NANG matapos naming masagutan ang ibang mga itinanong ng lalaki sa aming harapan ay ngumiti muna ito at nakipagkamay sa amin ni Alexan bago umalis. Daglian kong hinablot ang nanginginig na kamay mula sa pagkakahawak ng lalaking taga-media at itinungo ang ulo upang maitago ang kabang kanina ko pa kimikimkim sa aking sarili. Nang lumisan ito ay saka pa lamang ako nakahinga ng maayos. Habul habol ko ang hiningang pinipigilan ko kanina pa dahil sa pagkabalisa na dulot ng mga salitang sinambit ni Alexan kanina sa nag-interview sa amin.
Napaigtad ako nang maramdaman ang isang kamay na hinapit ang aking baywang. Kusang nagtungo ang aking paningin sa lalaking katabi at sumalubong sa akin ang kulay kayumangging pares ng mga mata ni Alexan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at nawala ang kalmadong ekspresyon nito. “Are you okay?” Tanong ng lalaki.
Bahagya kong inilayo ang katawan mula sa pagkakahapit ng lalaki saka ito sinagot, “o-oo, Alexan. Ayos lang ako.”
Hindi nawala sa magandang mukha nito ang pag-aalala kung kaya’t inabot ko ang kamay nito sa mesa at mahigpit na hinawakan. Ngunit nang magkamalay ako sa aking ginawa ay agad kong binawi ang aking kamay at piniling itago ito sa mesa, saka iniwas ang paningin sa lalaki nang dahil sa hiya.
Narinig ko itong mahinang napamura kaya napalingon akong muli kay Alexan. Ang mga mata nito’y hindi na nakatuon sa akin ngunit hindi ko rin mawari kung ano ang nais na ibahagi ng mga ito.
Saglit na ipinikit nito ang mga mata at nilingon ako, “let’s make use of the time left. They serve food in here, I would like you to join me in a meal.” Sambit ng lalaki bago ito tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at naglahad ng kamay.
I looked at his hands for a brief moment – thinking about the embarrassing thing that I did just now. I may not want to lay my hand on it again, but the thought that we’re still acting in front of many people made me do so. I gently laid my shaking hand on his and tried to stand up by myself. But my knees buckled – probably because of the fright caused by a couple of things at this moment – and thank God Alexan’s hand was there to be my support. I looked at him shyly then let him lead the way to tthe buffet at the other side of the room.
Buti na lang at walang ni isang nagtangkang lumapit sa akin upang makipag-usap o magtanong ng kung anu-ano dahil hindi pa maayos na gumagana ang aking utak sa mga oras na ito. Iilan lang sa nangahas na lumapit sa aking kinatatayuan ay mga taga-media na kumukuha ng mga litrato.
Agad ko namang sinalinan ang aking plato at kumuha ng kung anong nasa aking harap at dali-daling bumalik sa mesang inokupahan namin ng lalaki, sa takot na baka ay may lumapit at kumausap sa akin.
Sinimulan ko nang kainin ang pagkaing nakuha nang makaupo ng maayos sa aking puwesto. Ilang minuto pa ay dinaluhan na rin ako ni Alexan at inilapag ang sarili nitong plato na tanging isang slice lang ng chocolate cake ang laman.
“You could’ve waited for me to finish getting my food, Rache.” Munting na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang mahinang bulong nito sa aking tainga. Dama ko ang init ng hininga nito na siyang nagpainit ng aking pisngi.
“Don’t say anything, just smile at me. There’s a photographer taking photos of us.” Napalunok muna ako at dahan dahang lumingon kay Alexan. Lalo pang nag-init ang aking mga pisngi nang makita kung gaano kalapit ang mukha ng lalaki sa akin. Halos isang pulgada na lamang ang distansya ng mga mukha namin at umaabot sa aking pisngi ang malalalim na paghinga ng lalaki.
Nang maalala ko ang isa sa mga pinagagawa nito ay agad akong tumalima at ginawaran siya ng ngiti – na hiniling ko na sana ay hindi iyon magmistulang pagngiwi dahil sa pagkailang ko sa posisyon namin ngayon ng aking katabi. Ilang segundo rin ang tinagal ng pagtititigan namin ni Alexan bago ito umayos ng upo at itinuon na ang atensyon sa mesa. Binawi ko na rin ang aking paninging sinundan ang pagkilos ng lalaki at inabot ang kubyertos at nagpatuloy na rin sa pagkain.
Nawala na rin ang pagdududa ko sa kasunduan namin ni Alexan dahil wala naman talaga akong ginawa kanina kung hindi ang sumagot sa mga tanong ng madla at umaktong parang asawa nito. Naging bonus pa ng kasunduang ito ang damit na suot pati na ang hapunang ito. Lalo pa at hindi ko inasahang sa isang magarang lugar pala ang pinangyarihan ng inakala kong isang simpleng interview lang. namangha ako sa ganda ng pagkakadisenyo ng silid. Mga kahoy ang gamit nito bilang pader ngunit nagmukha pa rin itong kabilang sa mga five-star na restaurant.
Nang maubos ko na ang laman ng aking plato ay kinuha ko ang telang idinantay ko sa aking hita at ginamit itong pamunas sa aking labi. Naisip kong lingunin ang katabi kong kanina pa walang imik ngunit laking gulat ko nang magtagpo ang aming mga mata. Napansin ko ang plato nitong mayroon pang kalahati ng cake na kinakain nito ngunit nakababa na ang mga kubyertos nito na tila ay naging hudyat na tapos na itong kumain. Tila ay ine-eksamina ako ng mga mata ng lalaki kung kaya’t nakaramdam ako ng pagka-ilang.
“I can take you home now, if you want to,” sabi ni Alexan nang hindi inaalis ang mga titig sa akin.
“Ayos lang po ba iyon? Baka hanapin po kayo ng mga tao rito,” sagot ko sa lalaki at pilit na nakipagtagisan ng titig dito.
Umismid lamang ito na tila ay walang pakialam sa mga matang maaring nakatingin. “Trust me, I’m the least powerful person in the room. You probably don’t know those flashy guys in suits, but they’re far more important to the media than I am,” sabay turo sa ibang mga mesa na pinalilibutan ng mga photographer.
Wala na rin akong naisagot kundi ang tumango sa kaniya dahil tama naman ang naging obserbasyon nito sa paligid – iilan lamang ang mga photographer na humihinto sa harap namin at itinatapat ang camera sa amin. Mas marami pa ang dumudumog sa mga taong nasa ibang mga mesa. Nauna na rin akong tumayo at walang imik na naglakad palabas ng gusali habang nakatingin lamang sa aking dinaraanan. Buti na lang at wala akong nakakasalubong na tao kundi ay mayroon na akong nakabunggo.
Nang makalabas ako ng restaurant ay hindi ko inasahan ang malamig na hanging dumampi sa balat kong hindi nababalutan ng saplot. Naikiskis ko ang mga kamay sa aking braso kung saan nagsimulang magtayuan ang aking mga balahibo habang hinihintay si Alexan na makalabas ng restaurant. Hindi ko naman alam kung saan naka-park ang sasakyan nito dahil halos magkakamukha lahat ang mga kotseng nakapuwesto sa gilid ng kalye.
Nagulat ako nang mayroong kung anong bumalot sa aking katawan na siyang humarang sa lamig na dulot ng gabi. Napatingin ako dito at nakitang isa itong suit. Nang maaalala ko ang disenyong suot ng kasama ko ay napalingon ako sa aking likuran at tama nga ang aking hula – si Alexan ang nag-alay ng kaniyang suot na suit. Naiwan na lamang ito sa suot nitong puting button down na polo na nakabukas ang unang dalawang butones mula sa itaas. Tahimik lang itong nakamasid sa akin habang nasa bulsa ang mga kamay.
“A-ayos lang naman ako - -” akmang aalisin ko ang ipinatong niya sa aking balikat ngunit nagsimula na itong maglakad papunta sa sasakyan nito. Kumapit na lang ako sa makapal na tela ng suit ng lalaki at tahimik siyang sinundan.
Limang minuto na ang nagdaan ngunit ni isa sa amin ang walang nagtangkang magsalita. Nilalaro ko ang mga daliri sa aking kamay at naghanap ng mapag-uusapan dahil naiilang na ako sa katahimikang pumapalibot sa amin. Tila ay may nagsinding ilaw sa aking utak nang makaisip ng itatanong kay Alexan at agad na lumingon dito.
“Sir, matanong ko lang po. Ni minsan po ba ay hindi nakilala ng mga tao ang asawa niyo?” I noticed that he tightened his grip on the steering wheel, turning his knuckles white. I guess I’ve asked the wrong question to him again, so I chose to remain quiet for the rest of the ride. I settled in the warmth that’s given by Alexan’s coat and leaned towards the window and admired the changing scenery outside.
Wala rin naman akong karapatang panghimasukan ang personal na buhay ng aking amo, lalo pa at naatasan lamang akong magpanggap na asawa niya. Hindi dapat ako nagtanong tungkol sa mga bagay na malayo na sa papel na ginampanan ko ngayong araw na ito.
Ilang sandali ang lumipas at naramdaman ko ang pagkamatay ng makina ng sasakyan. Napatingin ako labas sa pag-aakalang huminto na ang lalaki sa tapat ng apartment building na aking tinutuluyan ngunit nang madungawan ko ang nasa labas ay nangunot ang aking noo nang makitang nakahinto kami sa gilid ng daan na kita ang payapang along yumayakap sa tabing-dagat.
Napatingin ako kay Alexan at nakita itong nakapikit ang mga mata at nakasalubong ang dalawang kilay na tila ay malalim ang iniisip. Ninais kong magtanong sa kaniya kung bakit kami tumigil sa lugar na ito ngunit hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita dahil baka ay mali na naman ang mga salitang lalabas mula sa aking bibig.
“Giselle left immediately after giving birth, nang wala man lang pasabi. When I arrived at her hospital bed, she wasn’t there anymore.”
I felt the regret instantly creeping up to my spine as I heard the pain in Alexan’s voice. His stare was towards the calm ocean, and I don’t know what I should do to console him so I opted on watching the ocean with him. I leaned towards my seat as I admired the quiet waters reflect the shine of the moon.
“Sorry kung naitanong ko,” I said in a small voice without any courage to look at the man beside me.
With the amount of angst that Alexan is feeling, I could presume that the love he felt for her is really great. And the fact that his wife left his side without any warning, and that he was looking for her for so long, made me empathize to his pain.
When I remembered something form the line of questioning that he gave me and the answers that I should tell the media, I held the coat close to my body as I asked him in a soft tone, “eh, Sir. Sino po si Liliana?”
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa direksyon nito kaya napalingon ako kay Alexan. Nakita ko itong may kinukuha sa kaniyang bulsa. Nang iniabot niya ito sa akin ay nakita kong ang wallet niya ito na nakabukas. Tinuro ng lalaki ang litratong nakadikit sa pitaka niya at nakita kong larawan ito ng isang batang babaeng malapad ang ngiti at nakalahad ang mga kamay na tila ay inaabot ang taong kumuha ng litratong ito. Napakaamo ng mukha ng batang babae at nakita ko ang pagkakahawig nito sa lalaking aking katabi.
“That’s my three-year old daughter, Liliana.”
Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang larawang pinapakita ni Alexan. The kid looked so adorable and as I examined her face, she looked like the girl version of her father. There are some soft features on the girl’s face yet her brown eyes and lips reflect those of the Big Boss’s.
“Ang ganda po ng anak ninyo, mana sa inyo Sir,” nakangising sambit ko sa kaniya at ibinalik ang pitaka sa lalaki. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at saglit na inihaplos ang daliri sa larawan ng kaniyang anak bago nito isinara ang pitaka at ibinalik sa kaniyang bulsa.
“She’s been my anchor for all the years that I’ve tried to find her mother. Liliana has been the only thing that kept me on my feet.”
Nakita ko ang sinseridad sa mukha nito habang nakatingin sa kawalan. May maliit ding ngiting nakaguhit sa kaniyang labi kung kaya’t lihim ding kumurba ang aking mga labi habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng lalaki. Pansin kong hindi na nito suot ang nakakatakot nitong awra, at tanging mababakas lamang sa ekspresyon nito ang tunay na pagmamahal ng isang ama sa kaniyang ama.
I should talk about his daughter more if the prize of it is that I would always see him smile like this.
Bahagyang kinapulahan ng aking pisngi ang naisip tungkol sa lalaki kaya naiwas ko ang paningin dito. Napapikit na lang ako sa kabaliwang nasa aking isipan. Hindi ako maaaring magkaroon ng ganoong ideya dahil sa katotohanang kasal ang lalaki, nawawala man ang asawa nito ay hindi sila hiwalay ng Giselle na iyo – ang babaeng aking kamukha.
Dinig ko ang huni ng makina ng sasakyan at naramdamang nagsimula na kaming lumayo mula sa tabing-dagat ngunit nanatiling nakasara ang aking mga mata hanggang sa ako’y maka-idlip.
I felt something soft touched my lips which woke me up. I slowly straightened my seating position and saw that we have already arrived at the apartment building. When I remembered what happened just now my hand immediately flew to my lower lip and stare at the window in confusion.
Nakita ko mula sa repleksyon ng bintana na nakatingin lamang sa harap si Alexan kung kaya’t napalingon ako rito. “Kanina pa ba tayo nakarating dito?”
Saglit na napagawi ang tingin nito sa akin ngunit ibinalik din ang tingin sa kung saan. “No, kakarating lang natin,” sambit nito na tila ay nahihiya. “Do you want me to accompany you inside?”
Nailang ako sa alok nito kung kaya’t hindi ako nakasagot. Naguguluhan man sa nangyari kani-kanina lang ay pinili ko na lang na ialis ang pagkakakalabit ng seatbelt at tahimik na lumabas ng kotse ng aking amo. Kumapit na lang ako sa strap ng aking sling bag at nagsimulang maglakad papunta sa kwartong tinutuluyan. Muntikan pa akong matisod sa hagdanan dahil sa hindi ko nakita ang aking dinaraanan, ngunit buti na lang at naalalayan ako ni Alexan bago ako mahulog pababa.
I noticed how awkward our position was – his hand holding me tight on the waist as I held on him arm for support. His face was mere inches away from mine and I felt his hot breath fan my face, making me blush. To recover from the embarrassment caused by my clumsiness, I immediately got away from the man’s touch and held the railing for support as I went up the stairs. When I arrived at my floor and walked towards my apartment door, I fished out my keys out form my bag and unlocked it.
Ngunit bago ako tuluyang pumasok sa aking apartment ay lumingon muna ako sa aking likod, at nakitang nakasandal si Alexan sa pader na katapat ng aking pintuan habang nasa bulsa ang mga kamay nito. Napalunok muna ako at naghanap ng mga pwede kong sabihin sa lalaki. “Ah, Sir - -”
Hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita at tila nahulaan ang gusto kong sabihin sa lalaki. “I won’t pull your mother out of the facility. I’ve already paid the full expenses that would be good for two years, so you don’t have to worry about the bills. Also, you don’t have to worry about your rent here, inasikaso ko na ang lahat.”
Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan ng lalaki ngunit pinanatili ko pa rin ang distansya sa pagitan namin, “maraming salamat po, sir Alexan. Kahit napaka-simple lang po ng pinagawa niyo sa akin ay labis labis naman ang tulong na iginawad niyo para sa amin ng ina ko,” nahihiya kong sinalubong ang malalalim na titig ni Alexan at nagpatuloy sa mga nais kong sabihin sa kaniya. “Habang buhay ko po itong tatanawin na utang na loob.”
Walang nagbago sa ekspresyon ng lalaki ngunit hindi ko mabasa ang nais nitong ipahiwatig. Tahimik lang itong nakamasid sa akin na siyang nakapagpa-init ng aking pisngi. Naiyuko ko ang aking ulo sa takot na makita ng lalaki ang pamumula ng aking pisngi.
“You were a good wife, even if you left me alone at that restaurant for two times.” Dinig kong sabi nito at tumikhim. “Good night.”
Napalingon ako sa gawi nito ngunit wala na ito sa kaniyang kinatatayuan. Napatingin ako sa hallway at nakitang naglalakad na palayo ang lalaki at tinahak ang hagdan pababa. Naiwan nalang ang sagot ko rito sa hanging namagitan sa amin ng misteryosong si Alexan del Valle.
“Good night…”
~