Chapter 24

1178 Words
Chapter 24 Unintentional desire   Narinig ni Rovie ang pagsara ng pinto sa kwarto niya. Hindi man lang siya lumingon para tingnan ang kapatid. Kanina pa siya gising nang makarinig siya ng ingay at ugong ng sasakyan sa labas ng bahay nila. Sinilip pa kanina ni Rovie sa binatana niya ang sasakyan at nakita ang itim na van na nakaparada sa labas. Kahit madilim sa labas alam ni Rovie na itim ang kulay ng van.   Mabilis na tumayo si Rovie sa kama niya pagkatapos isarado ni Lorie ang pinto at lumabas ito ng bahay. Sumilip muli si Rovie sa bintana niya at nakitang umandar na paalis ang van. Sinarado ni Rovie ang kurtina at bumalik siya sa pagkakahiga sa kama niya. Gusto niyang bumalik sa pagtutulog kaya ipinikit ni Rovie muli ang mga mata at natulog.   Nang magising muli si Rovie ay alas diyes na ng umaga. Kumakalam na rin ang sikmura niya dahil sa gutom na nararamdaman. Umalis si Rovie sa kama niya at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina at humanap ng pwede niyang makain. Gutom na kasi siya para magluto pa. Mabuti nalang din at rest day nila ngayon kaya walang problema kung matulog siya buong araw.   Nakakita ng tinapay at sandwhich spread si Rovie sa kusina kaya iyon nalang ang kinain niya. Tumingin din siya sa refrigerator kung meron pa bang fresh milk at mabuti nalang meron pang dalawa na hindi nabubuksan. Kinuha niya ang fresh milk mula sa ref at kumuha rin siya ng baso para doon isalang ang gatas. Ininom ni Rovie ang gatas at kinain ang simpleng sandwhich na ginawa niya.   Kinain at tinapos lang ni Rovie ang pagkain niya sa kusina at nagpunta siyang sala para manunood ng Netflix. Naalala niya kasi na may series sa Netflix na siyang napanood niya pero hindi niya naman natapos kaya itutuloy niya ang panunood. Ang title ng series ay “The 100” kung saan tumatalakay sa buhay ng mga taong nasa kalawakan matapos masira ang mundo ng mga nuclear bombs at tumaas ang radiation sa naturang mundo. Pinadala ang 100 na mga dalaga’t binata pabalik sa Earth upang alamin kung ito ba ay survivable na ulit at pwede ng tirahan muli. Sa sobrang ganda ng series ay hooked na hooked si Rovie sa panunood.   Habang abala sa panunood ay biglang tumunog ang cellphone ni Rovie at tumatawag sa kaniya si Samuel na nagpairap sa kaniya.   “Ano na naman ang kailangan ng lalaking ‘to?” naiinis na untag ni Rovie sa sarili at hindi pinansin ang tawag hanggang sa maputol ito. Nanood nalang muli si Rovie sa pinapanood niya bagamat tumunog naman ulit ang cellphone niya at pangalan na naman ni Chris ang lumitaw sa screen.   Napapairap na kinuha ni Rovie angg cellphone at sinagot ang tawag nito. “Hello,” she answered the call with her most uninterested voice.   “Hi! Are you free today?” Chris on the phone asked her.   “Not really. Why?” tanong pabalik ni Rovie sa binata.   “Just asking. I’m wondering if I could ask you for a date again. I want to see you,” he said from the other line.   Lihim na kinilig si Rovie sa sinabi ng binate. Alam niya naman na binobola at pinagtitripan lang siya ng binata pero hindi pa rin mapigilin ang kiligin sa mga sinabi nito. Huling-huli ng binata ang kiliti niya na alam ni Rovie na pwedeng ikapahamak niya kapag nagpatuloy pa ito.   “I’m sorry. Got important things to do, so I can’t get out yet.” Pagsisinungaling ni Rovie sa binata. Sinandya niya talaga ang tanggihan ito dahil ayaw niyang makasama muna ngayon ang binata.   “Can I at least treat you to dinner?” pagpupumilit ng ni Chris sa kaniya na nagpabuntong hinga kay Rovie.   “Okay. Pick me up later at 6:00 in the evening. Kapag late kana naman, ewan ko lang sayo.” Paalala ni Rovie sa kasalanan nito at binabaan ito ng telepono.   Hinawakan ni Rovie ang magkabilang pisngi dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang mga ito. Pinagsasampal niya ang kaniyang mga pisngi at parang baliw na ngumiti mag-isa dahil sa kilig. Oo, aaminin niya na kinikilig siya at gusto niya ang kung ano mang nararamdaman niya pero alam din niyang hindi tama. Hanggat maaari ay pipigilan niya ang sarili niya hanggang sa malaman niya ang totoong motibo nito sa kaniya.   Pinagpatuloy nalang ni Rovie ang panunood at mamaya na siya mag-aayos kapag malapit na mag alas sais. Gusto niya munang manood at humilata sa sofa nila hanggat maaari’t kaya niya. Naistorbo pa siya sa tawag ni Samuel kaya kinailangan niyang ibalik sa part kung saan siya natigil sa panunood.   -----   Alas dos pa lang ng hapon ay nakahanda na si Chris at nakapagbihis na. Hindi naman halata na masyado siyang excited sa magiging date na naman nila Rovie. Oo na, siya na excited at sobrang aga. Ayaw niya na kasi malate ulit lalo na aat pinaalala na naman ng dalaga sa kaniya ang nangyari noong nakaraan. Wala naman talaga sa plano niya ang ayain si Rovie na magdate o lumabas silang dalawa. Hindi niya nga rin alam kung ano ba pumasok sa isipan niya at bigla niya nalang itong tinawagan. Para bang may sariling mga isip ang mga daliri niya at gumagalaw ang mga ito ng sakanila lang.   Panaka-nakang tinitingnan ni Chris ang pambisig na relo at hindi mapakali. Ewan niya ba kung bakit hindi siya mapakali. He felt so agitated and excited at the same time. He never felt that kind of rush and excitement in his entire life. Sabihan na siyang sinungaling pero wala pa talaga siyang nararamdaman na ganoong feeling until recently when he met Rovie. Parang gusto niya nalang totohanin ang panliligaw at panunuyo niya sa dalaga.   Wait, did he just really thought about that? Did he just admit his unintentional desire for Rovie?   Mabilis na iniling ni Chris ang ulo at pinakiramdaman ang puso niya. Habang iniisip niya si Rovie ay lumalakas ang kabog ng puso niya. Totoo ba na nahuhulog na talaga siya sa dalaga? Hindi niya malaman o mawari ang katotohanan sa nararamdaman bagamat alam niyang may balakid kapag pinagpatuloy niya ang kahibangan niya.   Nang mag alas singko y medya na ng hapon ay nakaabang na si Chris sa labas ng gate ng subdivision na tinitirhan nila Rovie at natext na rin niya ang dalaga nasa gate na siya nag hihintay. Nakapamulsang nakasandal lang si Chris sa gilid ng kotse niya habang hinihintay si Rovie. Nakasuot lang siya ng blue denim pants at floral na polo para sa magiging date nila. Simple at casual lang ang datingan niya ngayon.   Sa ‘di kalayuan tanaw na niya si Rovie at natameme nalang si Chris pagkakita sa dalaga. Nakasuot ito ng floral dress at nag-ayos ng kaunti. Nakalugay ang mahaba at maalon nitong buhok na nagpalitaw sa hulma ng mukha nito. Sobrang ganda nito sa simpleng ayos lang at nararamdaman ni Chris ang bilis ng t***k ng puso niya.   Chris, you’re whipped. Untag niya sa kaniyang isipan habang nakatitig pa rin kay Rovie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD