Agad natahimik ang mga kamag-aral nila dahil sa nakikitang tensyon sa pagitan ni Nico at Winston.Ang Ilan sa mga ito ay nagbubulungan at ang iba naman sa mga ito ay matatalim ang mga matang ipinupukol sa kan'ya na tila 'ba ay may nagawa siyang mali sa mga ito. Tumayo naman s'ya upang mamagitan na sa mga ito at pumagitna s'ya sa mga ito. "Puwede 'bang ibalik mo na lang 'yan?Ayaw namin ng g**o,"malumanay niyang wika kahit pa inis na inis na s'ya rito sa totoo lang. Tumawa naman ito nang pagak saka ibinalik ang hawak nito ngunit pabalang naman itong nagsalita pagka-abot no'n. "Heto na.Wala naman daga sa'min para ipanakot ko 'to,"pagka-abot nito niyon ay nilagpasan na sila nito saka umupo sa upuan nito. Nagkatinginan na lamang silang dalawa ni Nico at mukhang kumalma naman na ito.Ano 'ba

