani ng kanilang hepe kaya wala ng nagawa si Chris kundi ang sumunod sa hepe nila. Pagkapasok sa loob ng opisina, hindi pa man siya nakakaupo ay nagsalita na ang hepe. "I have an assignment for you, agent. You have an order to keep an eye on agent Clavius and report to me." "What? Is this a joke, chief?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Chris sinabi ng hepe nila. "Unfortunately, it's not a joke, agent." Walang pakialam na sagot ng hepe nila. "Why, chief? May nagawa ba si Agent Clavius?" tanong muli ni Chris ngunit isang masamang tingin ang ipinukol ng hepe sa kaniya. "Just do as what you are ordered to do, agent. No more questions." Galit na saad nito. Wala ng ibang nagawa si Chris kundi sumang-ayon hepe nila. ----- Habang nasa trabaho sila Lorie ay hindi niya mapigilan ang hindi mapalingon sa kapatid niya. Abala ito sa trabaho at ni hindi man nga lang makatingin sa kaniya. Mukhang wala itong pakialam sa presensya niya. Hindi alintana ni Lorie ang mabilis na pag lipas ng oras lalo na at sobrang busy nila ngayong araw. Iniiwasan din siya ni Rovie na hindi na big deal sa kaniya. Hinahayaan niya nalang din ito at paminsan minsan ay umiiwas din naman siya. This will be the first time that they will be having a fight and not approaching each other. Never in their life that they fought over pointless things not until recently. Their emotions were all over the place in the past few days. Si Lorie ang tipo ng tao na sobrang taas ng pride. Hindi siya ang unang nagso-sorry kahit na minsan siya ang may mali. Isa iyon sa bad trait niya. Masyadong mataas ang pride niya para humingi ng tawad at umapproach sa kapatid. Nagpatuloy lang sa pagtatrabaho si Lorie at napansin niyang lumabas ang kambal kaya sinundan niya ito. Nakita niyang lumapit ito sa isang lalaki at nag-uusap silang dalawa. Kumunot ang noo ni Lorie dahil sa nakita. Mukhang nagkakamabutihan ang mga ito. Hindi napansin ni Lorie na naikuyom na pala niya ang mga kamay ay bumalik nalang sa loob ng coffee shop. Ayaw niya ng manghimasok at mangialam sa buhay ng kambal niya. Ayaw na niya itong diktahan o pagsabihan pa. Alam niyang may sarili itong isip at malaki na ito. Hahayaan niya nalang ang kapatid kung saan ito masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD