CHAPTER 9

1876 Words
** BECCA’s POINT OF VIEW ** Hindi pa rin ako maka-get over sa napag-usapan na ‘min ni Mrs. Fuentabella kagabi. “Please be with my son, Becca. You’re a good influence to him.” Paulit-ulit sa utak ko ang linyang ‘yun. Halos hindi pa nga ako pinatulog dahil sa sinabi sa ‘kin ni Ma’am Jenny kagabi. Kailangan ko pang bumangon ng maaga para lang maghanda sa klase ko. “Hop in.” hindi na ako tumanggi at sumakay sa kotse ni Allen. “Thanks.” Antok na antok na sagot ko saka humikab. Sinulyapan ko si Allen nang mapansin kong hindi niya pinaandar ang kotse. “Hindi ka ba nakatulog ng maayos? What happened last night –” bigla ko tuloy naalala ang huling pagkikita na ‘min bago ako bumalik sa kwarto ko kagabi. Nakita ko kasi siya kagabi sa harap ng pool at seryosong-seryoso ang mukha niya at halatang malalim ang iniisip. Sakto namang hindi ako makatulog kaya pumunta ako malapit sa pool ngunit nang makita ko siya ay agad akong tumalikod para umalis nang bigla niya akong tinawag. Well, we stayed for a while and I got emotional. I thought he didn’t notice that I was crying the whole night or . . . he doesn’t care at all? Hinayaan niya lang kasi akong umiyak kagabi. Hindi niya ako tinanong o kinausap. Nanatili lang siyang tahimik malayo sa kinauupuan ko. Pagkatapos non ay nauna akong pumasok sa loob ng mansion saka bumalik sa kwarto ko. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako. “Wala ‘yun, Sir – I mean, Allen.” Napayuko ako saka nilaro ang mga daliri ko. Last night, I remembered my mom. Memories from our past was hunting me. But I won’t give anything to him. Sinulyapan kong muli si Allen sa tabi ko. Hindi ko ugaling mag share tungkol sa buhay ko lalo na sa kahinaan ko. “Really. I’m fine.” Dugtong ko. Pinaandar niya ang kotse niya saka kami sabay na pumunta sa school. Nang marating na ‘min ang University ay agad akong nagpaalam sa kanya. Hindi na kami nag-usap at dumeretso na ako sa klase. “Hey, Becca!” salubong sa ‘kin ni Ethan. Halata naman sa mukha niyang natutuwa siya nang makita ako. Kanina niya pa ba ako hinihintay? May kasama siyang dalawang lalaki kaya ngumiti at bumati rin ako sa kanila. “So, this is Becca?” tanong ng isang blonde ang buhok. Matangkad rin ito tulad ni Ethan kaya paniguradong basketball player din ang isang to. Tiningnan ko ang isa pang kasama nito na may blonde na pula ang buhok nito. What’s with the hair color? “Yes. Becca, meet my friends, this is Zach,” turo niya sa isang blonde ang buhok. “And this is Warren.” Sabay turo niya sa isang pula rin ang buhok. “They are my friends since high school. Wala sila kahapon pero dito rin sila nag-aaral.” “Classmates ba na ‘tin sila?” “Nope!” sagot ni Ethan saka naglakad papunta sa tabi ko kaya kaharap na ‘ming dalawa ang mga kaibigan niya na parang tangang nakangiti sa ‘min. What’s wrong with these people? “They came from different Department. Sa General Surgery sila at napadaan lang sila rito.” “Nice meeting you.” Saka nakipagkamay sa ‘kin si Warren kasunod naman si Zack. “Nice meeting you, too.” Nag-usap lang silang tatlo habang ako naman ay kunwareng interesado at panay ngiti sa kanila pero ang totoo ay lumilipad na naman ang isip ko tungkol sa napag-usapan na ‘min ni Ma’am Jenny. Ethan was Allen’s bestfriend kaya for sure kaibigan niya rin itong si Warren at