bc

Rewrite the stars

book_age12+
410
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
kicking
mystery
like
intro-logo
Blurb

Unang kita pa lamang ni Daniella kay Winston ay kumulo na agad ang dugo n'ya rito.Napaka yabang,bastos at arogante kasi nito.Sa kabila nito ay Marami naman ang tila pinapangarap man lamang na mapansin nito,dahil sa likas nitong kaguwapuhan, karisma at kasikatan sa sikat na eksklusibong paaralan na pinapasukan n'ya bilang iskolar ng simbahan.

Lahat na lamang ay ginawa nito upang inisin at galitin s'ya, bagay na labis niyang ikinabahala dahil labis na nitong napukaw ang atensyon n'ya. Sa kabila nang lahat ng ginawa nito sa kan'ya ay may katangian itong labis na pumukaw ng atensyon n'ya, malapit ito sa mga bata,tulad n'ya dahil anim silang magkakapatid.

Kung kailan naman tila lumalambot na ang puso n'ya sa binata ay saka n'ya madidiskubre ang ginawa nitong paglalaro sa damdamin n'ya, dahilan para tuluyan n'ya itong layuan at ituring na Isang estranghero.

Marami man ang gulong idinulot sa buhay estudyante at buhay teen ager ni Daniella Ruiz ang Isang Winston Sandoval, will they able to Rewrite the stars and make it right this time?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Unang araw ng pasukan ko bilang freshman sa unibersidad na noon ay pinapangarap ko lang.Isa itong eksklusibong paaralan at pawang mga may kaya at sikat lamang ang nakakapasok dito at ako ay sinuwerteng nabigyan lang naman ng scholarship ng simbahan kung saan ako umaawit bilang choir member. Iginala ko ang paningin sa paligid, puno ito ng mga estudyante na karamihan ay mga sibilyan ang kasuotan. Kahit anong araw ay puwede namin isuot ang ano mang naisin namin. Ganoon ang dress code sa paaralan na ito. Napasinghap ako nang mula sa kung saan ay may tumamang bola sa aking mukha. Narinig ko ang tawanan ng mga ito at sa bugso ng damdamin ay napakunot ang noo ko kasabay sa pag-ikot ng aking mga mata upang hanapin ang kung sino mang nakatama sa akin. Yari ka ngayon sa’ kin. Mula sa kung saan naman ay lumapit sa akin ang Isang matangkad, matipuno at guwapong lalake. Nakangiti ito sa gawi ko at sukat doon ay nakalimutan ko bigla ang ano mang atraso nito sa akin. “Ikaw naman kasi tatanga-tanga ka,” nakangisi nitong saad habang inaabot sa akin ang bola na ‘di ko namalayan ay hawak ko na pala. Sukat sa aking narinig ay nanlaki ang aking mata at ibinitin ko ang bola na malapit na sana nito abutin. Itinaas ko ang aking mga kamay habang hawak pa rin ang bola. Umalingawngaw ang tawanan sa gitna ng mga nagkukumpulang estudyante sa gawing iyon ng paaralan na iyon. Nilibot ko sa paligid ang aking paningin at kitang-kita ko ang mga estudyanteng sa palagay ko ay mula sa iisang departamento. Tuturuan ko ng leksyon ang aroganteng lalaking ito! Eh ano ngayon kung mukhang senior ito kaysa sa akin? Ngumisi ako at akmang iaabot na ang bola rito ngunit ibinato ko ito sa mukha nito. Nagtawanan ang mga estudyanteng nakaupo sa gilid at sa pagkakatawa ng mga ito ay alam kong kilala ng mga ito ang lalaking ngayon ay namumula na sa galit sa aking harapan. Nakipaglaban ako ng titigan sa kan’ya ngunit sadyang matapang ito. Nilapitan ako nito at sa sobrang lapit nito ay naramdaman ko na ang pader sa aking likuran sa kakaatras. “Anong ginagawa mo? Umalis ka nga dahil kung hindi-“ Kagat ang labi na tinitigan ko ito nang masama. Langhap ko na ang hininga nito at ayaw ko man aminin ay nakakaakit iyon. “Kung hindi ay ano?” ngumiti ito at sukat doon ay lumabas ang biloy nito sa mga pisnge. Sinamantala ko iyon upang kumawala sa pagkakakulong ko sa mga bisig nito.Ubod lakas ko itong Itinulak at napaupo ito sa lupa. Banaag sa guwapo nitong mukha ang labis na pagkagulat sa ginawa ko. Hindi ito agad nakakibo o nakatayo man lamang. Ngumisi ako at tinapunan ko ito nang nakakalokong tingin. “Sinong tatanga-tanga ngayon ha? Sa susunod ay matuto kang humingi ng tawad hindi ‘yong ikaw pa ang mayabang,” ngumiwi ako rito at sukat sa ginawa ko ay dinig ko ang pang-aalaska ng mga nasa paligid namin. Hindi ko na iyon binigyan ng pansin dahil hahanapin ko pa kung saan ang room ko. Napakamalas naman ng unang araw ng klase ko.Simula pa lang ito ng pakikipagsapalaran ko sa paaralang ito. Nilingon ko muna ito bago lumakad palayo at inilabas ko ang dila at inasar ko ito. Narinig ko ang pagsigaw nito sa mga nagtatawanang mga estudyante sa paligid nito na agad namang nanahimik kaya labis akong nagtaka sa kung ano ang pagkatao nito. Paano na lamang kung isa ito sa makapangyarihan at maimpluwensyang estudyante rito sa unibersidad? Ikinibit ko na lamang ang balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Huminto ako saglit nang maramdaman kong nawawala sa leeg ko ang temporary I.D na kailangan upang makapasok ako sa klase. Hinawakan ko ang dibdib sa labis na kabang naramdaman kung saan ko ito maaaring naiwaglit. Nasa harap ako ng building ng Nursing College kaya tila nag-aalinlangan pa akong tumuloy roon lalo na at nasa I.D ko nakasulat ang room number at schedule pati na rin ang kung sino ang guro ko. Nakakahiya naman magtanong at unang araw pa lamang ng klase namin. Baka sabihin ay napakatanga ko lalo na at pulos mga mayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga mag-aaral dito sa Clinton University. Nakapasok lamang ako rito dahil sa binigay na scholarship ng pari ng simbahan kung saan ay umaawit ako bilang miyembro ng choir tuwing linggo. Nanlulumo ako sa naisip na kukuha na lamang ako ng panibagong kopya sa opisina ng unibersidad at lulunukin na lamang ang kahihiyan nang mula sa ‘di-kalayuan ay may pumalakpak. Nilingon ko ito at ganoon na lamang ang galit na naramdaman ko nang mapagsino na naman kung sino ito. Si mister yabang! Wala pa man itong sinasabi ay nagsimula na akong umiwas dahil kailangan ko pang hanapin o kaya kumuha na lamang ako ng panibagong kopya ng schedule sa opisina ng unibersidad ngunit sumigaw ito na ikinatigil ko agad sa paglalakad. “Heto ba ang hinahanap mo Miss assassin?” iwinagayway nito ang kulay asul na tali ng I.D ko. Sa halip na mabunutan ng tinik sa nalaman na may nakakuha naman pala sa I.D ko ay tila bolta- boltaheng kuryente ng labis na kaba ang tila nagsulputan sa dibdib ko dahil si mister yabang ang nakakuha nito. Alam ko na pahihirapan ako nito at hindi ko ito basta-bastang makukuha rito lalo na at ipinahiya ko ito kanina kaya naman nasisiguro ko na gaganti ito sa akin.Nilingon ko muna ang orasan sa bisig ko at pasado alas nuebe na pala ng umaga. Kinse minutos pa bago magsimula ang unang subject ko sa klase. “Ibigay mo na ‘yan sa akin,” Kalmado kong inabot ang palad dito. Bagama’t matalas ang aking tingin dito.Tinitigan lamang nito ang palad ko at ibinulsa ang hinihinge ko. Naningkit ang mga mata ko subalit kailangan ko ito kausapin nang maayos lalo na at ako naman talaga ang may kailangan rito. “Sa palagay mo ba ay ibibigay ko sa’ iyo ‘to matapos ang ginawa mo sa akin kanina?” umikot ang mga mata nito kasabay sa pagkibit ng balikat nito. 1,2,3,4 pagbibilang ko sa isip upang pakalmahin ang aking sarili. Kumukulo talaga ang dugo ko sa taong ito! “Eh, ‘di ‘wag mong ibigay! Siguro may gusto ka sa akin at gusto mo lang makuha ang litrato ko at number ko,” ngumisi ako. Sinusubukan ko lamang ito dahil mayabang ito at alam kong ibibigay nito agad iyon kung idadaan ko sa ganoong paraan ngunit nagkamali ako. “Tama ka,may gusto ako sa iyo kaya sa akin na lang ‘to ha?” pagka sabi niyon ay mabilis na itong lumakad papasok sa nursing building. Kapareho ko pala ito ng kurso. Kapag minamalas ka nga naman! Ano raw? May gusto ito sa akin? Ayaw ko man aminin ngunit tila lumundag pa ang puso ko sa sinabi nito. “Baliw ka! Habulin mo na s’ya at baka kulamin ka pa no’n,” sigaw ng isip ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook