CHAPTER 3

1179 Words
BECCA’s POINT OF VIEW Nakakita na ba kayo ng falling star? Nang fireworks sa umaga? Nang rainbow sa gabi? Ewan ko ba at hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko ng makita ko siya kanina sa itaas. Nataranta kami pareho ni Belle kaya sa kakamadali na ‘ming dalawa na makababa ng hagdan ay muntik na akong mahulog at nadapa. Tumingala ako sa itaas para tingnan muli si Sir Allen at mas lalong pumula ang aking pisngi ng halos makita ko na ang kanyang sandatahan dahil naka towel lamang ito habang ako ay nasa ibaba ng hagdan. Blanko lang itong nakatingin sa ‘min ni Belle habang ako naman ay para bang napipi at hindi na nagsalita. Bigla akong kinabahan at mas lalong kumulabog ang puso ko sa tuwing natataranta tong kasama ko kaya naman hinila ko ang kamay ko at humarap sa kanya. “Muntik ng mabagok ang ulo ko kanina sa hagdan.” Sabi ko sa kanya at hindi pinahalatang naiinis ako. Sinong hindi maiinis na halos ingud-ngod niya na ako sa sahig para lang makaalis sa lugar na ‘yun. Naiintindihan kong natatakot siya sa amo na ‘min dahil sa kabilin-bilinan pala sa kanila ni Sir Allen na hindi sila pwedeng umakyat sa itaas hanggang nandito siya sa mansyon. Okay lang naman ‘yun pero sana hindi ganon ang eksena na ‘ming dalawa na bigla na lang natataranta sa pag-alis ron kanina. Nakakahiya tuloy kay Sir Allen. “Eh, anong gusto mo? Mabagok ang ulo o mawalan ng trabaho? Nong huling may umakyat sa itaas tapos nandoon si Sir Allen ay pinalayas niya at hindi na pinabalik rito sa mansyon.” Napaisip naman ako sa tanong ni Belle. Pasalamat nalang kaming dalawa at hindi pa kami pinapalayas ng aming amo. “Sino bang kasama niya sa itaas?” nagtatakang tanong ko. Napansin ko kasi kanina bago kami tuluyang makaalis palayo sa hagdan ay may nakita akong isang babaeng sumulpot sa tabi niya. Akala ko talaga si Sir Allen lang ang nasa itaas. May iba pa pala kaming amo. Lumapit sa ‘kin si Belle na akala mo ay hahalik kaya napaiwas ako pero sinabi nitong may ibubulong lang siya. “Si Ma’am Maxine. Flavor of the week ni Sir Allen. Ang totoo niyan ay ex-girlfriend ‘yan ni Sir Allen dati pero ngayon parang ex with benefits na lang.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ex with benefits? Bakit hindi na lang sila magkabalikan at may drama pa silang ganyan?” “Yep! ‘Wag ka ngang maingay at baka may makarinig sa ‘yo!” sabay tingin na ‘min sa paligid na ‘min at nang makita na ‘ming wala kaming kasama ay nagpatuloy si Belle sa kanyang pagiging Marites. “Ex with benefit dahil ayaw ng balikan ni Sir Allen si Ma’am Maxine. Hindi ko alam kung anong nangyari sa relasyon nila pero mula nang maghiwalay sila ay paiba-ibang babae na ang dinadala ni Sir sa taas kaya rin ayaw niyang may pumupuntang katulong sa itaas. Malakas siguro umungol ang mga babae niya kaya ganon.” natatawang dugtong ni Belle kaya napanganga ako. Parang nahihirapang e-digest ng utak ko ang sinabi niya. Kung ganon ay may kahalayang nangyayari sa itaas. Napalunok na lamang ako. “Hindi ba siya natatakot na makakuha ng sakit sa iba’t-ibang babae kinakama niya?” natawa si Belle sa tanong ko. “Talaga bang hindi mo alam ang pamilyang pinasukan mo ng trabaho?” hindi ako sumagot, “Fuentabella siya, Becca. Magagaling na doctor