Zach. “Eh, ikaw Becca?” bumalik ang atensyon ko sa kanilang tatlo na ngayon ay nakatingin na sa direksyon ko. “Ha? Ano ‘yun?” natawa si Ethan kaya lumapit siya sa ‘kin at umupo sa upuan niya. “We are asking if what club are you joining.” Ani nito. “Club?” napaisip naman ako. Nakiusap sa ‘kin si Ma’am Jenny na tulungan ko ang anak nila na bumalik sa pagiging normal nito. Hindi pa ba siya normal sa lagay niya? Wala naman akong nakitang mali kay sir Allen maliban sa pagiging babaero niya. Hindi ko rin siya masyadong kilala kaya wala akong nakikitang mali sa kanya tulad ng nakikita ko ngayon. So, it’s better if I know someone who knew him better. Tiningnan ko ulit si Ethan, “Anong club ba ang sasalihan mo?” Napatitig silang tatlo sa ‘kin. Nakita ko pang napalunok si Ethan sa tanong ko habang ang dalawang kasama niya ay nagkatinginan saka ngumiti nang pilyo sa ‘min. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon nila. “Music.” Tipid na sagot nito kaya tumango ako saka nag-isip. “Then, maybe I can join music and cheer dancing.” Ngumiti ako saka umupo sa upuan ko saka inayos ang gamit ko. I heard them chuckled but I didn’t bother them anymore, then I opened my notes. Narinig ko na lang na nagpaalam na si Warren at Zach kaya ngumiti lang ako sa kanila bago sila umalis. “Hey? Bakit nga ba namamaga ang mata mo?” tanong ni Ethan kaya nilingon ko siya sa tabi ko. Namamaga ba? Hindi ko na kasi nagawang tingnan ang sarili ko sa salamin bago umalis. Hindi rin ako ‘yung tipong nagmemake-up sa harap ng salamin bago pumasok. Okay na ako sa itsura ko kaya siguro napaisip tong katabi ko kung anong nangyari sa mukha ko. “Ah, wala to.” Then he shrugged. My few days in the University was not quiet as I expected. I received glares and threats from other department. Well, sino nga bang hindi mabu-bully if the famous Allen and Ethan was keep pestering me?! Si Allen palagi ako inuutasan ng kahit ano. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay gayong alam niya namang maraming babae ang nakabalibot sa kanya? Bakit hindi na lang sila ang kulitin at buwisitin niya? Isa pa tong si Ethan na panay ang pa-cute sa ‘kin. Akala tuloy ng iba ay pinupormahan niya ako. Oh, please! I came to school to study at hindi para makipaglandian at magsayang ng oras sa hindi maipaliwanag ng siyensyang kalandian lang naman ang alam. “Look at her.” Nakatayo ako sa harap ng locker ko nang marinig ko na naman ang bulong-bulungan nila sa likod ko. Talagang nasanay na ako sa kanila dahil halos araw-araw ba naman nila akong pag-usapan at pinaparinggan ay paniguradong mai-immuned ka talaga. “I heard she’s not that rich. Hindi ko nga alam kung talagang plano niyang angkinin ang atensyon ng isang Fuentabella at isang Montemayor. How hypocrite!” Tulad ng lagi kong ginagawa ay dinadaanan ko lang sila at hindi ko na lang sila pinapansin. Wala rin naman magbabago dahil patulan ko man sila o hindi ay talagang hindi nila ako titigilan hanggang nasa likod ko ang dalawang ‘yun. Speaking of Allen and Ethan, heto na naman ang dalawa at para bang nagpapa-ulan ng bala gamit ang mga mata nila. “Stop it, Ethan.” I whispered. “Why? Inutusan ka rin ba niyang pigilan ako?” I rolled my eyes. Kakapasok lang na ‘min sa canteen and as usual ay kasama ko na naman si Ethan. Ewan ko ba sa lalaking ‘to at sa ‘kin siya madalas sumabay. Sinabi niya sa ‘kin na mas mabuti pa daw kasabay ang stranger kaysa sa mga kilala niya rito sa school. I don’t know about his own issue dahil sa totoo lang ay wala akong panahon para problemahin ang problema nila. I have to study to have a good grades. Nakakahiya naman sa mga Fuentabella kung mababa ang grades ko dahil lang sa nakikipaglandian ako sa sinasabi nitong katabi ko na ‘stranger’. Psh! “Bakit niya naman ako uutusan?” tanong ko pabalik sa kanya. Actually, wala naman talagang sinabi si Allen sa ‘kin tungkol kay Ethan. He asked me once about Ethan but that’s all. Hindi niya na ako tinanong tungkol sa kanya at sinimulan niya na akong buwesitin. Talent niya yatang buwisitin ako araw-araw. In fairness, effortless na nga eh. “I don’t know.” He shrugged saka kami umupo sa pinakadulo. Mula rito sa ay makikita na ‘min ang nasa labas since glass rin naman ang nakapalibot sa buong canteen. Sakto namang nakita ko Allen na papasok ng canteen. I never mention to anyone about sa pagiging yaya ko sa mansion ng mga Fuentabella. Again, hindi ko ugaling ichismis ang sarili ko. “Maybe he’s your cousin?” hindi siguradong tanong niya. Napaharap ako sa kanya. “Seriously?” sabagay mas mabuting ‘yun na lang ang isipin niya kaysa malaman niyang katulong lang ako sa mansion nila. Well, hindi naman sa kinakahiya ko ‘yun pero base sa naobserbahan ko sa iskwelahang ‘to ay mahalaga sa kanila ang estado mo sa lipunan kaysa sa laman ng utak mo. Ayoko lang mas umingay ang paligid ko pag nalaman nila kung ano talaga ang relasyon na ‘min ni Allen. We are not typical yaya-at-amo relationship since halos magkaedad lang naman kami. “Then, tell me. How did you know him?” he asked habang nakaharap sa ‘kin. Tinanong niya na ako kung anong meron sa ‘min ni Allen but I didn’t answer him. Why? Dahil wala naman akong dapat isagot sa katanongang ‘yun. “Stop it, Ethan. I won’t tell you. Om-order ka na nga lang at nang sa makakain na tayo.” Pag-iiba ko ng usapan at nilabas ang lunch box ko. Isa pa ‘to, mukhang ako lang talaga ang nagdadala ng lunch box sa canteen. Paano ba naman kasi ang mamahal ng order nila? Isang order lang ay katumbas yata ng isang lingong sahod ko. Kaya mas mabuting magdala na lang ako ng lunch box ko para maka save rin ako kahit papaano. “Okay. Babalik lang ako.” Sagot niya saka nakapamulsang lumapit sa linya. Napailing na lang ako saka nilabas ang isang libro ko. May quiz kasi kami sa isa na ‘ming subject at hindi man lang nag-abala si Ethan na mag-aral. Psh! Paniguradong maraming dalang stock knowledge ang lalaking ‘yun. “I saw you.” Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Allen na nakatayo sa harapan ng lamesa na ‘min habang nakapamulsa. I blinked. Ano daw? “Ha?” parang tangang tanong ko. Hindi siya sumagot at saka nito hinagis ang bag niya sa mukha ko. “Bring it later.” Napanganga ako sa sinabi niya at tiningnan ang bag niya. May laman ba ‘to? Parang ballpen lang yata ang nasa loob ng bag niya sa sobrang gaan. “May klase pa tayo sa last subject, ah?” tumalikod ito sa dereksyon ko. “Dalhin mo sa classroom mamaya. I’ll wait, then.” He replied saka ito naglakad tatlong lamesa mula sa pwesto ko. Napailing na lang ako at tinabi ang bag niya sa bag ko at nagsimulang basahin ang notes ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD