Chapter 23

1186 Words
Chapter 23 Going back to Japan   “What? Hindi mo man lang muna ako tinanong kung papayag ba ako o hindi!” galit na singhal ni Lorie kay Aliyah matapos nitong sabihin kung saan sila pupunta. Nagitla naman si Aliyah sa biglaang pagtaas ng boses ni Lorie ngunit agad din naman nakabawi sa biglaang pagkagulat. Malamig na tingin ang ipinukol niya kay Lorie at ginamit ang pinakadominante niyangs boses.   “Naiintindihan kong galit ka pero huwag mong kakalimutan ang lugar mo, Lorie. Nasa poder kita at hawak ko ang buhay mo at buhay ng kapatid mo kaya umayos-ayos ka sa pananalita at tono mo. Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo.” Malamig na untag ni Aliyah at iniwan doon si Lorie.   Ayaw sanang gumamit ng dahas ni Aliyah hanggat sa makakaya niya pero nauubusan din siya ng pasensya. Gusto niya makipagkaibigan kay Lorie pero hindi naman siya papayag na tratuhin siya nito ng bastaa nalang. Hindi niya ipagpipilitan at ipagsisiksikan ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kaniya. Ganoon lang kasimple iyon.   Naiwan naman si Lorie na napabuntong hinga at hindi alam kung ano ang gagawin niya. Hindi pa siya handang bumalik sa Japan lalo na at hindi niya pa alam kung ano ang nangyari sa magulang nila. Wala pa siyang alam at hindi pa siya nakakakuhang impormasyon. Tyaka isa sa inaalala niya ay maiiwan niya ang kapatid mag-isa sa Pilipinas at baka mapaano ito kung iiwanan niya itong mag-isa.   Wala na rin naman magagawa si Lorie dahil alam na niya na hindi siya titigilan o tatantanan ni Gustavo at anak nito para sumama siya. Hindi niya alam ngunit sa rinami-rami ng pwede nilang isama bakit siya pa? At bakit sa lugaar pa kung saan pilitt nilang iniiwasan at nilalayuan? Handa na ba si Lorie bumalik sa lugar na pilit nilang kinakalimutan?   -----   Hindi makapaniwala si Alexis na natakasan siya ni Lorie. Alam niya na kasalanan niya kung bakit siya nahalata at nalaman kaagad nito na sinusundan niya ang dalaga. Pero bilib siya dahil ang bilis nito makiramdam at makapansin sa mga bagay-bagay. Alam ni Alexis na simula pa lang ay may kakaiba na sa kambal ng makilala niya ang mga ito, lalo na si Lorie na sobrang misteryoso at hindi niya mabasa ang iniisip o reaksyon nito kapag kausap niya ito.   Kaharap na naman muli ni Alexis ang kaniyang laptop dahil naghahanap na naman siya ng impormasyon tungkol sa kambal ngunit wala talaga siyang mahanap sa internet. Nadatnan siya ni Yangli sa opisina niya na kinakalikot ang laptop niya. Tiningnan langg ito saglit ni Alexis at bumalik siya sa pagkalikot ng laptop niya.   “Abalang-abala ka ngayon brother ah? New mission?” puna ni Yang sa kaniya at sumilip sa ginagawa niya. Hindi naman tinakpan ni Alexis ang laptop niya at hinayaan ang kaibigan na makita ang ginagawa niya.   “Seryoso ba talaga kayo ni Manong Chris sa ginagawa niyong pag-imbestiga sa kambal, brother?” hindi makapaniwala at natatawang tanong ni Yangli sa kaniya.   Tumango si Alexis at nagpatuloy sa pagpindot sa laptop niya. Hindi alintana na nasa likuran niya lang si Yangli at nanunood sa ginagawa niya. Bagamat umulis din ito at naupo sa maliit na couch niya. Pumasok din maya-maya si Chris na may dalang pagkain.   “Nandito kana pala, Yang. Tatawagan pa lang sana kita.” Ani Chris ng mapansin si Yangli na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.   Nilapag ni Yang ang binabasa niyang magazine at tiningnan ang pagkain na kakalagay lang sa mini table.   “Siyempre naman malakas kaya senses ko pagdating sa pagkain.” Tugon ni Yang at nilantak ang sushi rolls na una niyang nakita sa supot ng pagkain.   Natawa si Chris at ginulo ang buhok ni Yangli. Hindi naman ito umangal dahil sa may kinakain nga ito at mas mahalaga ang paagkain kaysa sa ibang mga bagay. Kaya masayang nilalantakan ni Yang ang sushi at halos kuhanin na niya ang isang box. Lumapit si Chris kay Alexis at sinilip ang ginagawa nito.   “Wala pa rin ba?” tanong ni Chris sa kaibigan at umalis sa likuran nito at umupo sa upuan sa harapan ng office desk.   Nakita niyang umiling ang kaibigan. “I’m still trying to access every program and data base there is to check for their profile, but there isn’t anything that shows their credentials or even basic information about them.” Mahabang sagot ni Alexis sa tanong ni Chris.   “Try foreign data base, bro.” kumakain na singit ni Yangli at para bang balewala lang ditto ang sinabi.   Nagkatinginan sina Alexis at Chris sa sinabi ni Yang. “Oo nga, tol. Kung wala kang makuhang impormasyon tungkol sa dalawa rito sa local maaaring meron sila sa international. Pero napakaweird naman kung nandito sila tapos wala silang record.” Usal ni Chris na nagtataka rin kung bakit ganoon.   “Baka hindi talaga sila Filipino citizen kaya wala silang details. Maybe they’re immigrant, we wouldn’t know.” Singit na naman ni Yangli habang panay pa rin ang kain.   Possible rin ang sinabi nito kaya walang makuha na impormasyon si Alexis tungkol sa kambal. It makes sense now. Pinaliban na muna ni Alexis ang paghahanap ng impormasyon sa kambal na magkapatid at nagsalo silang tatlo sa pagkain na binili ni Chris. Kaunting kwentuhan at maraming kulitan ang nangyari sa loob ng opisina ni Alexis. Kapag talaga nagsama ang dalawa naa sina Chris at Yangli, aasahan na magiging magulo ang lahat.   -----   Kakauwi lang ni Lorie at ang kapatid niya kaagad ang una niyang hinanap. Sinilip niya ang guest room at naroon ang kapatidd niya na natutulog naa. Gusto niya sanang ipaalam na aalis siya mamayang madaling araw dahil nga sa pupunta sila sa Japan kasama sila Gustavo. Pero ayaw niya naman na gisingin ang kapatid mula sa mahimbing na tulog nito. Sinarado nalang ni Lorie ang pinto ng guest room at nagpunta sa kwarto niya para mag-impake.   Kumuha lang si Lorie ng ‘di gaano kalaking backpack at naglagay ng kaunting damit at mga undergarments na gagamitin niya doon. Nilagay niya rin ang dalawang pistol na inipit niya sa gittna ng mga damit niya. Kailangan niya pa rin maging handa kahit na provided siya ng organisasyon. Nagsulat nalang din siya ng note para mabasa ng kapatid. Tyaka nalang niya kakausapin ng masinsinan ang kapatid paagkauwi niya.   Nang mag alas tres na ng madaling araw ay handa na si Lorie. Sinuot niya ang mascara niya ng marinig ang sasakyan sa labas ng bahay. Kinuha ni Lorie ang backpack niya at lumabas sa kwarto niya. Sumilip siya muli sa kwarto ni Rovie at tulog pa rin ito.   “Goodbye for now, Rovie.” Usal ni Lorie at tuluyan na ngang umalis. Hindi alam ni Lorie kung ano ang gagawin nila sa Japan. Basta nalang siyang sasama at bahala na kung ano ang mangyari roon pagdating nila.   Pagkasakay nila sa Eroplano ay bigla nalang kumalabog ang dibdib ni Lorie at hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng kaba lalo na ng umandar na ang eroplano.   Japan, I’m coming back. Untag ni Lorie sa kaniyang isipan at pinikit ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD