Nang papunta ako sa garden ay kitang kita ko na may kung anong nililikot si Allen sa cellphone ko. Napakunot ang noo ko dahil sa totoo lang ay ayokong pinapakialaman ang gamit ko kahit pa sabihin niyang bigay niya sa ‘kin ‘yan. Lumapit ako sa kinatatayuan niya at aktong kukunin ang cellphone ko ng iniwas niya ito bigla. “So, you keep texting him, Rebecca? Akala ko ba ay hindi mo priority ang pakikipagrelasyon but the way you texted him is like you keep on entertaining him?!” galit na sigaw nito at nilingon ko ang paligid namin. Kaasar! Baka may makarinig sa ‘min at iisipin pang may kung anong relasyon kami ng amo ko. Hindi ko alam pero sa tuwing kasama ko si Allen sa ganitong sitwasyon ay talagang naguguilty ako. Sino bang gusto makarelasyon ang amo nila? People perspective really matters