ang angkan nila. Isa pa, gumagamit rin naman ng proteksyon si Sir Allen. Makikita mo ‘yan pag nalinis mo na ang kuwarto ni Sir Allen.” Natulala ako sa sinabi niya. Kung ganon ay may ebidensya pa silang matitira sa kuwarto. Yucks! Parang gusto ko na tuloy lumipat ng mapagtatrabahoan. Hindi ba pwedeng pagkatapos gamitin noon ay itapon na lang sa lugar na kahit katulong ay hindi ‘yun makikita? Err. “Kayong dalawa! Tawag na kayo ni Ivy sa labas at para makapagsimula na kayo sa paglilinis. Tsk! Chismis nang chismis.” Mataray na sabi sa ‘min ni Juliet, isa sa mga tagasilbi sa mga Fuentabella. Nagsimula na kaming maglinis ni Belle. Inabot niya sa ‘kin ang uniporme na ‘min saka ako lumabas para pumunta sa garden. Kabilin-bilinan pa naman sa ‘kin ni Mrs. Fuentabella na ako ang mag-aalaga sa mga halaman na naiwan ng nagpapahinga nilang hardinero. Tiningnan ko ang lapad ng lugar at marami ngang mga halaman. Kung gusto mong magpahinga at makasagap ng sariwang hangin ay talagang nasa tamang lugar ka. Sa ‘di kalayuan ay may isang puno kung saan may nakalagay rin na ilang upuan. Nakita kong papalapit doon si Sir Allen at ang kasama niya kanina na si Ma’am Maxine. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagwawalis at pag-aalaga ng mga halaman. “Kung ganon ikaw pala ang bagong hardinera na ‘min?” inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Sir Allen na nakatayo sa harapan ko. Bakit hindi ko man lang siya napansin na nakalapit sa ‘kin? Teka, nasaan ang kasama niyang si Ma’am Maxine? “Diba ikaw ‘yung natutulog sa dating kuwarto nila Mang Berto? Pamangkin ka ba nila?” Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman na doon ako natulog? Natatandaan niya pa ang mukha ko eh hindi naman ako nagtagal don kahapon. Parang nabasa niya naman kung anong nasa isip ko kaya agad rin siyang nagsalita. “Pumupunta kasi ako doon sa tuwing gusto kong mapag-isa at magtago. Eksaktong nandon ka kaya pamilyar sa ‘kin ang mukha mo.” Bumilis ang pintig ng puso ko. Kung ganon hindi ako nagkamali ng maramdaman kong may nakatitig sa ‘kin habang natutulog ako. The place was not creepy! Itong tao na ‘to ang creepy! Err. Talagang may nagmamasid sa ‘kin nong mga oras na ‘yun. At ano daw? Mapag-isa at magtago? I don’t understand. “Trespassing ‘yun.” Natawa siya sa sagot ko. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ba ako pero may nakita akong kislap sa mga mata niya habang tumatawa sa harapan ko. Nakapamulsa itong nilapit ang kanyang mukha sa ‘kin kaya napaatras ako. Nakita ko pang napangisi siya sa naging reaskyon ko pero hindi ako nagsalita. p*****t! “Alam ko.” simpleng sagot niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi ka lang ordinaryong tagapag silbi.” Tumango-tangong sabi nito na para bang nabasa niya ang libro ng buhay ko kaya napayuko ako. “Anong pangalan mo?” “Becca po. Rebecca Del Rosario.” Nang wala ng tanong pa si Sir Allen ay muli ko nang tinuloy ang pag-aayos sa mga tanim na nasa paso. Ang akala ko ay papasok na sa loob si Sir Allen pero nanatili siyang nakaupo sa ilalim ng punoan at nakatingin sa ‘kin. Bigla ako kinabahan sa pagkilatis niya sa ‘kin. Ngayon pa lang ay sinasabi ko nang kailangan kong mag-ingat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD