CHAPTER 3
Lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin.Hindi naman ako ‘yong tipong shy-type girl ngunit ewan ko ba,kung bakit tila kinakabahan ako ng mga oras na iyon.Lalo na nang makita ko ang nakakailang na mga titig ng pares ng mga matang iyon. Ang mga titig ni Winston sa akin.
“H-hello, I-I’m Daniella Ruiz, Eighteen years old,”pagsisimula ko habang nakatayo sa unahan at lahat ay nakatuon ang mga mata sa akin.
Nakita ko ang pagtango-tango ng ulo ni Winston at seryoso ang mukha nito na nakikinig sa akin. Napasimangot tuloy ako bigla pagkakita rito at alam kong nahalata ako ng aking guro.
“Well,tell me about your hobbies, ano ang mga hilig mo Daniella?”ani Mrs.Chavez.
“U-uhm,mahilig po akong mag-drawing at tumugtog ng gitara,” sagot ko rito.
Totoo naman iyon.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase Ko maliban sa grupo ng mga kababaihan na napansin kong kanina ay nanonood sa bangayan namin sa labas ni Winston.Nakataas pa ang kilay nito at naka-krus ang mga bisig.
“Pakialam ko sa inyo,” ismid ko sa aking isipan.
Mabilis naman na natapos ang pagpapakilala ng bawat isa at naubos na nga ang oras namin doon kaya naman naghanda na ang lahat sa pagdating ng isa pa naming propesor.
“Psst!”sitsit sa akin ni Bimbo,ang kanina ay payat na lalaking kasama ni Winston.
Nilingon ko naman ito ngunit tila wala naman itong alam kaya naman humarap na lang ako ulit at inayos ang mga gamit ko sa aking upuan.
“Sabi mo mahilig ka mag-drawing? Iguhit mo nga ang mukha ko dali na,” Utos ni Winston na ikinakulo na naman ng dugo ko.
Wala na ba itong Ibang nakikita kung hindi ako?
“Ano bang problema mo? Bakit ba masyado kang papansin sa akin?”
“Ang sungit mo naman!Ano ka ba naman nakikipagkaibigan lang ‘yong tao sa iyo. Alam mo ba kung sino ako?”pagyayabang pa nito habang nakataas ang paa sa likuran ko.
“Wala akong pakialam kung sino ka man.Saka puwede ba? Ibaba mo nga ‘yong paa mo,”Wika ko bago inusog ang upuan na dahilan upang malaglag ang mga hita nito sa pagkakasandal doon.
“Akala mo naman kung sinong maganda.Winston, bakit mo ba pinag-aaksayahan ng oras ‘yang slam girl na ‘yan? She doesn’t deserve your time,”pagsusungit ng babaeng narinig kong Janice ang pangalan.
Nanahimik na lamang ako at umayos sa pagkakaupo ko. Itinuon ko ang paningin sa paligid ko, halos tatlumpu lamang kami lahat sa klase. Mas lamang ang mga babae at kaunti lamang ang mga lalake. Ngunit ang mas lubhang nakakabahala ay lahat ng kababaihan ay nasa likod ko lahat ang paningin. Ang mga ito ay tila kinikilig at nagpapapansin.
“See? Lahat sila sa akin nakatingin. Napakasuwerte mo at napansin pa kita,” narinig kong bulong nito.
Natawa na lamang ako sa lakas ng tiwala nito sa sarili nito. Ilang oras pa ba ang titiisin ko para makalayo na ako sa mayabang na ito?
10:15 a.m at palabas na ang lahat sa klase ang mga kamag-aral ko upang kumain ngunit wala akong balak na kumain. Busog na busog pa rin ako dahil kumain ako kanina ng kanin dahil maagang nagluto si Mama para sa mga kapatid ko.
“Magdo-drawing na lang siguro ako,” sabi ko sa aking sarili.
Ganoon ako madalas, kinakausap ang sarili ko.Laking gulat ko nang bigla sa aking tenga ay may kung anong boses ang bumulong.
“Sabi ko na nga ba at kunwari ka lang see? Aayaw-ayaw ka pa ido-drawing mo rin pala ako,”
Nagulat ako bigla kaya naman napaigtad ako sa aking upuan at pabigla kong naihagis ang hawak na notebook.Tatawa-tawa itong dinaanan ako at sumaludo pa bago makalabas ng room namin.
“Gandahan mo ha?Dapat sobrang kamukha ko,”Kumindat pa ito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Naiwan akong tigagal sa mga pangyayari sa unang araw ko sa klaseng iyon.
Bakit ba kasi pinatulan ko pa ito kanina?Sana hindi ako nito pinag-iinitan ngayon.Mukha pa naman itong hindi basta-bastang uurong sa pakikipag-asaran sa akin.
Hindi kita uurungan. Ikaw rin ang kusang susuko sa akin makikita mo.
Nakapangalumbaba ako mag-isa sa room namin at hawak ko ang aking ballpen.Naglalaro sa aking isip ang mga eksenang dati ay akala kong dadatnan ko sa pagpasok ko sa paaralang ito.
Ang sabi sa akin ni Mama,matitino raw ang mga tao rito at baka makilala ko raw ang taong makapagpapabago sa disposisyon ko sa buhay ko sa lugar na ito. Kilala ako bilang walang pakialam at neutral na tao. Halos may nagbubugbugan na sa harapan ko ay wala pa rin akong pakialam. Siguro dahil nadala na ako noon nang minsan ay nagtiwala ako sa kaibigan ko.
Akala ko noon ay totoo s’ya sa akin pero niloko n’ya lang ako. Sinira n’ya ako sa section namin. Gusto ko lang naman tumulong noon dahil gusto nitong makakuha rin ng iskolarship kaya’t binigyan ko ito ng reviewer sa mga exams namin ngunit binaligtad n’ya ako. Pinalabas nitong may kodigo ako.
Sa pagkakaalala ko sa parteng iyon ng buhay ko ay bumigat ang dibdib ko at ‘di ko namalayan ay napaluha na pala ako. Isang panyo ang nakita kong hawak ng nasa gilid ng mga mata ko at nilingon ko ito kung kaninong palad iyon at nakita ko ang kanina ay nag-alok sa akin ng upuan sa tabi nito.Nahihiya kong pinahid ‘yon.
“Bakit ka umiiyak?May problema ka ba?Gusto mo ba kausapin ko ang grupo nila Winston na tigilan ka na?” kunot ang noo na wika nito sa akin.
Umiling-iling ako upang isawata ang mga mali nitong hinuha.
“Hindi,may naalala lang ako. Salamat dito ha?”tumawa ako nang mahina upang ipakita rito na ayos lang naman talaga ako.
Hindi na rin naman ito nagtanong pa at ipinagpasalamat ko na hindi naman pala ito tsismoso.
“Ako nga pala si Nico Natividad.Ikaw si Daniella Ruiz ‘di ba?”umupo ito sa tabi ko at tila handang makinig pa sa nais kong sabihin ngunit sapat na ang mga panahon na iyon para balikan ko pa.
Hindi ko lang napigilan isipin ang kaibigan kong iyon lalo pa at nandito ako ngayon sa bagong environment.
“Pasensya ka na,nasipunan ko tuloy ‘to,”sabi ko at nahihiyang ngumiti rito.
“Hindi, hindi ano ka ba ayos lang ‘yon sa iyo na lang ‘yan,”pagwawalang bahala nito sa sinabi ko at kahit paano ay gumaan ang loob ko na may kumausap sa akin dito.
Maingay na pumasok ang grupo ng mga kalalakihan at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sila Winston na nga ito at ang grupo nito.
Inihanda ko ang sarili ko dahil natitiyak ko na may sasabihin na naman ito sa akin ngunit sa aking pagtataka dahil tahimik lamang itong umupo sa likuran ko.Nakahinga naman ako nang maayos at ganoon din si Nico sa aking palagay.
“Amoy pag-ibig dito ha?” bigla ay kausap ni Winston sa kaibigan nito na ngingisi-ngisi.
Tahimik lang akong nakinig sa usapan ng mga ito.
“tapos sa akin ayaw mo ako kausapin?Crush yata ako ng bayan dito at baka ‘di mo rin alam, ako ang pinakaguwapo rito,”tuloy tuloy lang ito sa kunwari ay pakikipag-usap nito sa kaibigan nito at dahil ‘di naman ako tanga ay alam ko na ako ang pinariringgan nito.
Nakasimangot ko itong hinarap.
“ Talaga ba? Guwapo ka? Saan banda nga ulit?”saad ko saka ko ito tinalikuran ulit.
Nagtawanan ang mga kaibigan nito sa sinabi ko ngunit hindi ko na nakita ang reaksyon nito dahil nakatalikod na ako sa mga ito.
“Tumahimik nga kayo kung hindi isusuka n’yo ang mga nilibre ko sa inyo,”malakas ang boses nito kaya naman kahit na ‘di ko ito lingonin ay alam kong namumula na naman ito sa galit. Lihim akong napangiti.
One point. Bulong ng isipan ko.