CHAPTER 10
“Bakit ikaw ang nagdala ng bag niya?” hindi maiwasang itanong sa ‘kin ni Ethan habang pabalik kami sa classroom na ‘min. Paano ba naman kasi may dala pa akong bag, libro tapos dala ko pa tong bag ni Allen. Kung hindi ko lang siya amo ay talagang hindi ko dadalhin ‘tong bag niya. Asa! Pero minsan naisip ko rin kung bakit ganon ang pakikitungo sa 'kin ni sir Allen. Nagtataka lang ako kung bakit pinagkaka-interesan niya pa ang buhay ng katulong nila? Ayokong mag-isip ng masama dahil maliban sa pang-aasar niya sa 'kin ay wala naman siyang ibang pinakita. Hindi ko rin pinapakita sa kanya na naiinis ako kahit na sa loob ko naman ay parang gusto ko nalang siyang bulyawan at ipakain sa buaya dahil sa inis.
“Naiwan niya kanina.” Pagsisinungaling ko. Sinong tanga ang mag-iiwan ng bag nila? Syempre, si sir Allen lang 'yan. Mabuti nalang talaga at hindi niya naririnig ang sinasabi ko sa sarili ko kung hindi ay baka matagal na akong napalayas, and worst? Baka hindi na ako makapag-aral.
Well, baka lang naman may pinuntahan lang talagang importante si sir Allen kaya iniwan niya sa 'kin ang gamit niya. Ang nakakainis lang ay marami na nga akong dala, pinadala niya pa ang bag niya na akala mo naman kung anong laman.
Pagpasok na ‘min sa classroom ay agad akong lumapit kay sir Allen at inabot ang bag niya. Natahimik naman ang table nila ng mga kaibigan niya saka ito ngumiti sa ‘kin at tinanggap ang bag niya. Narinig ko pang naghiyawan ang mga classmates niya pero tulad ng lagi ko kong ginagawa ay hindi ko na lang ito pinapansin. Hindi naman bago sa ‘kin ang bagay na ‘yun. Para sa 'kin ay pang-ti-trip at pang-aasar na lang ang ginagawa ni sir Allen kaya hindi ko nalang siya pinapatulan. Parang wala lang sa 'kin para hindi niya na ako kulitin pa sa mga utos niya.
“Thanks.” Narinig ko pang sabi niya kasabay ng hiyaw ng mga kaklase na ‘ming lalaki habang ang mga babae naman ay masama na ang tingin sa ‘kin. Tsk! As if may pakialam ako. Alam ko naman na ginagawa lang ‘yan ni Allen para asarin ako dahil alam niyang hindi ko gusto ang mga paganitong taktika niya. Yes, hindi tatalab sa 'kin ang mga ganitong trip ni sir Allen dahil kilala ko siya. Alam kong walang kahit sinong babae ang seseryosohin niya at alam kong pinaglalaruan niya lang ang mga babaeng dumaan at dadaan sa kanya kaya naman kahit anong gawin niya ay hindi tatalab sa 'kin ang mga ganitong style niya. Psh! Hinayaan ko lang na mag hiyawan ang mga kaklase namin dahil alam ko naman kung anong trip ni sir Allen.
Nagsimula na ang klase na ‘min at tulad nong nakaraan ay nakatuon lang ang atensyon ko sa aming professor. Balewala na nga sa ‘kin ang tukso ng mga kalalakihan sa ‘min ni Allen at ni Ethan pati na rin ang mga masasamang tingin at mga parinig ng mga kaklase na ‘ming babae. Sino bang hindi magagalit sa 'king kung dalawang sikat sa escuelahan na 'to ay pinagtutuonan ng interest ang isang tulad ko? Kung alam lang nila kung anong relasyong ang meron kami ni sir Allen at kung anong trato ni Ethan sa 'kin. Pareho lang naman silang dalawa na nagpapataasan ng ihi dahil sa kung anong issue nila. Sa kasamaang palad nga lang ay ako ang naiipit sa kanila. Lagi akong nagiging target sa bully ng mga fans nila.
Naapektohan ba ako? Syempre naman! Hindi naman ako martyr para walang maramdaman. Ngunit hindi ko na lang iniisip ang nararamdaman ko. Hindi naman mahalaga ang nararamdaman ko. Kailangan may mapatunayan ako sa sarili ko bago ko isipin ‘tong lintik na nararamdaman ko.
“Okay class, I would like to remind everyone for the upcoming Acquintance party. Like what we discussed last week, sa Fuentabella hotel magaganap ang party.” Niligpit ko na ang mga gamit ko saka nilagay ito sa loob ng aking bag. Hindi na ako nakinig sa sasabihin ng teacher sa harapan dahil hindi naman ako interesado sa ganong klaseng party. Wala akong planong sumali at mas mabuting magtrabaho na lang. Inangat ko ang paningin ko at eksaktong nagtama ang paningin na ‘min ni sir Allen. Those eyes, there’s something in his eyes na para bang hinihila ako papalapit sa kanya. I can’t resist it everytime our eyes met. Hindi ko pinansin ang lintik na nararamdaman ko at pinagpatuloy ang pagliligpit ko sa mga gamit ko.
“Miss, pwede po bang hindi sumali?” nilingon ko ang nagtanong na estudyante. Saktong ‘yun rin ang gusto kong itanong sa professor na ‘min. Hindi naman kami graded kung sasali kami sa event na ‘yun. Sayang oras lang.
“Of course not. Everyone is required to attend the party. Mr. Montemayor, you are in charge of the Psychology students while Mr. Fuentabella naman ang sa Psyciatry students. Are we all clear?”
“Yes. Miss!” narinig ko ang tili-an ng mga estudyante. Paniguradong lahat ng classmates na ‘min ang gustong-gustong sumali dahil nandoon ang heartrub at playboy ng bayan.
“And Miss del Rosario, kindly assist them. I know you can handle the two since you are close to them,” napanganga ako sa sinabi ni ma’am. Seriously? Close? Kanino? Kay Ethan at Allen? Wrong observation, Miss. Gusto kong mag react, pero para saan? Gusto kong sabihing ayokong mag-assist at may iba akong gagawin kaisa atupagin ang mga kalandian ni sir Allen at pagpapa-cute ni Ethan. Pero ....
“Okay, Miss.” I replied. Now, I’m dumped! Paano ko ihahandle ang tubig at langis sa iisang lugar. At isa pa, wala nga akong planong sumali tapos mag-aassist pa ako sa kanila? Oh, God!
“Don’t worry. Kayo ang na-assigned sa junior pero and mga senior niyo pa rin naman ang bahala sa lahat. Kayong tatlo lang ang mga aassist kung sakaling may kulang.” Sabi nito saka nagpaalam sa ‘min habang ako ay hindi pa rin maalis ang pwet ko sa upuan ko.
Buong lingong bukang bibig ng mga estudyante ang tungkol sa magaganap na Acquintance Party. Nabibingi na nga ako sa paulit-ulit kong naririnig tungkol sa kulay ng isusuot nila, kung anong brand ang bibilhin nila, at kung ano-ano pang plano nila para sa party na ‘yun.
"Gusto mo bang tulungan na kita?" tanong sa 'kin ni Ethan habang ina-arrange ko ang mga flowers sa venue. Bukas na ang Acquaintance Party at hindi pa ako tapos sa pag-aarrange ng mga flowers. Actually, madali lang naman ang trabaho na 'ming tatlo dahil mag-aassist lang naman kami sa mga kaklase na 'min pero hindi naman nakikipag-cooperate ang mga classmate na 'ming babae. Paano ba naman kasi ang tingin nila sa akin ay karibal ng bayan!? Kaya naman tumulong nalang ako sa stage and venue decoration. Mabuti na lang at nakahiligan ko na rin ang mga bulaklak dahil ito naman ang trabaho ko sa mansion ng mga Fuentabella.
"No need, Ethan. At baka sabunutan na talaga ako ng mga fans mo." Narinig kong mahina siyang tumasa saka umupo sa harapan ko para makita ang mukha ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag-ayos sa mga bulaklak at hindi ko pinansin ang mga titig niya.
"At bakit ka naman nila sasabunutan?" hamon nito. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at muli kong nasilayan ang dimple nito at mapupulang labi. Gwapo naman si Ethan at talagang malakas ang charisma niya pagdating sa mga babae pero iba sa 'kin. Para siyang bading sa paningin ko kaya nga may mga panahon na komportable lang ako sa kanya kahit pa ilang pacute ang ginagawa nito.
"Dahil mas maganda ka pa daw kaisa sa 'kin." nagulat siya sa sinabi ko kaya naman napatawa ako sa reaksyon niya. "Bakit?"
"Ako? Maganda?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya mas lalo akong natawa, "Ikaw ang kauna-unahang babaeng nagsabing maganda ako!" natatawang dugtong nito. Totoo naman kasing kung naging babae siya ay talagang maganda si Ethan. Napailing naman ito at ginulo ang buhok ko. Tiningnan ko siya nang masama at eksaktong lumampas papunta sa likod niya ang mga titig ko.
Napayuko ako ng magtama ang paningin namin ni sir Allen. Bakit ang sama ng timpla ng mukha niya? Tinulungan ko naman siya kanina habang siya hinahalay niya 'yung babae niya sa back stage ah. Ako na gumawa sa lahat ng pinagawa sa kanya tapos ngayon parang galit pa siya. Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa ko habang si Ethan naman ay patuloy pa rin sa pangungulit sa 'kin.
Acquaintance Day
Nasa itaas ako sa isa sa mga kwarto ng hotel habang nakatingin sa labas. Kaming mga nag assist para sa event ay binigyan ng pagkakataon mag stay sa hotel. Mabuti na lang talaga at hindi nag-stay kasama ko si sir Allen at Ethan kung hindi ay talagang kaming tatlo ang magsasama sa iisang room. Magiging malaking problema 'yun lalo pa at alam kong hindi okay ang dalawa.
Nagpaalam naman ako sa mommy ni sir Allen dahil sa event ay hindi ako makakapagtrabaho at naiintindihan niya naman ito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kaming tatlo ang na assigned sa iisang kwarto? Hindi ba naisip ng escuelahan na babae ako at baka halayin ako ng dalawa? Psh. Mukha lang akong lalaki kung umasta pero babae pa rin naman ako. Hindi mabuting idea na pagsamahin kaming tatlo dahil paniguradong magiging referee ako sa dalawa.
Binuksan ko ang glass windows ng balcony at lumabas ako para makita ang buong area na nakapalibot sa hotel. Kitang-kita ko ang dagat mula sa kinalalagyan ko. The pristine blue waters of the sea are screaming tranquility. Nilingon ko ang gilid ng balkonahe at nakita ko ang sa mga swimming pool ng buong hotel. People were playing and they were having fun. I can also see the other balcony of the rooms.
Umihip ang malakas na hangin at pumikit ako. Hindi ko inakalang makakaramdam ako ng ganito kasaya sa puso ko. 'Yung pakiramdam ng pagiging malaya at malayo sa masakit na nakaraan ko. Pumasok ulit ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. I’m going to wear a white long dress with floral print for the dinner. Hindi ako nag-abalang sumali sa ilang event sa party at piniling bumaba ng mapansin kong hinahanap na kaming lahat sa ibaba.