Chapter 22

1185 Words
Chapter 22   Trouble with a Twin   Pinapapunta na naman si Lorie ng anak ni Gustavo sa headquarters nila dahil may ipapagawa na naman daw ito sa kaniya. Nakatanggap kasi siya ng isang note mula sa isang customer na alam naman niyang kasapi sa grupo nila Gustavo. Walang ibang nagawa si Lorie kung hindi ang pumunta at magpaalam sa manager nila. Nagdududang tingin ang iginawad sa kaniya ng manager bago siya pinayagan makaalis. Pinalitan ni Lorie ang pantrabaho niyang damit sa regular na damit at tyaka siya umalis. Bago siya umalis ay dumaan muna siya sa opisina ng manager para suriin ang kapatid. Sumilip siya sa pinto at nakitang natutulog ito at nagpapahinga. Tinawag din ni Lorie ang kasamahan na si Susan para may ibilin.   “Painom mo ito kay Rovie mamaya pagkagising niya ha? Maraming salamat, Susan.” Ani Lorie at ibinigay ang gamot ng kapatid kay Susan.   “Sige, Lor. Ako na ang bahala na magpa-inom niyan sa kaniya. May lakad ka o nautusan ka ni Sir?” tanong ni Susan sa kaniya at kinuha ang gamot sa kamay niya.   “May lalakarin lang importante.” Tanging sagot ni Lorie at nagpaalam na sa kasama. Pinaalala niya rin na bantayan at alagaan nito muna ang kapatid niya.   Umalis si Lorie at pumara ng taxi para siyang sasakyan papunta sa headquarters nila. Binigay niya sa driver ang address at sumandal din siya sa upuan para ipikit ang kaniyang mga mata. Naiistress si Lorie sa lahat ng bagay na dapat pagtuonan niya ng pansin. Hindi niya alam kung tama ba ang pinasukan niya. Ilang araw na siya sa grupo nila Gustavo at hindi sya mang-mang para hindi mapagtanto na illegal ang mga ginagawa nila. Simula pa lang alam na niya at may pakiramdam na siya na hindi maganda ang papasukin niya. Ngunit hindi niya naman kayang pabayaan ang kambal na mapahamak dahil lang sa nagawa niyang pagligtas sa anak ni Gustavo.   Nakapikit lang ang mga mata ni Lorie ng bigla siyang tinawag ng driver.   “Ano po iyon manong?” dinilat ang mata na tanong ni Lorie.   “May sumusunod po sa ‘tin ma’am. Kanina pa iyan nakabuntot. Sinusubukan kong ilihis ng daan pero nakasunod pa rin.” Tugon ni manong driver at nagfocus sa pagmamaneho.   Lumingon si Lorie sa likod ng taxi at nakita niya nga ang isang tinted car na sumusunod sa kanila. Binalik ni Lorie ang tingin sa driver at tinanong naman kaagad ito.   “May alam ka po bang pwede kong babaan, manong? Isang mall o tindahan na malapit lang?” tanong ni Lorie sa matanda.   “Meron sa malapit isang department store hija. Pwede kitang ihinto roon,” sagot naman ng matanda.   “Sige ho, manong. Doon mo nalang po ako ibaba po.” Magalang na saad ni Lorie.   Binilisan ng matanda ang pagpapatakbo at itinigil sa pinakamalapit na department store. Mabilis na bumaba at nagpasalamat si Lorie pagkatapos niyang magbayad at nagkunwaring nagmamadaling pumasok sa loob ng department store.   Nang makapasok siya sa loob ay mabilis na nagtago si Lorie sa counter na ikinagulat ng cashier at mga staff. “Huwag kayong maingay. May stalker na humahabol sa ‘kin.” Palusot ni Lorie at siniksik ang sarili sa counter. Nagtago pa siya ng mabuti ng tumunog ang pinto ng store. Mabuti nalang at tinakpan siya ng babaeng cashier sa ilalim.   “Good afternoon, sir. Welcome to La Bella po. What can we do for you?” narinig ni Lorie na binati ng isang sales lady ang pumasok ngunit walang narinig na sagot si Lorie mula sa taong pumasok at nakarinig siya muli ng pagtunog ng pinto.   Maaya-maya rin ay lumabas na si Lorie at nagpasalamat sa lahat ng staff na naroon. “Naku ma’am, kung ganoon ba naman maging stalker ko go-gora na po ako. Sobrang gwapo!” ipit ang boses ng isang sales lady na animo’y gusting tumili dahil sa kilig.   Napailing nalang si Lorie at nagtanong kung may telepono ba sila at kung pwede ba siyang makitawag sandali. Tinawagan niya ang si Aliyah upang ipaaalam na matatagalan siya sandal dahil may nagmamanman sa kaniya. Hindi man sigurado si Lorie kung sino at sinusundan nga ba siya pero kailangan niyang mag-ingat. Hindi lang ang grupo ni Gustavo ang maipapahamak niya kung hindi pati na rin ang sarili niya at ang kapatid. Madadamay at madadamay silang dalawa kapag nalaman ng mga owtoridad ang tungkol sa grupo na kinabibilangan niya.   -----   Dumating si Lorie sa headquarters pasado alas dos na ng hapon. Kinailangan niya pa ang bumili ng bagong damit at sombrero para magdisguise. Hindi rin siya lumabas sa harap ng Department Store at doon siya lumusot sa likuran kung saan pwede siyang makaalis. Mabuti nalang din at sakto lang sa tao ang pwedeng daanan sa likuran. Medyo nahirapan ng kaunti si Lorie pero kinaya niya naman att nakaalis siya sa lugar.   “Mabuti naman at nandito kana. Kanina ka pa namin hinihintay nila dad. May bago na naman tayong operation.” Salubong ni Aliyah sa kaniya na para bang nag-aalala ito sa kaniya. Binigay din ni Aliyah ang mascara niya para matakpan ang mukha at mapanatiling pribado ang identity ni Lorie.   “Pasensya na. Hindi kasi ako sigurado sa kung sino ang sumusunod sakin. Kailangan kong mag-ingat.” Malamig na paliwanag ni Lorie kay Aliyah na kinuha ang maskara at nauna na pumasok sa kwarto kung saan gaganapin ang pag mi-meeting nila.   Naroon na sa loob ang ama ni Aliyah, iilan sa mga pinagkakatiwalaan nito at isang lalaki na ngayon lang nakita ni Lorie. Magkatabing umupo sina Lorie at Aliyah sa dalawang bakanteng upuan.   “I think, everyone is here already. Let’s get on with the discussion,” panimula ng planner at pinakita sa projector ang powerpoint presentation nito. Nakikinig lang silang lahat sa mga pinagsasabi ng planner at kung ano na ang progress ng organisasyon.   Pagkatapos ng naturang diskusyon ay bumalik ang planner sa upuan niya at si Gustavo naman ang tumayo.   “I have out of a country trip. I need three personal bodyguards to assist and accompany me going there.” Usal ni Romano Gustavo at tiningnan sila isa-isa. Kaniya-kaniyang nag taasan ng kamay ang mga kalalakihan at tanging si Lorie lang ang hindi at ang bagong lalaki na may kaedaran na rin pareho ni Romano.   “What about you, girl in a mask?” pagpansin ni Romano kay Lorie. Hindi alam ni Lorie ang isasagot dahil wala naman siyang balak sumama.   “She’s with me, dad. I’m coming with you remember?” singit ni Aliyah na agad naman nilingon ni Lorie. Sinenyasan lang siya ni Aliyah ng huwag mag-aalala at ito na ang bahala.   Hindi naman pinu-problema ni Lorie ang pag-alis sapagkat mas maganda nga iyon dahil makakapunta na siya sa ibang lugar. Ngunit ang inaalala niya ay kung paano siya makakaalis at makakalabas ng bansa gayong maiiwan niya ang kapatid niya.   “That’s good then.” Ani Romano at nagpatuloy sa pagsasalita.   Hindi na nakapag-react pa si Lorie at hinayaan nalang ang mga ito. Ngunit ang hindi niya alam ay mapupunta na naman siya sa lugar kung saan pilitt nilang nilalayuan at tinatakasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD