** THIRD PERSON POINT OF VIEW **
Natuwa si Becca nang matanggap siya sa mansyon bilang katulong. Nakadagdag pa sa kanyang pasasalamat ang gusto ng kanyang mga magiging amo na sina Raul and Jenny Fuentabella na mag stay-in siya roon. Ibig sabihin ay hindi na niya kakailanganing umupa pa ng matitirhan. Tuwang-tuwa naman ang dalaga lalo pa at hindi niya na kailangang magtiis sa maliit at maingay na apartment na ‘yun. Halos hindi pa nga ito nakatulog ng maayos dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya sa loob ng kuwarto. Ang creepy ng lugar na ‘yun para sa kanya.
Bago siya iwan ni Mang Berto at Aling Aura ay isinauli nito ang three thousand na kanyang downpayment. Nagpasalamat si Becca sa kabutihan ng mag-asawa lalo at tinulungan pa ito na makapagtrabaho sa mansyon.
“Puwede ka nang magsimula ngayon kung gusto mo,” sambit ni Jenny. “Wala kang magiging problema rito kung hindi mo rin kami bibigyan ng problema.” Tila nagbabantang sabi sa kanya ng kanyang amo.
“Hindi po, hindi po. Pangako ko pong pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho ko rito.” Nakangiting sagot ng dalaga habang pinakita ang mapamatay na ngiti nito. Sabi sa kanya ng kanyang ina noon na maganda raw siya pag nakangiti. Agad itong napailing ng maalala niya ang kanyang ina.
“Good. Mahilig rin ako sa halaman at kung napapansin mo ay marami akong halaman sa likod ng aming mansyon. Gusto ko sanang tulungan mo akong mag-maintain sa aking mga halaman. Hindi lang sa loob ng bahay ang trabaho mo kundi pati rito sa labas.” Tumango naman ang dalaga habang nagpapaliwanag ang Ginang sa mga maaring trabaho niya sa loob at labas ng mansyon nito.
Mabuti na lang at may alam rin kahit papaano si Becca sa pagtatanim ng mga halaman. Hindi nga lang ganon kagaan ang kamay niya sa halaman pero alam niya naman paano alagaan at mahalin ang mga halaman sa kung saan siya nanggaling. Mahilig rin namang magtanim ang kanyang ina noon kahit nong nasa Bataan pa lamang sila.
“Mababait at mabuting silang tao, Becca,” pakli ni Aling Aura sa kanya ng mapansin nitong kinakabahan ang dalaga nong papunta pa lamang sila sa mansyon kanina. “Ako at si Berto na ang magpapatunay sa ‘yo no’n. Ngunit sa sandaling abusuhin mo ang kabaitan nilang ‘yun ay lumalabas din ang sungay nilang mag-asawa.” Biro ni Aling Aura.
Iyon ang binitawang salita ng mag-asawa bago siya iniwan nito.
“Mag-iingat ka rin sa anak nila na si Allen, hija. Kung maaari ay iwasan mo ang binatang ‘yun. Sa tingin ko pa naman ay mas matanda lang sa ‘yo ng tatlong taon ang unico hijo nila Mrs. And Mr. Fuentabella. May itsura ka pa naman.” Napailing na wika ni Mang Berto bago tuluyan itong makaalis. Napaisip naman si Becca sa mga balalang iniwan sa kanya ng mag-asawa tungkol sa unico hijo ng mga Fuentabella. Isa raw itong presko at gwapong playboy at nag-iisang anak ng mga Fuentabella. Siguro dahil laki sa gintong kutsara kaya ganon ang tinatawag nilang si Allen. Ngunit hindi naman lahat ng lumaki sa mayayamang pamilya ay pangit na ang ugali.
Hindi niya na lang inisip ang mga salitang binitawan sa kanya ni Mang Berto at sinimulan na ang kanyang trabaho. Sinabi sa kanya ni Mrs. Fuentabella na bukas ay maaari na itong magsimula pero sa isipan ng dalaga ay kailangan niya munang magpa-impress sa kanyang mga amo lalo pa at sa tingin niya ay tatagal pa siya sa pagtira rito. Wala rin naman siyang mapupuntahan. Ang gusto niya lang ay makapag-ipon at makapag-aral. Maghahanap siya ng scholarship nang sa ganon ay matapos niya ang kursong gusto niya.
“Naku, Becca, ‘wag ka munang magtrabaho. Bukas ka pa naman pinapasimula ni Madam ‘di ba?” ngumiti lang ang dalaga sa nagpakilalang si Belle at patuloy lang ito sa pagligpit sa mga ilang kalat sa kusina. “Mas mabuti pa ay eto-tour na lang kita sa bahay ngayong wala ang mga amo na ‘tin.” Napakunot ang noo ng dalaga.
“Nasaan sila Ma’am Jenny?” tanong ni Becca.
“Umalis kasama si Sir Raul. Si Sir Allen lang ang nandito pero paniguradong tulog na naman ‘yun dahil hindi na naman siya umuwi kagabi at kanina ay halatang may hangover pa. Ewan ko ba kay Sir Allen kung bakit siya laging lasing ngayon. Baka may problema? Ay, basta! Kung ayaw mo ng magulong buhay, ‘wag kang lalapit kay Sir Allen.” Mahabang talak ni Belle. Mas lalo tuloy naging curious si Becca kung sino nga ba si Sir Allen. Ngunit baka tama si Mang Berto at si Belle. Mas mabuti na ring umiwas siya sa gulo lalo na ngayong gusto niyang magsimula ng panibagong buhay.
Habang pinapakita sa kanya ni Belle ang loob ng bahay ay hindi maiwasan ni Becca na mamangha sa mansyon ng mga Fuentabella. Hindi mo maipagkakaila ang taglay na yaman ng mga Fuentabella. Kahit ang mga painting na naka-display sa kanilang sala ay mahahalata mo ring mamahalin at hindi basta-basta.
Dalawang palapag ang mansyon ng mga Fuentabella at marami ring kuwarto sa itaas. Nagtataka rin si Becca kung bakit sa laki ng bahay na ‘to ay hindi niya man lang maramdaman ang buhay sa loob nito. Para sa kanya ay masyadong malungkot ang bahay na ‘to para sa tatlong amo nila. Mas marami pa ang kwarto ng mga tagapagsilbi kesa sa amo nila. Nasa itaas ang kwarto ng mga amo nila habang nasa baba naman ang sa kanila. Tumingala si Becca sa itaas ng hagdan. Para bang hinahatak siya nito paakyat sa itaas kaya naman hindi niya pinigilan ang sarili niya at naglakad paakyat ng hagdan.
Habang paakyat siya sa hagdan ay ramdam niya ang bigat ng paa niya habang nakatapak ito sa sahig. Para bang pinipigilan siya dahil may hindi magandang naghihintay sa kanya pagdating sa itaas. Nang marating niya ang itaas ay nilibot niya ang paningin niya rito. May apat na pinto kung saan paniguradong isa rito ang kwarto ng mag-asawa at ang isa naman ay kwarto ng anak nilang si Allen. Maaring ang ibang kwarto ay bakanteng guest room. Ngayon niya lang nakitang mabuti na malaki pala talaga ang bahay na ito kaya apat silang mga tagapagsilbi rito. Sa pagkakatanda niya kanina ay meron din silang dalawang driver at isang hardenero na naka-leave dahil nagkasakit ang magulang nito.
“Becca!” halos mapatalon si Becca sa kinakatayuan niya ng marinig niya ang boses ni Belle. Lumapit sa kanya ang kasamahan niya at pinigilan siyang maglakad papunta sa sala sa ikalawang palapag. Talagang masyadong malaki ang mansyon na ito para sa tatlong amo nila. Iba talaga ang mga mayayaman. Kahit sa gitna ng mga kwarto nila sa itaas ay may sariling sala at isang dining area.
“Ano ‘yun, Belle?”
“Anong, ano ‘yun? Nandito tayo sa itaas at hindi tayo pwedeng maglinis hanggang nandito pa si Sir Allen.” Napakunot lalo ang ni Becca ng marinig niya ang laging naka-high pitch na boses ni Belle. Teka, ilang taon na nga ba ito si Belle? 28? 30? Sinabi niya ‘yun kanina pero agad ring nakalimutan ng dalaga.
“Bakit naman?” nagtatakang tanong ng dalaga. Sa pagkakaalala niya ay wala namang binilin sa kanya ang kanilang amo na hindi nila pwedeng linisan ang itaas na kuwarto hangga’t nandito ang nag-iisang anak nila na lalaki.
“Kasi . . .” hindi na nasagot ni Belle ang tanong ni Becca dahil biglang bumukas ang isang pinto kung saan ang kuwarto ng amo nilang lalaki. Para bang nag slow motion ang pagbukas ng pinto at niluwa rito ang halos mala-Christian Grey na pangangatawan. His sizzling six-pack abs is on display. He looked attractively handsome when droplets of water run on his chest down to his abs. Napalunok si Becca sa kanyang nakikita dahil para bang hindi tao ang kaharap niya ngayon kundi isang perpektong nilalang na bumaba mula sa langit. Ngayon ay nai-imagine niya na si Sunako Nakahara na nano-nosebleed sa tuwing nakikita niya si Kyohei Takano sa Yamato Nadeshiko. Parang gusto niya na ring ma-nosebleed sa mga oras na ‘to!
For Pete-sake! He’s parading his six packs abs. Damn! Damn! Damn! I couldn’t take my eyes off of his body, his well-toned sculpted abs. Hindi napigilan ng dalaga at napa-English siya ng wala sa oras.